kawaii o5 ~ New Friends!

9.9K 266 13
                                    

Yuweh's POV

"Wow! New chix mo dude? Pakilala mo naman kami" sabi ng isang boses na ikinagulat ko. Montik pa akong mabilaukan.

0_0

ANO DAW??! New chix?! WTH?

Nilingon ko yung kung sinong halimaw ang nagsabi nun. Dahan dahan ang aking paglingon na parang bang iikot ang ulo ko at inihanda ang aking nakamamatay na tingin.

Pero ako ang nabigla.

HUDAS BARABAS HEKTAS!!

0_0

Totoo ba itong nakikita ko? >_

Kay gagwapong nilalang! Tao ba mga to? Nagtataka kayo kung bakit 'Mga'? Tatlo kasi sila neng xD

"Lul! Hindi no! Maupo na nga kayo,dami nyong alam" sagot ni Argel. Natameme ako. Napapansin ko lang ah? Sunod sunod na ang encounter ko sa mga gwapo, parang nanganganib na ang buhay ko sa kamay ng mga babae at kapwa beki na gusto sila.

Dyosko! Patnubayan nyo ako!

"So? Who is she?" sabi nung isang gwapo na nakatayo mga buhok,Im pretty sure pag may nalaglag na butiki jan eh tepok agad! Ang kyuut nya sa dimple nya!

"He's not a SHE! He's a HE!" sagot ni Argel. Napatameme ako. Yung tatlo naman napatingin sa akin ng hindi makapaniwala. Ganun na ba kagimbal gimbal ang pagmumukha ko? Sapatusin ko kaya mga to? Hmp!

"Owww.. Oo nga, panlalaki ang uniform nya,Im sorry" sabi nung isang gwapo din na hindi ko maintindihan ang buhok,parang pang korean.

"So,nag iba kana ng pananaw? Tumagilid kana?" seryosong sabi nung isang gwapo. Hmp! Pokerface naman sya! Pero infairness bagay sa kanya ang long hair nyang nakaipit at mahabang bangs,may kulay din buhok nya. Guess what anong kulay? SILVER!

Ano ba namang school to? Ngayon ko lang narealize na para kaming mga characters sa isang anime na tungkol sa estudyante ang kwento. Pero paki ko ba? Hindi naman ako may ari ng school na to diba? So I'll just leave it behind.

"Loko! Huwag nga kayong ganyan,kakakilala ko nga lang sa kanya eh" sabi ni Argel saka doon lang ako natauhan. My instinct says lumingon ako sa paligid. And so I did, pero sana hindi ko na ginawa. Cause almost all the girls are pinning their eyes on me,mga nagliliyab na mata. Nakaramdam tuloy ako ng pagkailang at pagkabalisa.

"Guys this is Yue Tomoe, Yue these are my friends, Oreo,Khai and Shin" pagpapakilala ni Argel samin.

"h-hello" yan lang nasabi ko. Ewan,parang ayoko na magsalita. Kakaiba kasi tingin ng tatlong to eh.

"Im Shinyuri Natsume, you can call me Shin, are you japanese too?" sabi ni Silver hair guy.

"Ah..Eh..Yes,half lang" nahihiya kong sagot. Nakaka intimidate naman ang isang to.

"Hi Im Oreoliz Castillo, Oreo na lang, ako pinaka gwapo saming apat, pansin mo ba?" naka ngiti namang sabi nung lalaking nakatayo ang buhok na may dimple.

"Ha? Siguro?" sabi ko naman.

"Oh ano dude?! Wala ka! Hi Pretty ako nga pala si Kaizer Pecson, Khai for short, ako pinaka malakas ang karisma sa aming apat" sabi naman nung may korean style na buhok.

"Ahe, thank you, nice meeting you guys,I have to go" sabi ko,saka tumayo,naiilang na kasi ako sa tingin ng mga tao dito sa canteen. Pakiramdam ko nanganganib ang buhay ko.

"Yuweh wait! Hatid na kita" sabi ni Argel, wala naman ako nagawa at pinabayaan na lang sya, sumunod naman sa amin yung tatlo.

Ng makarating sa 2nd floor ng building namin ay humarap na ako sa kanila at nagpasalamat.

"Ahm.. Thank you, aregatu gosaimasu" sabi ko then nag bow.

"Kaya pala hindi kita nakikita eh, section star ka,samantalang kami section A at sa 3rd floor pa" sabi ni Argel.

"Hehe,sige salamat,bye" sabi ko at pumasok na sa room. Yung mga kaklase kong babae parang mga kiti kiti na kinikilig dun sa apat na iniwan ko sa labas. Sikat pala sila? Bakit hindi ko alam? Sa bagay halos wala ako pinapansin noon dito sa school.

