kawaii 34 ~ Best Birthday!

6.6K 178 12
                                    

Argel's POV

"Tumawag kayo ng duktor!" agad kong sabi at nagsilapitan sila sa higaan ni Yuweh.

"Bakit anak?" takang tanong sa akin ni tita Vangie.

"Gumalaw po ang kamay nyang hawak ko ng dalawang beses! Gising na po sya!" sagot ko. Napasinghap naman sila sa sinabi ko.

"Ako na tatawag ng duktor" presinta ni tito Hiroshi. Umupo naman si tita sa upuan at inilapit sa higaan ni Yuweh,hinaplos haplos nya ang ulo nito at kinakausap.

Nagkatinginan kaming buong tropa at hinintay ang susunod na mangyayari. Ako naman ay pigil hininga at excited sa muling pag gising ng mahal ko.

Muli gumalaw si Yuweh at umungol,hudyat na gising na talaga ito.

"Anak!" bulalas ni tita. Maya maya,unti unting nagdilat ng mga mata si Yuweh,bumilis ang tibok ng puso ko,sa wakas,gising na din sya! Maraming maraming salamat po Diyos ko!

Nang ganap nya maiumulat ang mga mata nya ay tiningnan nya muna kami ng matagal bago bumaling kay tita.

"Inay? Ano pong nangyari?" inosente nitong tanong. Kinabahan ako, huwag naman sana sya magaya kay kuya Yuri baka ikabaliw ko yon!

"Anak,mahabang kwento,pero ligtas ka na at nandito ka so ospital" sagot ni tita samantalang kami tahimik lang at tutok ang mga mata kay Yuweh.

"Ganon ba? Parang pagod na pagod ako Inay,akala ko namatay na ako eh" anito at dinugtungan ng hagikgik.

Napangiti naman kami. Okay na pala talaga sya. Niyakap naman sya ni tita.

"Anak,maraming salamat sa Diyos at hindi ka pinabayaan" lumuluhang sabi ni tita. Nilingon ko ang tropa,lahat sila nakangiti at halatang relieve na,yung mga babae naman umiiyak,tears of joy.

"Kayo? Anong nginingiti ngiti nyo dyan?" baling nya sa amin kaya natigil kami.

"Yuweh..." sambit ko at nilingon nya ako.

"Narinig kita kanina ah? Grabe ka pala umiyak Argel,pero totoo ba lahat ng sinabi mo?" sabi nya sa akin. Tanging tango lang ang naisagot ko sa sobrang pagka overwhelmed ko sa pangyayari.

"Sige nga kung totoo yon yakapin mo ako" naka ngiti nyang sabi. Natameme ako.

Si Yuweh ba talaga to? >_

"Ayaw mo ba? Sige ka baka tuluyan na akong mawala o kaya naman kay Pao at Venn na lang ako" naka ngiti pa din nyang sabi. Tiningnan ko si tita at tropa,lahat sila nakangiti din.

Agad akong tumayo at niyakap sya ng buong pagmamahal. Hindi ko maipigilang maiyak. Matagal kong inasam na mangyari ito.

"Huwag ka umiyak,buhay ako,at mamamatay lang ako pag hindi ikaw ang makakasama ko hanggang pagtanda ko" bulong ni Yuweh sa akin,parang hinaplos ang puso ko,masaya ako na okay at ligtas na sya.

Masaya akong marinig sa kanya ang mga salitang binitawan nya ngayon,ang sarap sa pakiramdam,na finally,iisa na lang ang tibok ng mga puso namin.

Ng magkalas kami sa pagkakayakap ay ang tropa naman ang binalingan nya.

"Tutunga lang ba kayo dyan? Nasan ang hug ko?" at parang mga batang nagsilapitan sila kay Yuweh,mga nagsisi-iyakan.

"Welcome back pinsan at Happy 17th birthday" sabi ni Shin sa kanya,at parang batang biglang nanglaki ang mga mata nya.

"Birthday ko na??!" gulat pa nyang sabi. Sakto pumasok si tito at ang duktor.

"Itay!" tawag pansin ni Yuweh kay tito,kita ko naman kung paano tumulo ang mga luha ni tito habang nakangiti. Agad nitong nilapitan ang anak at niyakap. Nakaka touch silang pagmasdan. Ramdam na ramdam mo ang pagmamahalan sa pamilya nila.

"I guess Dr.Tomoe its really a miracle,rare ang case ng anak mo but he managed to survive,pwede na sya makalabas in two to three days para makapag pahinga ng maayos" sabi ng duktor at bumaling kay Yuweh ngumiti,lumapit at ginulo ang buhok nito.

"Matapang ka Yuweh,hanga ako sayo, para kang ang anak ko,magpalakas ka pa ha? Happy birthday" anito kay Yuweh.

"Thanks po" nahihiyang sagot ni Yuweh at namumula.

Namumula? Nagblush ba sya? Crush nya si Doc?

Tiningnan ko ang duktor,gwapo nga din ito,parang ka edad lang din ni Dad.

"Maraming salamat Doc" ani Tita Vangie at nakipag kamay

"Anytime,para sa kaibigan kong si Hiroshi,o sya salamat din,mauna na ako para maasikaso ang mga papeles para sa paglabas ni Yuweh" sagot nito.

"Salamat Nhad! Maaasahan ka talaga Soriano" pasasalamat din ni tito at lumabas na ang duktor.

"Itay,Inay,totoong birthday ko? Grabe halos makalimutan ko na ah? Gaano ba katagal akong walang malay?" maya maya ay sabi ni Yuweh.

"Isang linggo kang walang malay anak" malumanay na sagot ni tita.

"Hala? Ganon? Eh bakit parang inaantok pa din ako?" gulat na sabi naman ni Yuweh na ikinatawa naming lahat. Ang cute nya pag nagkakaganon sya.

"Oo anak,magpahinga ka muna tapos pag gising mo kainin natin ang cake na dala ng mga kaibigan mo" nakangiting sabi naman ni tito.

"Salamat sa inyo,ito ang pinaka best birthday ko sa sa buong buhay ko" nakangiting pasasalamat sa amin ni Yuweh saka sya pumikit.

AN ~ Hello! Maraming salamat sa mga comments and Votes =)

I think Grand Finale na ang next chapter. Okay lang ba yung flow ng story? Parang walang masyadong naging twist at hadlang sa love story nila XD bawi ako next story =)

AYAN PO ANG PIC NI ANNE :)

CHANCES (Inlove with you Book 3) ~COMPLETED~Where stories live. Discover now