kawaii 23 ~ Praybeyt Detective Yuweh?

9.4K 195 9
                                    

Yuweh's POV

Today is Friday! Second day ng rehearsal para sa cheerdance. Mas nakakapagod ito kesa dun sa Congo. Next friday na kasi ang competition at next week na ang Intramurals.

Ngayon nandito kami sa canteen,lunch break na kasi, mejo nakaka stress din yung mga test kaya parang half day lang kami,patapos na 2nd grading,at pagpasok ng 3rd grading mukhang mas magiging madugo.

Naalala ko pa,bukas na yung party na sinasabi ni kuya Pogi,pero hindi ko kailangan mag alala para dun. Ang talagang iniisip ko ay ang pagkatao nina Kymn,Wiwa at Ann. Sadyang nagtataka na ako dahil always to the rescue sila at tinawag pa nila akong Young Master,pati tuloy mga classmates namin nina Amara nakikigaya na :/

"Insan" pukaw ko kay Shin na nakikipag tawanan sa tropa.

"Oh bakit?"

"Ano alam mo sa pagkatao nina Kymn,Wiwa at Ann?"

"Bakit mo naman naitanong yan insan?"

"Basta! Sagutin mo na lang" pangungulit ko pa.

"Wala ako masyadong alam sa kanila insan,ang totoo nyan ay pati ako nagtataka na din" sagot nya sa akin. Hmp! Hindi ako naniniwala! Aalamin ko talaga yon! Yung tatlong baliw na yon ano kaya ang itinatago sa akin?

"Ganun ba? Sige salamat" sabi ko at muling ibinalik ang atensyon sa pagkain. Nagulat na lang ako ng may nadagdag na kanin at fried chicken sa lunch box ko. Pagtingin ko kung sino ang naglagay, si Argel.

Buti na lang wala si Pao at Venn,kung hindi nag iringan na naman ang tatlo.

>///

Kahit kailan talaga tong si Argel oh! Hindi naubusan ng kasweetan.

"Hindi ko pa nga nauubos ang pagkain ko dinagdagan mo pa" nahihiya kong sabi.

"Para tumaba ka,ang konti ng baon mo oh? Sinabi na kasing ako na bahala sa pagkain mo dito sa school,tingnan mo binabawasan mo pa paninda ni Inay" naka ngiti nitong sabi.

INAY? O_O kelan pa nya naging Inay ang Inay ko? >_

"Inay talaga ah? Tatag mo ah?" biro ko sa kanya at humagikgik lang ang timawa,samantalang ang mga kasama namin parang walang pakialam sa amin haha!

"Ganon talaga,magiging Inay at Itay ko na din sila balang araw,pagka graduate natin ng college papakasalan na kita sa ibang bansa" proud pa nyang sabi. Hindi ko tuloy maiwasang makaramdam ng sobrang kilig. Pakiramdam ko,konting sundot pa eh maiihi na ako haha!

"Hindi ka pa nga sinasagot kasal agad?" singit ni Khai.

"ulul! Walang pakialaman Kaizer!" natatawang sabi ni Argel at bumaling sa akin "Ubusin mo lahat yan para tumaba ka,ang payat mo eh,para mas masarap ka yakapin"

ako na! Ako na talaga! Grabe tong lalaking to,hindi pa nga ako nakaka move on sa kasal na sinasabi nya eh susundutan pa nya ng panibagong banat! At para naman hindi obvious na halos mamatay na ako sa kilig ay sinagot ko sya.

"Ginawa mo naman akong patay gutom,hindi ako payat! Slim ako no"

"Haha! Kahit ano ka pa,mataba,payat o chubby,hindi magbabago ang pagmamahal ko sayo" nakangiti nyang sabi.

At hinimatay ako. Nag black na ang buong paligid.

Charot!! Woohh! Parang ang init!? Wala bang aircon dito sa canteen? Para na naman ako mag hahyperventilate at palpitate >.

"Tubiiggg!!" nasabi ko na lang. Dyosko! Sadya bang ganito ang lalaking ito?! Thank you po ^o^

Natatawa namang iniabot ni Shin sa akin ang Soda. Kakabili palang pala ulit nya,hindi ko man lang napansin.

CHANCES (Inlove with you Book 3) ~COMPLETED~Where stories live. Discover now