kawaii o6 ~ Mr.Sungit!

9.7K 253 6
                                    

Yuweh's POV

Everyday parang mas ginaganahan na ako pumasok dahil may mga kaibigan na ako,maging ang mga classmates ko hindi na din nahihiyang kausapin ako. Ewan kung dahil friends ko yung apat na heartrob o dahil gusto talaga nila.

4th subject namin ang Filipino,kay Mrs.Sanchez at after nun eh break time. Kahit papaano nakakalibang din dahil magaling si Mam mag brought up at discuss ng lecture. Hindi ka mabobored.

Until may gumambala kay Mam,isang faculty member.

"Yes? What can I do for you ijo?" magiliw na sabi dito ni Mam.

"Eh kasi Mam,nandito na po yung transferee galing sa Probinsya,sa section star daw po sya sabi ni Mr.Chancellor" sagot nung faculty member.

"Ah ganon ba? Sige patuluyin mo na and you may go" sabi ni Mam.

Syempre kami excited dahil may new classmate. Pati mga kaklase mga pigil hininga akala mo nanonood ng Blockbuster movie.

Maya maya pa ay may pumasok na lalaki. Matangkad mga 5'7 siguro, fair complexion. Tapos nung humarap sa klase eh nagulat naman ako. Ang gwapo niya! Pinoy na pinoy. Tama lang ang katawan. At ang mga mata parang lagi nangungusap, mahaba pilikmata,makapal na kilay, manipis na labi at firm nose. Ano ba to? Nananadya ba ang pagkakataon? Masyado na nabubusog ang mga mata ko.

At ang mga kaklase kong babae,hala sige sa pagbubungisngisan. Parang mga paniki lang haha!

Paglingon ko ulit kay new classmate,sa akin sya nakatingin. As in! Kaya nag iwas ako ng tingin na napansin ni Michelle,humagikgik lang ang buang!

"Ijo bakit ngayon ka lang?" usisa ni Mam dito.

"Im sorry Mam kasi po,ngayon lang kami nakalipat ng bahay, hahabol na lang po ako sa mga hindi ko naabutang lecture" magalang nitong sagot.

"Ah,I see, give me your card an form 137 so that I can include you na in this section, and please introduce yourself" ani Mam, may kinuha ito sa bag at iniabot kay Mam at masusing tiningnan ni Mam. Taka na lang ako at napangiti si Mam. Matataas siguro grades nya nung 1st grading pati nung 1st year to 3rd year sya.

"Goodafternoon Mam and soon to be Classmates, Im Paolo Rico Gutierez, pero pwede nyo akong tawaging PAO with 'O' sa dulo like siopao o 'PAW' with 'W' just like ampaw,thats all,thank you" nakangiti nitong pagpapakilala. Tawanan mga classmates ko. Kwela pala tong isang to? Marami agad to makaka close.

And finally,break time na!Tulad ng dati may baon akong pagkain, mahal kasi talaga ang pagkain sa canteen eh.

"Amara,Mitch tara na sa canteen" aya ko sa magjowa.

"Sorry Yuweh pero may dadaanan kami sa College department, ikaw na lang muna baka nandun na din sina Argel" sagot nila. Tango na lang naisagot ko.

Ano ba yan? Kanino ako magpapasama? Tiningnan ko yung mga classmates kong nandito pa sa room. Wala ako makitang pwede. Bahala na nga,makapunta na nga.

Lalabas na sana ako ng room kaso nagkasabay kami ni Pao at nagkagitgitan. Patay malisya na lang ako para walang hassle.

"Nakikipag unahan kasi" nadinig kong mahinang sabi nito. Problema nya? Nako! Palalampasin kita ngayon pero ganyanin mo pa ako sa susunod,ihahagis kita sa race track kung san nagka car racing si Amara para masagasaan ka! The nerve!

Nagmamaktol akong bumaba at pumunta sa canteen habang inaalipusta ko sa isipan ko ang Pao na yon.

Ng makarating ako sa canteen ay nakapwesto na nga sina Argel,halos mag three weeks na din ang ganitong set up. Sa akin ayos lang din naman. Naging kaibigan na nga din nila sina Amara at Michelle eh. Pero itong sina Oreo,Khai at Shin hindi ko masyado nakakadikit,although kinakausap nila ako,siguro naiilang pa din ako.

