kawaii 28 ~ Turn of Event

7K 186 7
                                    

Yuweh's POV

Masyadong naging mabigat sa akin itong linggong ito. Una ang mga practice. Pangalawa ang pagtatapat ko kina Venn at Pao. Oo nakapili na ako. Naging napakahirap sa akin ng makita ko silang nasaktan,parang pinipiga ang puso ko, bakit pa kasi ako ang minahal nila? Ang dami daming magaganda at mababaet na babae dyan sa paligid.

Pero wala akong choice,kesa naman umasa sila sa wala diba? Ayokong maging unfair. Oo napatunayan kong mahal ko din silang dalawa ngunit hindi kasing tindi ng pagmamahal ko kay Argel. Sana lang makahanap na sila ng nakalaang pag-ibig para talaga sa kanila. Bata pa naman kami,madami pa silang makikilala. Pero okay? I cant see my future without Argel. Parang ang bitch ng dating ko dahil tatlong lalaki ang nagmamahal sa akin ng tapat,pero hindi ko naman yon ginusto.

Pero sa kabila ng lahat,ipinakita pa din nina Pao at Venn na matatag sila. Mananatili daw sila sa aking tabi,hindi ko naman yon hiniling,kaya laking pasalamat ko sa Diyos at naging kaibigan ko silang dalawa. They are more than what the others think they are ika nga ni Amara at Michelle.

Eto ngayon,tamang dasal kami sa back stage,ngayon kase cheerdance competition. Sana lang may boses pa ako pang sigaw. Namalat kasi kami kakasigaw kahapon,nanood kami ng basketball game ng St.Adams Vs Starville kaya nandito din kahapon sina Kymn,Wiwa at Ann.

The good thing is,wala ako nararamdamang nerbyos at kaba. Mainam to para makapag perform ng maayos.

Pumunta kami sa gilid ng court to watch the other competitors,nakakabilib yung galing nila. Section C ang sumasayaw ngayon. Next na ang B tas kami na,diba nga excempted ang Section A?

Tiningnan ko mga classmates ko,walang mababakas na kaba sa kanila. Then I looked at Leila, sya kasi yung ihahagis hagis ng section namin. Lakas din ng loob ng babaeng to eh.

Nang matapos na din ang Section B at C. Kami na ang pumwesto sa gitna ng court.

Our drummer started to roll the drum,yung mabilis na nakakaba. Then me and Leila started doing our thing as the opener. Nag exibition kami. Then nung tumigil kami sa pag tumbling nag start na ang sabay sabay naming pag sayaw.

My favorite part is the spageti dance. Ewan bakit sinali nila pero ang kwela kasi pati mga classmates kong lalaki ang lalambot ng katawan. Lalo na si Venn at Pao na nag sisilbing mga leaders namin. Then biglang pumasok ang techno dance on which piling mga boys ng section namin ang sasayaw, the others will form the pyramid and Leila as usual ang nasa tuktok na babagsak at ihahagis ulit pataas.

Makapigil hininga talaga dahil literal na nakakakapos ng hininga lalo na on my part na nakatungtong sa isang classmate ko ng naka bend at umiikot ang classmate kong yun at sa right side ng pyramid ganun din ung dalawa ko pang classmates.

Buwis buhay dahil pakiramdam ko lahat ng dugo ko napunta sa ulo ko. After that part,sinayaw namin ang finale which is Stronger by Britney Spears,at sa pagtatapos ng cheerdance namin nakabuo ulit kami ng tatlong pyramid nasa gitnang pyramid si Leila hawak ang banner ng section star at sa magkabilang side ang dalawa ko pang classmates na babae na naka 6 oclock.

Masigabong palakpakan ang sumalubong samin. Worth it lahat ng pagod at hirap. Hindi man kami ang manalo,atleast nag enjoy kami at pinakita namin ang best namin.

Nagpunta kami sa back stage para makapag punas,niyaya ko ang tropa na lumabas muna ng campus at kumain,since mamaya pa naman ang announcements of winners.

Paglabas ng Gym nandun na ang Pito (Shin,Argel,Khai,Oreo,kymn,Wiwa,Ann) at sinalubong at congratulate kami na masaya naman naming tinanggap.

Masaya kaming nagkekwentuhan palabas ng campus. Masaya din akong nakikita na somehow,tumatawa at ngumingiti sina Pao at Venn.

Pero ako bothered pa din dahil hindi ko pa alam kung kelan ako aamin kay Argel at sasabihing sya ang mahal ko.

Nakalabas na kaming campus,nasa ganon akong pag iisip ng biglang may tumigil na itim na Van sa harapan namin. We are all shock. Walang nakagalaw lalo na nung may mga lalaking lumabas na mga mukhang goons,mga bigotilyo at may mga tatoo.

Bigla ako hinablot ng isang goons habang nakatutok ang kanilang mga baril sa tropa. Marami na din nakakakita pero tulad ng tropa wala silang magawa.

Nakaramdam ako ng matinding takot kaya nagwala ako at nagsisigaw, kita kong lalapit sana si Shin at Argel ng tutukan ulit sila ng baril. Nataranta ako baka maiputok sa kanila yon kaya nagsisigaw ako pero pilit nila akong hinihila papasok sa Van. Ngunit malakas sila,naipasok nila ako sa Van at agad itong pinaharurot paalis sa harap ng St.Adams.

Hindi ko na alam iisipin ko,tuliro na ako,naguguluhan na ako. Naghalo na ang luha at pawis ko at nanginginig ako. Maya maya may panyong itinakip sa ilong ko at nakaramdam ako ng pamimigat ng talukap hanggang kainin na ako ng kadiliman.

AN ~ PAKITINGNAN ANG BAGONG ARGEL :) BINAGO KO NA. CRUSH Q YAN HIHI!

CHANCES (Inlove with you Book 3) ~COMPLETED~Where stories live. Discover now