kawaii 32 ~ Close to death!

6.5K 180 12
                                    

"Argel! Sa abandonadong mansyon! Bilisan mo!" agad na sigaw ni Shin pag sagot pa lang ni Argel sa tawag.

Damn! Buti dito kami pumunta! Ani Argel sa isip at dali daling pumasok sa gate ng abadonadong mansyon, kasunod nya sina Pao at Venn.

"Yuweh!!" paulit ulit na sigaw ni Argel ganun din ang dalawa nyang kasama.

"Pao dun ka sa loob, Venn dun ka naman sa taas maghanap,dito ako sa paligid at sa likod" tawag pansin nya sa mga ito.

"Sige" sabay na tugon ng dalawa at nagkanya kanya ng direksyon. Nahalughog na nya ang paligid. Tanging ang likod bahay na lamang ang hindi.

Malakas ang pakiramdam nya na nandito lang si Yuweh dahil na din sa tawag ni Shin. Pumunta si Argel sa likod bahay at nagpalinga linga. Bigla syang nakaramdam ng matinding kaba.

"Sana hindi pa kami huli" piping usal ni Argel sa paligid. Napansin nya ang pool at parang may latak ng dugo. Nilapitan nya.

Ganon na lang ang kilabot na gumapang sa katawan nya ng makitang may tao sa ilalim ng pool. Parang huminto ang pagtibok ng puso nya. Nakaramdam sya ng matinding takot. Takot na ngayon lang nya naramdaman. Takot para sa buhay ng minamahal.

Agad syang tumalon sa pool para iligtas ito, at ng mapag sino nya ito ay halos takasan sya ng bait. Agad nya itong iniangat sa tubig.

Mabigat dahil sa upuan at lubid. Ngunit pinilit nya itong iangat ng buong lakas. Ng masigurong ayos na ay natatarantang tinatanggal nya ang lubid ngunit masyado mahigpit ang pagkakatali.

May sugat sa katawan at tama ng baril si Yuweh,maging ang mukha nito ay may sugat.

"Yuweh! Wake up!" tinatapik tapik pa nya ito ng marahan at saka ginamitan ng CPR. Sa palagay nya ay kanina pa ito sa ilalim ng tubig.

"YUWEH! Mahal ko? Gising! Sige na please! Huwag ka namang ganyan oh?? Yuweh!!" mangiyak ngiyak na sabi ni Argel habang binibigyan pa din nya ito ng CPR,umaasa na baka mailigtas parin nya ito.

Kinapa ni Argel ang bulsa, may balisong pala sya,agad nyang pinagpuputol ang lubid,inalis sa upuan si Yuweh at inihiga ng maayos.

Muli,humahagulhol na binigyan nya ng CPR ang taong minamahal. Ngayon unti unti na syang nawawalan ng pag asa ngunit patuloy pa din sya sa ginagawa.

"Yuweh!! Mahal! Gising na! Dont do this to me please! C'mon? Please wake up! Yuweh! Please. Please.." umiiyak na sabi ni Argel. Nanginginig na sya, natataranta. Hindi nya kaya kung mawawala si Yuweh. Dalawang beses pa lang sya umiyak at ito ang pangalawa.

"NOOOO!!! YUWEHHHH!!?!"

Nagulat sina Pao at Venn sa sigaw ni Argel. Pareho silang natakot at kinabahan. Dali dali nilang tinungo kung nasan naroroon si Argel.

Nakita nila ito sa gilid ng pool habang tarantang binibigyan ng CPR ang isang tao. Lumapit sila,at ganun na lang ang pagkabigla nila sa nakita,si Yuweh,puro sugat ang katawan at mukha at may tama pa ata ng baril,agad nila itong nilapitan.

"NOO! Yuweh! Mahal! Mahal! You cant do this?!!" panay na ang iyak ni Argel. Pinagbigyan nya ang sariling umiyak ng umiyak kahit sa harap ng mga kaibigan.