Si Argel naman parang ewan? Minsan nahuhuli ko nakatingin sa akin, minsan naman parang nahihiya,minsan sobrang kulit, may ganito palang uri ng tao? Multiple personality ang Peg? Haha dinaig ang Bipolar! I salute you Argel.

"Oh Puti! Bakit hindi maipinta ang mukha mo?" salubong ni Khai pagka upo ko. Puti talaga? Ewan ko sa timang na to! Ang dami tinatawag sa akin, kung anu-ano na lang. And my Gulay! Puti talaga? Parang aso lang ah?! Sapak gusto mo Khai? He!!

"Hahaha! Parang aso lang dude ah?" sabat ni Oreo, ediba kasasabi ko lang nun? Inulit nya lang eh. Gaya gaya haha!

"Wala, may nagpainit lang ng ulo ko" sagot ko at binuksan ang lunch box ko at namangha ako sa ulam.

Itlog at hotdog! >_

Nagtawanan silang apat! Ito ang first time na ganyan ulam ko. Kasi naman kung hindi ako nagmamadali kanina ibang ulam sana baon ko! Malamang si Kuya Pogi naglagay nyan.

"Sige tawa lang,mamaga sana tonsils nyo" sabi ko at nag start na kumain. Ito na naman si Argel nananahimik na naman. Panigurado mamaya yan babawi,pustahan pa!

Ng mag uwian na ay napagtripan ko maglakad lakad hanggang sa bahay. Para naman maenjoy ko ang mga madaraanan at makatipid na din. Aba! Sa hirap ng buhay dapat magtipid.

Habang naglalakad ay kung sinu sinong classmates ko na ang nakakita sa akin. Nginingitian ko na lang sila.

Malayo na din ang nalalakad ko, siguro 30minutes pa eh nasa bahay na ako. Well sana nga.

Pagliko ko sa isang kanto ay napatulala ako sa isang restaurant. Actually hindi sa restaurant kundi dun sa taong nakita ko.

Si Enzo! Dito sya nagtatrabaho? Ang galing naman, napaka gwapong waiter! ^_^

Pakiramdam ko hindi ako mapakali sa kilig. Tinitingnan ko lang sya mula dito sa labas. Nakangiti pa syang nakikipag usap sa mga costumers na kinukuhaan niya ng orders.

Tagal din namin hindi nagkita. Kilala pa kaya nya ako?

At yon nga,napansin ko na lang na madilim na. Dali dali na din ako umuwe agad para maka abot sa hapunan.

Ng makauwi ay diretso ako sa lamesa para makisalo.

Maging si Itay kaclose na si kuya Pogi. Nagbibiruan pa nga sila ngayon.

"Sino naglagay ng ulam ko?" singit ko sa usapan.

"Ako Yuweh,pasensya kana yon ang nadampot ko sa mga paninda ni Tita eh" nahihiyang sabi ni Kuya Pogi nagtawanan pa si Inay at Itay, ang saya nila ah?

"Ayos lang yon kuya, napasaya ko naman sila dahil sa ulam ko" sabi ko pang ganyan,naalala ko din kasi kung pano magtawanan ang mga abno sa ulam ko kanina.

Lumipas ng mabilis ang mga araw. Two months to be exact.

Nasa may sala lang ako nun at nagchachat sa PW samantalang si Inay ay nasa kusina may ginagawa. Siguro mga 10pm na din yon, wala pa si Itay at si kuya Pogi nasa park na naman.

Routine na nya yon,every after dinner nagpapa alam syang pupunta ng park.

May kumatok, ako na nagbukas ng pinto dahil nasa kusina pa si Inay. Nagulat ako sa nakita,si kuya Pogi may mga kasama. Pinapasok ko sila.

Ang sabe mga kaibigan daw nya at kailangan na sya maiuwi. Akala pala ng lahat patay na si kuya Pogi hanggang sa nakita nga daw nila kanina sa park.

Nagkwento din si Inay ng buhay namin sa kanila habang hinihintay namin si Itay. Guso pala ni kuya Pogi hintayin si Itay para makapag paalm sya at makapag pasalamat kina Inay at Itay.

Mabigat man sa loob na aalis na sya.

AN ~ Antok nko. Nyt =)

CHANCES (Inlove with you Book 3) ~COMPLETED~Donde viven las historias. Descúbrelo ahora