Naalala ko nga nung first week of school nagkwento ang adviser naming si Mrs.Sanchez who happened to be our filipino teacher also na six years ago daw eh magkasama ang college at high school dito sa St.Adams, pero binago daw, gumawa ng wall sa pagitan ng Academy at nilagyan ng Gate na binabantayan din ng mga gaurds. Pagala gala daw kasi dati mga students ,may magka cut ng class para pumunta sa college buildings and vice verza. Pero kahit ano pa man ang meron sa school na to, I have the feeling na hindi magiging normal ang last high school year ko.

"Looks like youre gaining friends,thats good" pukaw sa akin ng katabi kong s Michelle o Mich Alferos. Maganda sya,madami sya suitor,mabaet din kasi,kasali nga sya sa Glee club kasi ang galing nya mag violin at mag piano. Pero hindi nya pinapansin mga suitors nya, her heart only belongs to Amara Dizon ang tiboli naming classmates. Ewan kung totoo yon oh tsismis lang.

"Ah eh, sort of, mejo boring din pala pag loner eh" naka ngiti kong sagot. Actually hindi kami close pero nakakapag usap kami ng matino at pormal.

"Thats good then,so pwede ka na naming maging friend?" sabi ni Amara.

May pagka kabute ata to,bigla susulpot. Gwapong tibo si Amara, siete style ang buhok nya na kulay cream. Balita ko mayaman to at magaling na car racer. Kaso mag isa lang sa buhay.

Nagtataka kayo bakit ko alam lahat? Well lets just say na tahimik nga ako sa class at sa buong campus pero pag may chikahan na lumalaki ang tenga ko at sinasagap nito lahat ng pwede marinig haha!

"Ha? Oo sure!" maligalig kong sabi at sinuklian nila ako ng matamis na ngiti.

Argel's POV

"Anyare sayo?" sabi Oreo. Dismissal na at nakatambay lang kami dito sa parking lot ng campus.

"Ha? What do you mean?" taka kong tanong habang nakasandal sa kotse ko at iniikot ikot sa daliri ko ang susi nito.

"Youre dating a GAY!!" sabay na sabi ni Oreo at Khai. Nakakairita minsan tong mga to eh.

"Ang OA nyo naman,sabay lang kami naglunch,parang wala naman kayo dun kanina kung makapag reak kayo" sagot ko sa dalawang kurimaw. Kaibigan ko na tong tatlong ugok na to since elementary days. Kumbaga bestfriends kaming apat at wala na makakapag hiwalay sa amin. Ganun kami katatag.

"Pero anong pumasok sa kokote mo dude? Dati naman hindi mo binibigyang pansin ang mga tulad nila" sabi ni Shin. Sa aming apat ito ang pinaka seryoso sa buhay. Hindi ko nga alam bakit nakatagal sa aming tatlo to eh.

Bumuntong hininga ako bago sumagot na ipinagtaka nila.

"Thats what all you think. Pero malaki respeto ko sa mga tulad nila. I know one person na ganun na mula pagkabata ko ay kilala ko na,and I must tell you guys, napaka baet at mapagmahal ni Kuya Yuri, Ive seen his efforts at kung paano nya mahalin ang kuya ko. Dahil sa kanya,natatak sa utak ko na ang mga tulad nila ay hindi basta basta hinuhusgahan,minamhal din dapat sila" mahaba kong paliwanag. Bumigat na naman pakiramdam ko dahil doon.

"So you are saying na mahal mo yung si Yuweh?" hindi makapaniwalang sabi ni Khai kaya binatukan ko. Natawa na lamang sila.

"Ikaw ang advance talaga ng utak mo, kinakaibigan ko lang yung tao,nag conclude ka agad" sabi ko.

"Aba,malay natin,hindi natin alam kung anong mangyayari" kibit balikat na sabi ni Khai.

"Si Yuweh ata yon oh,pauwi na at may dalawa pang kasama" biglang singit ni Oreo at napalingon kami sa tinuro nya. Si Yuweh nga palabas na sila ng gate.

Hindi ko mapigilang titigan sya kahit malayo. Napakaganda nya talaga at napaka graceful pa maglakad. Akala mo hindi sumasayad sa lupa ang mga paa.

"Natulala na. May tama nga" dinig ko pang sabi ni Shin pero hindi ko na iyon binigyang pansin. Nanatili lang akong nakatingin sa papalabas na si Yuweh.

Grabe! Anong ginawa ni Yuweh sa akin? Bakit ako nagkakaganito? Kailangan ko na ba pumunta sa albularyo? Damn!

CHANCES (Inlove with you Book 3) ~COMPLETED~Where stories live. Discover now