kawaii 47 ~ Sorrow

6.2K 161 23
                                    

Yuweh's POV

Ang masakit na parte lang ng nangyayari ay hindi talaga ito binabanggit sa akin ni Argel, may pagkakataong nakikita ko sila sa campus ni Hera na sweet,nagkekwentuhan,nagtatawanan pero hindi ako nagpapakita.

Pero may pagkakataon naman na pinupuntahan nya pa din ako sa room,sabay kaming kakain ng lunch na parang wala lang nangyayari. Thankful din ako at hindi matanong ang tropa. Minsan nga lang may mga kakaibang tingin sina Shin,Khai at Oreo pero pinapakita ko pa rin ang dating ako.

Masakit? Oo sobrang sakit,lalo na pag nasa bahay namin sya,todo lambing at asikaso pa din sya pero nawala na ang appetite nya sa sex,hindi naman sa hinahanap hanap ko yun,nagtataka at naninibago lang ako.

Pero sa kabuuan ng lahat ng nangyayari ay halos wala na nga syang time sa aming relasyon,parang pinipilit lang nya,sana lang hindi na kami nagpakasal para hindi ganito kasakit. Ang hirap itago,nakakatampo din lalo na at talagang wala syang binabanggit.

Patawarin ako ng panginoon pero nung minsang naliligo sya at naiwanan nyang nasa kama ang phone nya ay pinakaealaman ko talaga. Ang inbox at sent items,mga palitan nila ng text ni Hera na talagang dumudurog sa puso ko. Pati sa call register halatang lagi sila magkausap.

Wala naman ako ibang masabihan maliban kay Jafu dahil sya lang ang nakakaalam. Sa mga panahong halos si Hera na ang kasama ni Argel ay si Jafu naman ang kasama ko tuwing dadalawin namin si Venn sa ospital.

Parang sasabog na nga ang utak at puso ko sa dami ng iniisip ko at sa bigat ng nararamdaman ko,pakiramdam ko malapit na ako mag over load.

Isang beses sinadya kong magpahuli ng uwi dahil masama ang pakiramdam ko. Alam kong sa mga oras na ito,at sa araw na ito nasa campus pa si Argel,may copy nga ako ng class schedule nya diba?

Nagpunta ako sa EE department dahil gusto ko sana magpahatid sa kanya,bonus na lang ang pag aalaga nya,miss ko na kasi talaga sya at ang paglalambing nya eh :(

Pag silip ko sa room nila pakiramdam ko tinakasan ako ng kaluluwa sa katawan,agad akong nagtago. Ang lakas ng kaba sa dibdib ko,namumuo na din ang galit sa akin.

Ano ba ang nakita ko?

Naghahalikan lang naman sila ni Argel na parang mahal na mahal nila ang isa't isa.

"Kelan ka makikipag hiwalay kay Yuweh?" nadinig kong malambing na sabi ni Hera sa asawa ko.

Bitch! Thats my husband!

"Uhm kukuha pa ako ng tyempo Hera,hindi madaling gawin yon" sagot ni Argel.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Talagang gagawin nya yon? Napatutop ako sa aking bibig para mapigilan ang pagkhikbi.

"Good,ayaw ko kasing may kahati,saka nagpromise ako kay Dad,na bago man lang ako mawala sa mundo ay bibigyan natin sya ng apo,kaya tara na huwag na tayong mag aksaya ng panahon" ani Hera.

Dahan dahan ako umalis sa pinagtaguan ko,lakad takbo ang ginawa ko palabas ng gate,walang tigil ang luha ko sa pagtulo. Sobrang sakit,bakit biglang nagkaganun? Kaya nya akong itapon ng ganun-ganon na lang ba? Hindi ba nya pinahalagahan kung anong meron kami? Kung ano kami?

Wala nga naman akong laban,babae yon,at ano nga ba ako? Isang hamak na bakla lang na naghangad ng pagmamahal pero ano napala ko? Eto luhaan. Pakiramdam ko trinaydor ako.

Agad kong kinuha ang phone sa bulsa ko at tinawagan si Jafu, sa kanya ako magpapahatid sa bahay,ayoko sa driver namin baka magtaka pa yon.

"Hello Jafu,nandito ako sa labas ng campus,pwede mo ba ako ihatid sa bahay?" agad kong sabi ng sinagot nya ito,nagpipigil din akong mapahikbi.

CHANCES (Inlove with you Book 3) ~COMPLETED~Where stories live. Discover now