kawaii 14 ~ Mr.Nice Guy!

8.3K 226 7
                                    

Pao's POV

Laking gulat ko ng pumasok sa Room si Venn at Yuweh ng sabay,at pareho pang mamasa masa ang buhok.

San sila galing? Mukhang inuunahan ako ng Venn na to ah. Hindi pwede yon.

"Oy! San kayo galing dalawa?" salubong ni Trisha ang pinaka madaldal naming classmate. Buti na lang sakto pagdating nila mag lunch break na.

"Hulaan nyo" ang nakakalokong sabi ni Venn. Sige magsaya kang ulupong ka!

"Nako! Dont tell me nag sapin sapin kayo?" malanding sabi ni Brando. Kahit kailan talaga ang dambuhalang bading na to madumi utak.

Sapin sapin? Ano nga ba yon? >_

"Dami mong alam Brando, bagay kayo ni Trisha" sabi ni Venn at tumawa mga classmates namin.

"Eewww!" sabay na reaksyon ni Brando at Trisha. Tapos pumunta na si Venn sa upuan nya na hindi naaalis ang ngiti.

Hindi ba sya nangangawit kaka ngiti? Mahipan sana sya ng hangin.

Si Yuweh umupo na sa chair nya at inusisa ni Amara at Mich. Kailangan kong mapakinggan ang pinag uusapan nila kaya medyo lumapit ako ng hindi nila nahahalata.

"San ka galing? Apat na subjects ang wala ka" sabi ni Amara. Lalo ko nilakasan ang aking pandinig.

"Ha? Kina Venn,nag swimming" nahihiyang sagot ni Yuweh.

Nag swimming? Ng ganito kaaga?

"Nag swimming? Kaya pala basa mga buhok nyo, polo nya yon no? Ang laki sayo eh" - Amara.

"Ha? Oo,baliw kase yon, nagtext kala ko may problema,dadalhin lang pala ako sa kanila" - Yuweh.

Nak ng! Kakaibang strategy ginamit ng ulupong na Venn na yon ah?! Hindi pwede to.

"Yon lang? Yuweh hindi masamang magliwaliw,pero huwag mong kalimutang nag aaral ka din" - Mich.

Yan! Tama yan Michelle! Ganyan nga!

"Pasensya na, ano kase.. Uhm si Pao at Venn ano.. Uhm.." hiyang sabi ni Yuweh.

Pangalan ko yon ah? What about me? Hmmn..

"Ano sila?" sabay na sabi ng dalawa. Pati ako atat ng madinig ang sasabihin ni Yuweh.

"Tulad ni Argel,nanliligaw din sila"

"Wow! That's great!" masayang sabi ni Mich.

"Ilang taon mo pinahaba buhok mo? Ang haba na oh,umabot sa Oval,tara gupitin natin" biro ni Amara.

Adik ba si Michelle? Anong great dun? Kung ako lang mag isa ang manliligaw ni Yuweh mas great yun!

"Ang baliw nyo,ang sakit nga sa ulo eh" - Yuweh.

"Huwag ulo paganahin, ang puso dapat, give them all their Chances to prove what they are really feeling. Tingnan natin what will happen" sabi ni Amara.

-----

Dissmisal, we decided na walang practice ng Congo ngayon at bukas na lang magpractice. Nilapitan ko si Yuweh na nag aayos ng mga gamit.

"Uhm, Yuweh may sundo ka ba ngayon?" nag aalangan kong tanong sa kanya.

"Huh? Wala naman,may practice ngayon sina insan eh" sagot nya at isinukbit na ang bag.

"Pwede ka ba makasama? Mamamasyal tayo" naka ngiti kong sabi. Nabuhayan ako ng loob. Ito na to!

"Teka,magpapaalam lang ako kina---" pinutol ko sasabihin nya at tinawag ang mga kaibigan nya.

"Amara! Michelle! Hiramin ko muna kaibigan nyo ah? Salamat!" sabi ko at hinila na si Yuweh palabas ng room.

Nakita ko pang napa nganga si Venn. Buti nga! Hahaha!

"Ingatan mo yan!" pahabol nung dalawa sa amin.

Paglabas ng campus sumakay agad kami ng Jeep, alam ko nagtataka si Yuweh,halata sa mukha nya. Well kahit mayaman kami,mas nasanay ako sa ganito sa probinsya. Masarap ang ganitong simpleng buhay.

Pumara kami sa tapat ng isang Carnival, tamang tama,kakabukas pa lang. Malapit na din kasi magdilim.

"Gusto mo munang kumain tayo?" nilingon ko sya at nginitian.

GGGRRRAAAWWWLL!

O_O

"Sabi na nga ba gutom kana eh! Hahaha! Hindi ka man lang pinakain ni Venn" natatawa kong sabi sa kanya at hinawakan ko kamay nya at naglakad muna palayo para humanap ng makakainan.

"Pasensya na,nakalimutan ko din kumain kanina eh" nahihiya nyang sabi.

"Ano ka ba? Hanggang ngayon nahihiya ka pa din sakin? Tanggalin mo na yang hiya mo" sabi ko at pinag intertwined ko mga kamay namin.

Shit! Ang lambot ng mga kamay nya! Lalong bumilis tibok ng puso ko. Shit Yuweh,ikaw lang nakapag ganito sa akin.

"Ayon! Ihaw ihaw!" maligalig nyang sabi sabay turo sa nagtitinda ng barbiQ. Napangiti ako dahil dun.

Agad kaming lumapit doon. Nakakatuwa dahil para syang bata,ang sarap nya pagmasdan.

"Ate magkano po sa dugo at bituka?" maligalig nyang tanong sa tindera na napangiti na din. Lakas makahawa eh.

"tag tres ang isa ineng" nakangiting sagot ng ale,lalo ako napangiti. Napagkamalan syang babae,ang astig!

"Tag lima nga po!" sabi nya at saka lumingon sa akin "Ikaw Pao? Ano sayo? Dali! Mukhang masarap pa naman tinda ni ate" naka ngiti nyang sabi.

"Tag lima nga din pong ganyan ang akin" sabi ko.

Maya maya masaya na naming pinagkakain ang mga bituka at dugo, na mas kilala sa tawag na betamax at isaw.

"Ang kalat mo pala kumain" natatawa kong sabi ng mapansing may sauce sa gilid ng labi nya. Lumapit ako para punasan iyon ng aking daliri.

Natigilan sya,ganun din ako. Damn! Nadedemonyo akong halikan sya! Shit.

"Ahe! Salamat" aniya ng matanggal ko na yung sauce sa gilid ng labi nya. Ang labi nya napaka lambot siguro. Yuweh pwede ba kitang halikan? Argghh!

After namin kumain ay bumalik kami sa Carnival. Madami dami na din ang tao. Kung anu-anong rides ang sinakyan namin. Sobrang saya ko. Ito na pinaka masayang araw ko mula ng isilang ako ng aking magandang Ina. Hinding hindi ko to makakalimutan. Sobrang memorable. Hinatid ko sya sa kanila pagkatapos. Umuwi akong may hindi maialis na ngiti sa mga labi.

AN ~ Goodeve! Eto second UD for today :) vote and comment if you like mwa!

CHANCES (Inlove with you Book 3) ~COMPLETED~Where stories live. Discover now