kawaii o2 ~ Enzo & kuya Pogi!

11.9K 277 21
                                    

Yuweh's POV

Naglalakad ako papunta sa sakayan ngayon,uwian na kasi eh,bigla ko naisip yung lalaking tinulungan ko. Kamusta na kaya yon si kuyang pogi? Nakaligtas kaya sya? Magdadalawang linggo na din pala nung mangyari yon.

Sana naman buhay sya at nakaligtas sa kapahamakan.

Busy ang utak ko kakaisip kaya hindi ko napansin ang isang poste na nasa harapan ko.

BLAGGGG!!

>_

Para akong tumalbog at napapakit pa sa lakas ng impact,nahilo talaga ako kaya bumagsak ako sa lapag. Hindi ko maimulat ang mata ko sa hilo. Shocks! Ayan kasi eh!

"Miss?! Miss?! Okay ka lang?" sabi ng isang boses ng lalake. Ang ganda ng boses nya.

TEKA?! Miss daw? Lagi na lang ako napagkakamalang babae XD

Dahan dahan ko minulat ang aking mga mata at akoy nabighani sa aking nakita.

Isang Adonis. Napaka gwapo. Halata sa mukha nito ang pag aalala sa akin. Napakurap kurap pa ako.

"Are you okay?" tanong nito at inalalayan ako makatayo. Napaka gentleman naman! Waaahh lumalabas haliparot kong side! XD

"Ha? Ah Oo,thank you nga pala" sabi ko ng tuluyan ng makatayo at pinagpag ang katawan.

"Are you sure? Namumula ka eh" sabi pa nito.

Ayan! Kasi naman eh!

"Oo okay lang ako,thanks ulit at saka ano,uhm hindi ako babae noh" nahihiya kong sabi.

"Ha? Akala ko babae ka,ang ganda mo eh,sure kang okay kana?"

Tango lang ang isinagot ko. Hindi na ako makapag salita sa hiya eh.

"Enzo halika na! Baka mapagalitan pa tayo nina Boss" tawag sa kanya ng isang lalake.

"Sige! Saglit lang" sagot nito sa kasama at saka bumaling ulit sa akin. "See you around beautiful Yuweh" sabi nya sabay kindat at tumalikod na.

Ramdam ko lalo ako namula! Shit lang! Ang gwapo nya! At Enzo pala pangalan nya ah? Teka? Pano nya nalaman pangalan ko? Napayuko ako para tingnan ang katawan. At tama nga ako, nakita nya pangalan ko sa ID.

Hanggang sa bahay ay iniisip ko pa din si Enzo. Gwapo na,mabaet pa. Halatang magalang kasi imbis na pagtawanan nya ang baklang tangang nagpauntog sa poste ay tinulungan pa nya.

Hay Enzo, kelan kaya ulit tayo magkikita? I think mas matanda sya sa akin ng 2 to 3 years. Okay lang naman,age doesnt matter pwahahaha!!

"Anak, pwede mo ba ako samahan dun sa may malapit sa park? May pupuntahan lang ako ang kaibigan ko" tawag pansin sa akin ni Inay.

"Ha? Nay pano pag walang naabutan dito si Itay? Baka mag rap bigla yon ng japanese" sagot ko. Natawa lang si Inay pero sumama pa din ako.

Pauwi na kami noon dahil nakausap na ni Mama ang kaibigan nya na nakatira sa may condo malapit sa park. Sinadya namin ni Inay na dumaan muna sa Park para bumili ng fishbol at kikiam. Ito kasi mga street foods na paborito ni Itay, ito pinang palit nya sa dati nyang hilig na tiramisu,teriyaki,sushi at tempura haha!

Nakakatuwa nga sila ni Inay,hanggang ngayon hindi nawawala ang ka sweetan. I just wish na sana makahanap ako ng tulad ni Itay. Maintindihin. Ng malaman nila na beki ako,si Itay ang unang kumausap sa akin.

Sabi nya ayos lang daw yon,kasi sa Japanese culture hinahayaan daw ang mga teens na makapag experiment sa pagkatao to both have crushes on the same and oppositte sex. Napa wow ako eh! Ganun pala sa Japan?

