kawaii o7 ~ At The Gym!

9.9K 246 6
                                    

Yuweh's POV

Let me remind you of those happenings two months ago na hindi ko makakalimutan.

Una, ang basketball practice game with section A. Jusme kahiya hiyang pangyayari. Kung hindi ako madadapa,madudulas naman. Ewan ko din dito sa mga classmates kong lalaki kung anung trip sa buhay. Lalo na ang Pao na yan. Almost of the time bakante ako at pwede nya ipasa sa akin ang bola. Kahit naman hindi ko hilig ang larong to ay alam ko pano mag shoot ng tama! Pero imbis na sa akin ay sa iba talaga. Ang ending talo kami ng section nina Argel.

Then nung sumunod na week,P.E padin, track & field naman. Isipin ko pa lang na tatakbuhin namin ang half ng oval gusto ko ng atakihin ng hika. Nakita ko pa si Pao kausap mga classmates naming kagroup nya,todo ngiti at tawa pa ang kurimaw pero nung mapatingin sya sakin ay nagsalubong ang mga kilay nya.

What? Ano ba ginawa ko sa kanya! Maaga mamumuti buhok ko sa kanya eh!! Ay puti na nga pala buhok ko xD

Pasalamat yang si Pao at likas akong mabaet. Dahil kung hindi,matagal ko na syang pinalapa sa isa pa naming classmate na bading, si Brando hahaha!

Nagyayabang pa sya bago mag start ang game. Nag smirk pa sa akin ang ungas. Hoy! Hindi man ako mabilis tumakbo. Kampante ako sa mga kakampi ko! Panget mo!

At ng mag start na nga eh si Amara ang kalaban ni Pao. Mabilis si Pao, nakakamangha,halatang taong probinsya dahil maliksi. Pero mas maliksi naman si Amara! Kala mo hangin lang eh,ang bilis talaga,parang mga kotse na pinapatakbo lang nya.

Syempre sobrang tuwa ko,lalo na si Michelle. Nanalo kami no? At ano sabi ni Pao? Tsamba lang daw. Pasalamat sya hindi mapagpatol si Amara sa mga ganun.

Isang beses pa nga sobrang na curios na ako dito kay Pao. Hindi ko man ginusto pero sinundan ko sya ng palihim. Wala naman syang kakaibang activity maliban lang nung maghubad sya ng damit sa tapat ng locker nya. Pakiramdam ko nanuyo yung lalamunan ko.

"Hoy, anong ginagawa mo dyan? Sinisilipan mo kaklase mo?" sabi ng boses sa likuran ko. Pagtingin ko si Shin the pokerface.

"Ha? Hindi ah?" wala ako maisip na idahilan kaya nagpasya na akong umalis pero sumunod sya sa akin at sinabayan ako sa paglalakad.

"Lagot ka kay Argel,naninilip ka sa iba, ganyan ba kayong mga 3rd sex talaga?" seryosong sabi ni Shin.

Kunot noo na nilingon ko sya.

"Anong ibig mong sabihin? At anong kinalaman ni Argel dito? At pwede ba! Hindi ako tulad ng baklang iniisip nyo! Hindi ko sinasadyang makita yang Pao na yan na naghubad ng damit!" galit kong sinabi kay Shin at saka tumakbo.

Nakakainis kasi. Adik kasing Pao na to,dun pa nagpalit ng damit pwede naman sa may CR! Ayan tuloy! Hayst! Kainis.

Kaya ayon,from that day forward,iniiwasan ko na si Argel at ang tatlong kurimaw. May pagkakataon pupunta pa sa room yan si Argel pero hindi ko sya hinaharap. Bwisit talaga ako sa kanila eh.

Pag recess at lunch break sa room ako kakain or minsan sina Amara at Michelle ang kasama ko. Ayon,almost two months na nga talaga na walang pansinan,kunyari hindi ko sila nakilala.

Kahit papano naman ay masaya ako na si Amara at Michelle ang kasama.

"Yuweh anak,tulungan mo nga ako dito sa pagliligpit" tawag ni Inay, doon lang ako parang nagising sa katotohanan.

"Andyan na po!" sagot ko at agad tumulong. Mabuti ubos ang paninda namen kahit papano. Pero mas malakas ang benta ng nandito pa si kuya Pogi.

Ng matapos magligpit,maghugas ng mga kaldero at kasirola ay nagpunta kami sa sala para manood ng TV.

CHANCES (Inlove with you Book 3) ~COMPLETED~Where stories live. Discover now