kawaii 36 ~ Truth or Dare?

7.3K 195 10
                                    

Yuweh's POV

Mabilis na lumipas ang panahon,ang mga sugat at pilat sa aking mukha at katawan ay tuluyan ng nabura,kasabay ng patuloy kong paglimot sa mga masasamang nangyari noon.

Kalagitnaan na ngayon ng fourth grading,February na,next week ay valentines day na. Pero alam nyo kung anong nakakatuwa? Hanggang ngayon high pa din ako sa mga nangyayari sa amin ni Argel,minsan natutulala at napapangiti na lang ako out of the blue kaya naman nakakatanggap ako ng mga paltok sa tropa hahaha!

Speaking of tropa,lalo kami naging tight pagkatapos ng lahat ng nangyari sa amin. Tulad ni Argel,hindi ko sila kayang mawala,hindi ko sila kayang pakawalan.

Noong christmas vacation nga napuno ng ingay at katuwaan ang bahay namin,pano buong christmas vacation doon sila lahat nag stay,maliban kina Argel at Shin pero araw araw naman pumupunta.

Christmas party nga namin ang saya,palitan ng regalo,kainan,sobrang saya lang sana lagi kami ganun.

Si Argel naman,araw araw may pakulo,sorpresa,hindi nauubusan,minsan hindi na ako nakakapag salita. Sa lahat ng pinaparamdam at pinapakita nyang pagmamahal,pakiramdam ko daig ko pa ang tunay na babae xD

Every 22nd of the month,which is ang Monthsary namin ay sinecelebrate namin yon sa LaFamiliaBar,malaki kasi ang papel ng bar na yon,na nung nakaraan ko lang nalaman na isa pala sa may ari nun ay ang Mommy na beki din ng kuya ng kaibigan ni kuya Gelo, kung tama ako eh Jiian ang pangalan?

Every Monthsary namin exciting,dahil sa bahay din kami nauuwi at napupunta kami ni Argel sa isang mainit na pagtatalik. Hindi namin yon ginagawa ng madalas,every monthsary lang talaga kaya ganon na lang ako kung ma excite,kasi tuwing sasapit ang petsa na yon,may bagong pakulo si Argel pag ginagawa namin yon kaya hindi kami nagsasawa. Kung anu-ano ang ginagawa nya? Secret! Thats for you to find out ^o^

"Mylabs tara na! Gugutom na ako!" biglang hablot sa akin ni Venn,ganyan sya,hindi nagbago kahit kami na ni Argel,pero ang maganda naman,pareho nilang nirerespeto ni Pao ang relasyon namin ni Argel.

"Hoy Icban dahan dahan ka! Pag nabalian si Yuweh babalian kita ng buto" banta ni Pao dito >_

Samantalang tumawa lang naman sina Mich at Amara.

Nauna na sina Argel sa canteen kaya dun na ang diretso namin. Ng makarating ay agad naman nagbatian ang tropa.

Masaya kaming kumain,tapos nun nagkayayaan silang maglaro ng spin the bottle,which is I think a not so good idea,knowing this people. Kung anu-ano malamang ang dare at consiquence ng mga ito -__-

Nagsimula na nga kaming maglaro,lahat ata sila nakangisi at nangingislap ang mga mata,nakakakaba tuloy!

Pagka paikot ni Oreo ng bote ng mineral water ay pigil hininga naming inabangan kung kanino titigil.

Hanggang sa tumigil ito kay Khai! Lalo lumawak ang pagkakangisi ni Oreo dahil dito.

"Hoy Oreo ayusin mo lang ah?!" reklamo agad ni Khai wala pa mang pinapagawa sa kanya.

"Relax lang dude! So ano,Truth or conciquence?^_^" sabi naman ni Khai.

"Sige! Conciquence na lang!"

"Aba! Matapang ka Kaizer eh,eto conciquence mo,halikan mo sa lips ang taong papasok dyan sa pinto ng canteen pagkabilang ko ng lima,babae man yan o lalake" ngiting asong sabi ni Oreo.

"One"

"two"

"three"

"four"

"five"

lahat kami lumingon sa pinto ay napanganga sa pumasok.

O_O

SI BRANDO!

Kung natatandaan nyo sya yung classmate naming bading na dambuhala!

"WHAT THE FUCK?! Iba na lang!" agad na reklamo ni Khai.

"Huwag ka madaya dre,walang bawian,tingnan mo,kissable lips naman si Brando namin ah?" natatawang bara naman ni Venn. Samantalang kami nagpipigil ng tawa, napaka inosente kasi ni Brando at parang may hinahanap at palinga linga sa paligid.

Kamot ulong naglakad si Khai papunta kay Brando. Si Brando naman napatingin sa kanya.

Walang sabi sabi hinalikan ni Khai si Brando sa lips at kami naman halos mapapalakpak na pero nagpigil kami baka magalit kasi.

"Excuse me?! Sino ka para halikan ang bestfriend ko?" napatingin kami sa nagsalita. Tae,ang gandang babae nun ah? Maputi,makinis,maganda ang mukha,napatulala tuloy si Khai.

"Ah..Eh,..Ano kase...Kuwan..." hindi malaman ni Khai kung anong sasabihin. Sa pagkakaalam ko malakas loob nito sa mga babae at mukhang ngayon lang sya nagkaganyan. Hmmn I can feel something :)

Pinagpatuloy namin ang paglalaro,si Khai ang nagpaikot ng bote. At kung mamalasin ka talaga,sa akin pa natapat! >_

"Truth! Truth na lang pipiliin ko!" agad ko namang sagot.

"Okay,dahil malakas ka sa akin,ito ang tanong para sayo cutie, gano kadalas kayo mag rock a by baby at nakaka ilang rounds kayo?" sabi ni Khai.

Para akong nabilaukan sa tanong >_

At ang kumag nakangisi lang! Sapakin kita maya makita mo!

"Ang tagal ah?" reklamo ni Khai.

"Eto na,excited ah?" sagot ko.

"So ano na nga??" sabay na sabay nilang sabi.

"ano uhm,ano..Tuwing Monthsary lang namin ginagawa yon kaya hindi ko din mabilang" nahihiya kong sabi >_

"Talaga? O_O" sabi nila sabay tingin kay Argel na parang hindi makapaniwala.

"Mautak, minsanan nga naman para makarami sa mismong araw na iyon" natatawang sabi ni Amara. Si Venn at Pao naman hindi maipinta ang mga mukha.

"Atleast,hindi palagi,nirerespeto ko ang mahal ko no?" sagot naman ni Argel sabay akbay at hinalikan ako ng mabilis sa lips.

"Hahaha! Nakaka kota ka pala!" - Oreo

"Pinsan iwas iwasan mo >_

"Kaya naman pala blooming ang Yuweh natin,minsan lang madiligan pero may kasama ng pataba" sabi ni Mitch at nagtawanan ang mga ungas!

Dyosko! Sana lamunin na ako ng lupa! Grabe ang pag iisip ng mga ito. Hindi ko kinakaya >///

AN ~ Mustasa? Huwag sana kayo tamarin subaybayan ito kahit na inextend ko sya :)

May mga madadagdag kasing characters at may mga characters na magpapahinga muna panandalian =P

CHANCES (Inlove with you Book 3) ~COMPLETED~Where stories live. Discover now