kawaii 17 ~ The Pictures

7.3K 199 1
                                    

Yuweh's POV

Kahit masakit ang ulo ko ay pumasok pa din ako sa school kinabukasan, takte,yun pala yung tinatawag nilang Hang over -__-

Grabe lang parang lumindol na may after shock witch matching sakit ng ulo ang pakiramdam >_

Agad na akong kumilos at nagprepare for school,pagkalagay ko ng baon kong pagkain sa bag ay nagpaalam na ako kina Inay at Itay.

Maaga ako pinapauwi nina Inay at Itay mamaya. Baka may importanteng sasabihin. Buti nga hindi nagalit kagabe,hinatid kase ako ni Shin, or galit sila sa akin at hindi lang nila pinapahalata? Whatever it is,haharapin ko ang parusa.

Mabuti na lamang at mabilis ang nasakyan kong Jeep,hanep din si Manong eh,feeling car racer xD

Ng makababa na ako sa tapat ng school ay agad na ako pumasok sa gate, buti hindi pa talaga ako late. Dahil pag nagkataon yun ang unang dimerit ko :/ maliban dun sa mga subjects na hindi namin napasukan ni Venn nung nakaraan dahil nga kinaladkad nya ako sa kanila.

Kampante akong naglakad papunta sa building namen ng mapansin kong kakaiba tingin sa akin ng mga kapwa ko high school.

Anong meron? Ganun ba kalakas impact ng pagkakapanalo namin kahapon sa sabayang pagbigkas? XD

Malapit na ako sa building ng makita ko sina Amara at Michelle tumatakbo papunta sa akin at parang hindi maipinta ang mukha. Bakit? Anong meron?

"Good morning Amara at Mich!" masigla kong bati sa kanila ng makalapit sila sabay ngiti ng pagkalaki laki.

"The faculty decided na walang klase ang buong 4th year bilang rest day daw dahil sa pag celebrate natin kahapon" biglang sabi ni Mich na ikinatuwa ko, that means pwede mag gala ^o^

"Oh talaga?! Wow! Tara gala tayo! Wait mag jiGM muna ako sa kanila" na excite kong sabi.

"Yuweh alis muna tayo dito sa school" balisang sabi ni Amara,kaya tinigil ko ang pagtype ng message sa phone ko.

"Bakit parang masyado kayong worried? Ano bang meron? Anong nangyayari?" taka ko ng tanong, iba na kasi ang dating sa akin. Para bang may tinatago sila. Ang weird!

"Pagod lang din kami" sabi ni Amara at nagpalinga linga sa paligid kaya lumingon din ako,at nako naman! Lahat sila nakatingin sa amin! Or sa akin probably. Ano na naman ginawa ko?

Napansin kong may pinagkakaguluhan ang mga students sa may bulletin board ng building namin, agad akong lumapit pero pinigilan ako ng dalawa, hindi ko sila inintindi, lumapit pa din ako.

"Ano kaya yon?" sabi ko sa sarili.

At ang nakita ko ang nagpanginig sa aking mga tuhod, napanganga ako sa pagkabigla,parang tinakasan ako ng sarili kong kaluluwa.

Panong nagkaron ako ng picture dito? At sino yang kahalikan kong lalaki? Tiningnan ko lahat ng picture,ang dami,iba ibang anggulo. Nanlambot ang tuhod ko at napa upo ako. Agad namang lumapit si Amara at Mich para itayo ako.

"Umalis muna tayo dito" sabi ni Amara habang akay akay ako. Hindi ako makakilos sa pagkabigla.

"Paanong? Sinong may gawa nyon? Bakit may ganun akong picture?!" tumulo na luha ko ng hindi namamalayan. Tumigil kami sa paglakad.

"Tapatin mo kami Yuweh,nung nag CR ka,anong nangyari?" seryosong sabi ni Mich.

"Yung lalaking kasama mo sa picture,nakita namin sya lumabas sa CR 5minutes after mong lumabas" dagdag ni Amara.

I cant believe this! Iniisip ba nila na may ginawa ako?

"Ganyan tingin nyo sa akin?" masama ang loob na sabi ko. Napalakas na boses ko kaya mas madami na ngayon ang nakatingin.

"Stupid! Hindi iyon ang iniisip namin! Huwag ka mag over react! Lasing na lasing ka na kagabi! Try to remember what happened sa CR! Damn it!" sigaw ni Amara na inawat agad ni Mich. Nagitla ako sa pag sigaw nya kaya napatanga ako.

"Huwag ka umiyak,hindi natin masusulusyunan to,look,lalo ka na pinag pepyestahan" sabi naman ni Mich.

Agad kong binalikan ang mga pangyayari kagabe sa Bar. Inuman,kwentuhan,sayawan,then nag CR ako to vommit,nag hilamos,mumog, then may dalawang lalaking pumasok sa CR...

"Tanda ko na! Hindi ko yan kilala,katunayan dalawa sila,palabas na ako ng CR ng harangin ako ng isa at halikan" sabi ko sa dalawa. Tumango naman sila at hinila agad ako papunta sa gate.

"Intentionally yon Yuweh,tulad ng pagbato ng bola sayo,pag papakita ng placard during the presentation,iisang tao lang gumagawa nito" sabi ni Amara na hila hila pa din ako. Ang bilis nya maglakad.

"At kung sino man yon,malaki ang galit sayo" dagdag ni Mich.

Hindi pa kami nakakalabas ng gate ng maka salubong namin sina Pao at Venn na parehong hinihingal.

"Buti nakita ka agad nila" sabi ni Venn habang pinapaypay ang sariling polo sa katawan para mapreskuhan.

"Hindi ka kasi namin mahanap eh, tara na" at si Pao naman ang humila sa akin. Ano ba tong mga to? Nawiwili kakahila sa akin.

Sakto nakalabas na kami ng gate,nasa di kalayuan pala naka park ang kotse ni Venn,naglakad na kaming lima papunta doon ng biglang...

"Well,well,well, kamusta naman ang three timer na bading na may scandal sa CR ng isang bar?" sabi ng isang boses kaya napatingin kami.

SIYA?! O_O

.

AN ~ GOODNIGHT tom po ulit next UD :) COMMENT and VOTE if you want. Thanks sa mga bagong naglagay ng mga stories ko sa Reading list nila ^_^

CHANCES (Inlove with you Book 3) ~COMPLETED~حيث تعيش القصص. اكتشف الآن