kawaii o8 ~ Rivals & Revelation!

9.6K 229 12
                                    

Argel's POV

"YUWEHHH!!" Sabay sabay kaming napalingon nina Oreo,Khai at Shin sa mga kaklase nyang sumigaw.

And then I saw him na nalalaglag pababa sa mga bleachers. I was dumbfounded,hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko.

"Shit!" - Shin

"Oh God" - Oreo

"Damn!" - Khai

nakita ko silang nagtakbuhan palapit kay Yuweh na ngayon ay pinagkakaguluhan na ng lahat.

"Lets bring him to the Clinic" dinig kong sabi ni Sir.

"No! Hindi sya magagamot ng Clinic" sigaw ng isa nilang kaklase na si Venn. Bakit ganun sya kataranta?

"Umalis kayo dyan,dadalhin ko sya sa ospital!" sigaw ni Pao,buhat buhat nya si Yuweh at nagmamadaling umalis kasunod sina Amara at Mich pati si Sir.

Parang tumigil tibok ng puso ko. Inilibot ko ang paningin sa gym. I know hindi sya mahuhulog ng basta basta dun.

"Tang ina Argel! Tutunga ka na lang ba dyan? Sundan natin sa ospital" sabi ni Shin at parang dun lang ako natauhan. Dali dali kaming lumabas ng gym. Naabutan pa naming isinasakay ni Pao sa isang kotse si Yuweh at si Venn ata ang driver,sumakay din dun sina Amara at Mich.

Agad kaming sumakay sa kotse ko at sinundan namin sila. Abot-abot ang kabog ng dibdib ko. Natakot talaga ako ng sobra.

"Dude relax,magiging okay din si Yuweh mo" pagpapakalma sakin ni Khai na katabi ko sa back seat. Si Shin ang driver at sa passenger's seat si Oreo.

"Mukhang kailangan mo na kumilos dude" sabi ni Oreo na pinagtaka ko. "That Pao and Venn really seems to like Yuweh,dalawa karibal mo" dagdag nito.

"Tigilan mo nga yan,nanganganib na nga ang tao eh" irita kong sabi.

"Bakit? Iniisip mo ba na pag niligawan mo o maging kayo ni Yuweh eh ikakahiya ka namin? Huwag kana mahiya at mag hold back dude,weve been best of friends since elementary,kaya wag mo isiping hindi namin tanggap" dagdag nito. Tama nga si Oreo. Bakit kasi nagpapakatorpe pa ako ng ganito eh.

"Kasing level pala nitong ni Yuweh ang kuya Yuri mo ano bro? Grabe ang panahon ngayon pala,kahit bading pinag aagawan,minamahal" out of the blue ay sabi ni Khai.

Speaking of Kuya Yuri,dumating sila nung isang gabi sa bahay kasama si kuya Gelo. At sobrang nakakabigla talaga. Akala ko noong una minumulto lang ako,pero nung niyakap ako ni Kuya Gelo dun ko napagtantong buhay sya,at napaiyak na lang ako,pati sina Mom and Dad,pinaliwanag ni kuya Yuri at kuya Kurt ang mga pangyayari,lahat lahat,and it turned out,nagka amnesia si kuya Gelo. Hiniling nya na sa bahay muna tumira si kuya Yuri para matulungan syang mabilis maka alala. Masayang masaya kaming lahat. Masaya ako para sa kanila kasi,silang dalawa pa din pala ang magsasama,hindi sila nagawang paghiwalayin ng amnesia.

Amnesia...

NO! Sana huwag magkaganun si Yuweh,ang taas pa naman ng pinagbagsakan nya.

"So kilos kilos na,nandito na tayo" sabi ni Shin. Hindi namin namalayan na nandito na pala kami.

Nang makapasok sa ospital ay kita naming ipinapasok si Yuweh sa ER. Tinabihan namin sina Amara.

"Amara,ano ba nangyari?" tanong ni Khai dito. Kita ko sa di kalayuan samin si Pao at Venn.

"Ang bilis ng pangyayari eh,pero ang sabi may bumato daw sa kanya ng bola kaya na out of balance sya,kung sino,wala kami idea" sagot nito.

"May kaya pala gumawa ng ganun" sabi ni Oreo.

CHANCES (Inlove with you Book 3) ~COMPLETED~Where stories live. Discover now