Maging si Pao at Venn ay hindi na mapigilang tumulo ang mga luha,parang hinihiwa ang mga puso nila sa nakikita. Ang mahal nila wala ng buhay.

"Yuweh" mahinang usal ng dalawa habang patuloy ding tumutulo ang mga luha. Tulad ni Argel ay sobrang nasasaktan din sila. Pare pareho nilang mahal si Yuweh.

"Yuweh??! God! Thank you God!" bulalas ni Argel na ikinalingon ng dalawa.

Biglang tumayo si Argel at binuhat.

"Sumuka sya ng tubig at humihinga na ulit pero mahina lang,dalhin natin sya sa Ospital!" sabi ni Argel kina Pao at Venn na parehong nagulat.

Agad nilang sinundan si Argel,nakasalubong pa nila sa labas ang mga kaibigan na halatang gulat at tarantada din.

"God! Anong nangyari? Ang dami nyang sugat? Shit may tama sya ng baril!" ang reaksyon ni Wiwa.

"Please lets bring him to the hospital, I dont wanna lose him now, nasan ang sasakyan?" lumuluhang sabi ni Argel.

Ng madala sa ospital ay ipinasok agad si Yuweh sa ER samantalang sila ay pigil ang hininga na naghihintay. Umiiyak ang mga babae at tahimik naman ang mga lalake.

Tinawagan na nila ang mga magulang ni Yuweh at any minute dadating na ang mga iyon.

Si Shin naman ay nagdadalawang isip kung ipapaalam ito sa kanilang lolo. Natatakot syang pagmulan ito ng paghina ng lolo nila lalo pa at may sakit naman ang kanilang lola.

Maya maya may dumating na mga pulis at hinanap si Shin pati ang mga kasama nya kanina sa engkwentro. Hihingian lamang daw sila ng statement dahil nahuli na agad ang master mind.

Na hindi na nila ikinagulat kung sino. Si Sunshine.

Ilang saglit pa dumating ang mga magulang ni Yuweh,panay iyak si Vangie at hindi matanggap ang sinapit ng nag iisang anak. Gayun din si Hiroshi na sinisisi ang sarili na kung sana lagi nya nababantayan ang anak ay hindi aabot sa ganitong punto.

Lumabas ang Duktor sa ER at hinanap ang mga magulang ni Yuweh.

"Sino kamag anak ng pasyente?" tanong sa kanila ng duktor. Agad na lumapit ang mag asawa dito.

"Kami ho,anak namin sya"

"Ligtas na sya sa kapahamakan,nakapagtataka na sa dinami ng sugat nya at ang tagal nya sa ilalim ng tubig ay naka survive ang anak nyo,nalunasan na din ang mga sugat nya,natanggal na din namin ang balang tumama sa kanya,nasalinan na din sya ng dugo. He just need to rest. But the bad news is." mahabang paliwanag ng duktor.

Kinakabahang inabangan nila ang kasunod na sasabihin ng duktor.

"He's in a state of comatose,if youll excuse me Mam and Sir ililipat lang namin sya sa private room" dagdag ng duktor at umalis na.

"Ang anak ko!!" tanging nasabi ni Vangie at humahagulhol na yumakap sa asawa. Si Hiroshi naman ay tahimik na lumuha at ginantihan ng yakap ang asawa.

"Bakit ang anak ko pa?" usal ni Vangie.

Napasuntok ng ilang ulit sa pader si Argel. Sinisisi nya ang sarili kung bakit nangyari iyon kay Yuweh. Kung mas naging maaga lang sana ang dating nya,hindi sana ganito.

AN ~ HELLO PO?! Thanks sa mga comment,ang saya ko po! Hinahanap nyo si SHiNE? Oh ayan na PIC nya =D

CHANCES (Inlove with you Book 3) ~COMPLETED~Where stories live. Discover now