kawaii 21 ~ Free,Finally!

8K 224 19
                                    

Yuweh's POV

Kinabukasan,pumasok pa din ako sa school,as if walang nangyari kahapon. Ngayong araw,ibang Yuweh na ako. May suot na maskara. Maskarang hindi nakikita.

Isang mukhang ipinapakita ng kawalang interes sa lahat,hindi nagbibigay ng atensyon at pansin. Bawat bumabati sa akin ay hindi ko tinutugon,at alam kong nagtataka na sila.

But I have to do this para sa mga kaibigan ko. Pero isang bagay lang ang hindi ko kayang gawin na pinapagawa ni Sunshine,ang mag drop out. Maputol man ang litid nya at mahiwa ang lalamunan nya ay hinding hindi ko yon gagawin. Itong edukasyon at karangalan na lamang ang mayroon ako na pwedeng ipagmalaki nina Inay at Itay.

Dirediretso lang akong naglakad papunta sa Bldg namin ng mapansin ko ang apat na bulto ng mga tao,sina pinsan at Argel. Kunyari hindi ko sila nakita. Kunyari hindi sila nag e-exist.

"Yuweh/pinsan" sabay na sabi nilang apat.

Pero dumiretso pa din ako at hindi sila pinansin. Masakit talaga pero kailangan ko magtiis.

Ng biglang may humawak sa akin,paglingon ko si Argel. Agad kong hinila ang kamay kong hawak nya at patakbong umakyat sa hagdan,nakasalubong ko pa si Amara at Mich. Nagtinginan lang kami,na para bang sapat na ang tinginang iyon at nagkaintindihan na kami.

Malakas naman ang pakiramdam ko na maaayos din lahat ng ito tulad nga ng sabi ni Enzo at nina Kymn.

-----

Sa apat na taon na pag-aaral ko dito sa St.Adams,ngayon lang ako naboring ng ganito. Pakiramdam ko bago talaga ako dito. Ramdam ko ang mabibigat na tingin sa akin ng mga kaklase ko,ngunit hindi ko ito binigyang pansin. May pagkakataon pa lumalapit ang iba para kausapin ako pero wala silang makuhang sagot sa akin, para silang kumausap ng bingi o hindi naman ay ng pader.

Paminsan minsan nahuhuli kong nakatingin sa akin sina Pao at Venn. At ayoko ng nakikita ko sa mga mata nila. Lalo ako nasasaktan.

Eto na ngayon,katatapos lang ng last subject para sa buong araw at nagchichikahan na mga kaklase ko sa gagawing practice para sa cheerdance.

Excited ako dati para sa cheerdance na yan eh,pero ngayon sa tingin ko hindi na ako kailangan dyan. Pagkakasyahin ko na lng ang sarili ko sa pagtanaw sa kanila kung maisipan na nila mag simulang mag practice.

Pero parang bukas pa daw ata sila magsisimulang mag practice. Isang araw pa lang nakakalipas ay miss na miss ko na sila,para bang dekada ang agad na dumaan sa sobrang pagka miss ko sa kanila. Ang bonding,tawanan,asaran,pagiging sweet nina Argel at Pao,pagiging makulit at maangas ni Venn,ang maalalahaning pinsan kong Shin at sina Amara at Mich,pati yung pagiging kwela nina Oreo at Khai :(

Matapos ko mag ayos ng gamit ay lalabas na sana ako ng matigilan ako. Sina Kymn,Wiwa at Ann nandito.

NO! Baka makita sila ni Sunshine at ipabugbog pa sila sa mga alagad nya!

Again. Pati sila kunyari hindi ko kilala. Maya ko na lang sila kausapin,yung malayo na dito sa school. Tiningnan nila akong tatlo pero nilampasan ko sila. Sakto nakasalubong ko si Shine.

Oh Great! Perfect!

Nilingon ko yung mga iniwasan ko,magkakausap na sila nina Amara,muli ibinaling ko ang tingin kay Shine at nakapaskil sa pagmumukha nya ang nakakalokong ngisi.

Mangudngod ka sana! Sabi ko pang ganyan sa isip ko at nilampasan ang demonya. Alam kong si Argel ang pupuntahan nya. Ang bitch talaga!

"Nagmamadali ka ba Yuweh? Huwag masyado. Sige ka baka madisgrasya kana naman, accident prone ka pa naman" biglang sabi ni Sunshine na ikinatigil ko sa paglalakad.

"Yan ganyan nga,are you enjoying the game as much as I do? Ang saya diba?" dagdag pa nito.

Nakakapikon na ah! Eh kung ingudngod ko kaya mukha nya sa pader ng matahimik madaldal nyang bunganga.

"Excuse me!" biglang singit ni Wiwa at binangga si Shine. Bumagsak talaga sa sahig.

