kawaii 50 ~ Exchange of heart part 2

6.6K 192 40
                                    

Yuweh's POV

Nagising ako na parang bago ang pakiramdam ko. Parang bagong panganak ako. At sa pagmulat ng mga mata ko,sina Inay at Itay agad ang nabungaran ko.

"Inay,Itay..." tawag pansin ko sa kanila. Para namang nataranta silang dalawa at lumapit sa akin.

"Gising ka na anak,kamusta na?" nakangiting tanong ni Itay kaya napangiti din ako.

"Okay ka na ba anak? Nagugutom ka ba?" sabi ni Inay.

"Hindi po, uhm Inay at Itay,pwede po ba nating puntahan si Venn?" tanong ko. Halata namang nag dalawang isip sila. Gusto ko makita si Venn kahit sa huling sandali. Gusto ko magpasalamat at magpaalam sa kanya. Kung hindi dahil sa kanya baka pinaglalamayan na din ako ngayon.

"Anak,maaaring naging matagumpay ang operasyon mo pero baka makasama sa iyo ang pagpunta doon" malungkot na sabi ni Itay. Napaiyak ako. Gusto ko kasi makita talaga sya.

"Anak pag magaling kana ng tuluyan may mga pag uusapan tayong importanteng bagay,pero sa ngayon,magpahinga at magpalakas ka muna, magagalit sayo si Venn pag pinabayaan mo pa ang sarili mo,ayaw mo naman sigurong masayang ang sinakripisyo nya diba?" ani Inay,napatango na lang ako.

Bago pumikit ay inalala ko ang lahat ng pangyayari bago ako humantong sa ganito.

"Yuweh... Tapusin na natin ang lahat,tama na to siguro. Alam kong mahirap pero kailangan mo tanggapin,hindi tayo ang para sa isa't isa. Ako na din ang bahala sa Divorce natin, Paalam Yuweh"

kahit nakapikit naramdaman kong tumulo ang mga luha ko ng maalala ang mga salitang binitawan ni Argel nung gabing iyon. Lahat ng sakit nanariwa at bumalik sa akin.

Bakit ganon? Akala ko pag napalitan na ang puso ko ay mapapalitan na din ang damdamin at nararamdaman ko. Ganon ba talaga yon? Kahit mapalitan ng syensya ang puso mo at bago na ito pero ang emosyon mo ay hindi mawawala sa utak,sistema at pagkatao?

Walang pinagkaiba. Ganun pa din sya kasakit. Pero kahit ganon pa man,hindi ko sasayangin ang sakripisyo at pagmamahal sa akin ni Venn,iingatan ko ang puso nya tulad ng gusto nya. Magpapakatatag ako,hindi ko sya bibiguin.

Limang araw ako sa ospital,araw araw dumadalaw ang tropa,maging sina Kuya Yuri at kuya Gelo pumupunta din. Aminin ko man o hindi,hinahanap hanap ko pa rin si Argel. Hindi nakatulong ang pagpalit ng puso ko para mawala ang pagmamahal ko sa kanya. Ganun siguro iyon katindi at hindi na maiaalis sa akin yon.

Hiniling ko sa lahat na ayaw ko ng pag usapan o marinig ang mga panget na nangyari nitong nakaraan,at buong respeto naman silang sumang ayon.

Sa ika limang araw ay okay na ako at naka labas na ng ospital. Pumunta kami sa isang chapel kung saan nakalagak ang katawan ni Venn.

Ito ang araw ng interment nya,kung saan,magbibigay kami ng mensahe sa kanya at magkekwento sa mga tao dun kung ano sya sa amin.

Pagkapasok pa lang namin ay bumigat na ang pakiramdam ko,lahat sa amin nakatingin,sa dami ba naman namin ,kasama pa sina Inay at Itay.

May lumapit sa aming babae at lalake,may mga edad na ngunit bakas pa din ang kagwapuhan at kagandahan,may kasama silang batang lalake na sa palagay ko ay high school at naramdaman kong tulad ko sya.

"Mabuti at nakarating kayo,lalo kana Yuweh,lagi ka kinekwento ni Venn sa amin over the phone,at ikaw din pala ang nakatanggap ng puso nya" sabi nung babae at niyakap ako na ikinabigla ko,humagulhol sya kaya naawa ako at napaiyak na din. Ng mahimasmasan ay bumitaw sya sa pagkakayakap sa akin.

"Sya nga pala,nakalimutan namin magpakilala,ako nga pala si Louisa,at ito ang husband kong si Victor,at sya naman ang bunso naming si Page Riley" at nakipagkilala kami sa kanila.

CHANCES (Inlove with you Book 3) ~COMPLETED~Where stories live. Discover now