kawaii 48 ~ Breakdown!

6.2K 172 22
                                    

Yuweh's POV

Sa nangyari nung isang gabi,nahiling ko,na sana,madisgrasya din ako at magka amnesia tulad ni kuya Yuri at kuya Gelo. Na sana makalimutan ko lahat para wala na din akong maramdamang sakit.

Ang sakit pala ng katotohanan pag isinampal sayo ng tadhana no? Akala ko magagaya ako kay kuya Yuri na may happy ending,hindi pala.

Ng umaga kinabukasan umalis din si Argel bitbit ang mga damit nyang dala dito sa bahay,itinaon nyang tulog kaming lahat. Wala nga naman nakapansin kahit isa na hindi na kami okay.

Akala ng lahat ayos pa din kami,akala ng lahat walang nagbago. Kung alam lang sana nila.

Ngayon ang araw ng Acquaintance,wala na sana ako balak umattend dahil alam kong makikita ko lang din dun sina Argel at Hera,baka hindi ko kayanin.

Pero kinulit ako ng tropa,pinilit ako,ayoko naman mag primadonna kaya pumayag na ko kahit ang totoo wala talaga akong gana.

By 7pm ay dumating si Jafu,nangulit eh,sya na daw ang susundo sa amin nina Kakyuu at Usagi kaya naman hindi na kami tumanggi,alam kong excited din si Usagi at Kakyuu sa mga ganito.

8pm dumating kami sa venue,madami dami na din ang mga kapwa namin students,at talagang pabonggahan at pagwapuhan ang mga ito. Gusto ko makaramdam ng excitement pero wala.

Ng pumasok kami sa loob ay agad namin hinahanap ang tropa,nakita naman agad namin sila dahil kumakaway kaway pa si Umi at Zee at sa di kalayuan sa table nila ay sina Shin,Oreo,Khai,Argel at Hera. Muli nakaramdam ako ng kalungkutan. Gusto ko sana ako ang date nya ngayon,pero anong nangyari?

Nagpaalam na sina Usagi at Kakyuu na hahanapin ang mga kaklase,nakita ko namang nilapitan sila ni Maya at Aya.

Ng makaupo na kami sa designated chairs para sa amin ay tamang kwentuhan lang habang hindi pa nagsisimula ang program. Tahimik lang ako,nakikingiti,nakikitawa,pero ang totoo,lumilipad ang pag-iisip ko patungo kay Argel.

Argel,ano na bang nangyari satin?

Maya maya ay nag start na ang program sa pangunguna ng Chancellor. Nag pray muna then speech,at binuksan na ng Mc ang program. Lahat mababakasan ng pagka excited pero hindi ako. Wala dito ang atensyon ko,kundi na kina Argel at Hera na napaka sweet talaga.

Later on inopen na ang buffet table,kanya kanya na sila ng kuha ng pagkain pero ako,wala pa ding gana.

Literal na palamuti lang ako ngayon. Wala na ako pakialam kahit pa magmukha na akong pinagsakluban ng langit at lupa.

Maya maya nagpatugtog na ng tugtuging mapapaindak ka,halos lahat nagsasayaw. Ang tropa pinilit ako pero wala sila nagawa,sinabi ko na lang na wala talaga ako sa mood.

"Huwag mo hayaang maapektuhan ang mga taong nakapaligid sayo dahil lang sa nararamdaman mo" sabi ng isang boses na ikinalingon ko.

Isang gwapong lalaki,nakangiti sa akin. Tinitigan ko sya,blangko ang nakikita ko. Ganito na ba talaga ako ka apektado?

"Im Ian Paul Montenegro,youre Yuweh right?" anito,tumango lang ako.

"Tandaan mo yung sinabi ko,huwag mong hayaang maapektuhan ang mga tao sa paligid mo, nice meeting you" sabi pa nito at saka umalis.

Yun lang yon? Ganun na talaga ako katransparent? Dati naman ay hindi diba? Masyado na ba akong halata?

Maya maya ay napalitan ng sweet song ang music,may mga couples na pumunta na sa dance floor,may iba naman na tamang yaya lang ng taong gusto nila makasayaw.

"May I dance with you?" biglang may palad na nakalahad sa aking harapan. Tiningnan ko kung kanino ito, kay Jafu. Lumingon ako sa paligid,kita kong papunta na sa dance floor sina Argel at Hera, parang gusto ko na umiyak,lalo na ng makita kong tinitingnan ako nina Shin ng puno ng awa.

CHANCES (Inlove with you Book 3) ~COMPLETED~Where stories live. Discover now