O_O

"You bitch! Hindi mo ba nakitang may tao? " galit na sabi ni Shine na hirap na hirap tumayo. Nagpigil lang ako ng tawa dahil baka lalo ako malagot.

"Excuse me? Sinong bitch sa ating dalawa? Ikaw na naghahabol sa lalaking hindi ka gusto at nandamay ng mga inosenteng tao at halos maging criminal na,o ako na napaka GANDA at napaka linis ng konsensya? Sagot dali! Ng mabigwasan ko pagmumukha mong nakakagigil!" sagot ni Wiwa. Hindi ako makapag salita. Nakita kong pasimpleng nagtatawanan at ngitian ang mga tao sa floor na ito na nakakasaksi sa pangyayari. Lumapit na din ang tropa at iba pa naming kaklase.

"Ang kapal ng mukha mo! Wala kang alam! Marami akong kayang gawin at uunahin ko ang baklang yan!" galit na sabi ni Sunshine at itinuro pa ako. Bigla tuloy ako natakot!

"Suit yourself bitch! See? These peoples are listening and as a matter of fact nadinig mga sinabi mo. Hindi lahat ng gusto mo makukuha at magagawa mo whitch! Youre game is over! Subukan mo pang gumawa ng hindi maganda kay Yuweh at sa mga kaibigan namen,lagas ang negosyo ng kumpanya nyo at sa bukid kayo pupulutin ng pamilya mo" naka ngising sabi ni Wiwa na nagpakunot ng noo ni Sunshine at ng mga taong nanood.

"Hindi mo ako matatakot! Maimpluwensya ang pamilya ko!" sabi ni Sunshine na ayaw pa din patalo. Wow! Sana kasing tapang ako ni Wiwa! Nakakahiya tuloy.

"Oh really? Mas maimpluwensya ba yan sa lolo nina Yuweh at Shin na Prime minister ng Japan? Sa kanila lang naman naka depende ang buhay mo at ng pamilya mo. Grand Master Tomoe is now filing charges against you,wala ka ligtas kahit 17 ka palang. Ngayon mag aangas ka pa?" huling salita ni Wiwa.

Natigagal lahat! As in lahat,ang tropa,sina Pao,Venn,mga classmates,mga naka paligid,lalo na si Sunshine na namutla at parang tinakasan ng dugo sa katawan. Literal na nagkulay papel ang bruha.

Paanong nalaman ni Wiwa? Tanga ko,pwede namang naikwento ni Shin diba? Oo ganon na nga.

"Now Ms.Sunshine Garcia,are you enjoying the game? Kung may hiya ka pang natitira sa katawan,lumayas ka na dito! Pumapatol ako sa babae!" naka ngising sabi ni Kymn tas kumindat pa sa mga babaeng naka paligid.

"You see Ms.Garcia,hindi tanga at bobo ang mga taong sinubukan mong paglaruan. Alis ka na dito! Tsupi! Wala ka kwenta! Wala pang 24hrs natanggal na sumpa mo,mangkukulam!" segunda naman ni Ann at nagtawanan na lahat.

Si Sunshine,hindi maipinta ang mukha at umalis na durog na durog ang pagkatao.

"Kymn,Wiwa at Ann,maraming salamat,hayst kayong mga kaibigan ko na naman ang nagligtas sa akin" sabi kong nahihiya at umiiyak pa. Niyakap nila akong tatlo. Habang yakap nila ako,napatingin ako kina Amara,Mich,Pao at Venn na bakas din sa mga mukha ang kasiyahan.

"Thats our duty Young Master" sabay na sabi ng tatlo saka nag bow.

O_O

"Hoy mga baliw,wag nga kayong ganyan! Ang daldal nyo,alam na tuloy ng lahat" nahihiya ko pang sabi.

Naghagikgikan mga taong nakakasaksi. Later on, sina Amara at Mich naman niyakap ko. Then we decided na magliwaliw muna sa mall.

Habang palabas kami ng campus hinahanap ng paningin ko sina Argel,Shin,Khai at Oreo, nasan kaya mga yon?

Baka naka uwi na. Pero alam nyo palaisipan pa din sa akin tong sina Kymn,Wiwa at Ann eh. Parang sinasadya talaga na andyan sila para bantayan ako.

Sino kaya talaga tong mga baliw na ito?

AN ~ MUSTA? Magandang gabi po! Maraming salamat sa mga patuloy na nagbabasa at comment,pati sa mga bagong nagcocomment,ang sarap po sa pakiramdam,thank you po =)

Gumawa po ako ng Album sa FB ko na nakalagay mga pix ng lahat ng characters mula sa unang kwento ko,nasa naunang page po bago ang page na ito, click nyo lang yung external link dun =)

ETO NGA PALA PIC NI SHIN :)

(nasa baba pag naka mobile ka)

CHANCES (Inlove with you Book 3) ~COMPLETED~Where stories live. Discover now