At saka si Itay ang nagsabi na pahabain ang buhok ko,sya nga din ang naghanap ng school na pwedeng mahaba ang buhok eh, napaka supportive diba? Pero hindi naman siguro yon pangungunsinti. Hinahayaan lang nila ako sa bagay na kung saan ako masaya,kaya talagang mapapa WOW ka! Naaawa lang ako kay Inay at Itay dahil wala ng magpapatuloy ng lahi ng mga Tomoe. Sa Japan kase mas priority ang anak na lalake. But look what happened? Sirena ang anak nila hahaha! =D

Ng makabili na kami ng fishbols at kikiam hindi sinasadyang mapalingon ako sa isang part ng park. Ewan ko ang lakas ng hatak ng spot na yon. Sa puno.

Nakatayo ang isang lalaking pamilyar sa akin. Madungis na ito pero hindi pa din maitatanggi na kahit madungis sya ay gwapo talaga! Nakatingala sya sa mga sanga at dahon ng puno.

Ang ganda tingnan,parang connected sila ng puno. Somehow bumigat ang pakiramdam ko. Nakaka awa talaga ang kalagayan nya.

"Nay! Sya yung sinasabi kong tinulungan ko! Mukhang nakalabas na sya ng ospital" kalabit ko kay Inay sabay turo sa lalaking nasa ilalim ng puno.

"Ah sya ba? Bakit ang dumi nya? Pero gwapo sya anak ah? Pwede na" sagot ni Inay.

"Isusumbong kita kay Itay" sabi ko na nagpipigil ng ngiti.

"Joke lang yon anak ikaw naman,tara lapitan natin" sagot ni Inay kaya napahagikgik ako. At lumapit na nga kami.

"Ijo?" tawag pansin ni Mama,lumingon naman ito sa amin ng may pagtataka.

"Ano po iyon?" magalang nitong sagot.

"Napansin kasi namin nitong anak ko na parang kanina ka pa ata dito,ano ba pangalan mo at san ka nakatira?" panimula ni Inay. Halatang nag isip muna ito bago sumagot.

"Hindi ko ho alam ang pangalan ko, wala ako maalala,nagising na lang ako na nasa ospital,at kalalabas ko lang nung isang araw, wala din po ako matuluyan,dalawang araw na ako dito sa park" nahihiya nitong sabi. Nakaramdam ako ng matinding awa sa kanya.

Hindi ba sya hinanap nung kasama nya sa kotse na nakaligtas? Wala pa syang maalala. Nagkaroon sya siguro ng amnesia.

"Ganon ba? Nako ijo sa amin ka muna tumuloy pansamantala,mukhang wala ka pa kain at hindi ka pa naliligo,at saka wala ka kamo maalala? Nako baka may amnesia ka" sabi ni Inay. Napakamot naman si Kuyang pogi sa batok nya. Shyet! Ang gwapo!

"Ganon na nga po,ayos lang po ba?" nahihiyang sabi nito kay Inay.

"Oo naman,halika na,tutal hindi mo maalala pangalan mo,Pogi na lang itatawag namin sayo" sabi at paanyaya ni Inay.

Ako,bilang nakikinig ay napapangiti na lang. Atleast sa ganitong paraan makakatulong kami sa kanya hanggang bumalik ang alaala nya.

Pagdating sa bahay ay nandon na si Itay. Nagtaka pa nga pero pinaliwanag namin ni Inay ang lahat at buong puso naman tinanggap ni Itay si kuya Pogi sa aming tahanan. Pinagamit sa kanya yung kwarto na para sa bisita. Maliit lang din ito tulad sa kwarto ko pero keri na,atleast maayos na syang makakatulog at saka kampante na ako na pag nasa school ako at nasa trabaho si Itay ay may makakasama si Inay.

AN ~ Kamusta mga mahaaalss? Sana okay kayong lahat dyan xD

CHANCES (Inlove with you Book 3) ~COMPLETED~Where stories live. Discover now