kawaii 49 ~ Exchange of heart part 1

6.4K 192 25
                                    

Third Person's POV

Tulalang naiwan sa gitna ng dance floor si Argel habang sina Jafu,Umi,Zee at Aiyan ay tarantang umalis bitbit si Yuweh. Naka agaw atensyon sila sa acquaintance. Lahat tiningnan sila.

Anong nangyari? Tanong ni Argel sa sarili nya,ngayon parang bigla sya nagsisi sa naging desisyon nya,at paulit ulit umukit sa isipan nya ang sinabi ni Jafu.

'Oo patay na si Venn,at maaaring sumunod na si Yuweh kung hindi namin maaagapan,'

'Im sorry Argel,pinakawalan mo na sya,kaya hindi mo na sya mababawi'

What have I done?!

"Ow I pitty him,kailangan pa nyang umarte para makakuha ng simpatya" sabi ni Hera na nakalapit na sa tulalang si Argel. Pero ang mga tao sa acquaintance ay nag resume na sa mga pinag kaka abalahan,sumayaw,kumain at magkwentuhan.

"Hindi mo kailangan pag salitaan ang pinsan ko ng ganyan,matuto kang rumespeto! Ive been nice to you,weve been nice to you! So sana ganun ka din" gigil na sabi ni Shin sa babaeng ngayon ay humalukikip pa at parang balewala sa kanya ang nangyari.

"Tumawag ako kay Aiyan, kritikal ang lagay ni Yuweh at ngayon ang operasyon nya,heart transplant,tinawagan na din daw nila sina Tito Hiro at Tita Vangie" ani Khai. "Hindi ba tayo susunod? Delikado yon at saka,dun din sa ospital na yun nakalagak ang bangkay ni Venn" malungkot na dagdag ni Khai. At parang doon lang natauhan si Argel na kanina pa talaga tulala.

"Si Wifey at si Venn, kailangan ko silang puntahan" ani Argel na akmang aalis na sana ng biglang pigilan ni Hera.

"Iiwanan mo ako dito? Eh ako ang girlfriend mo? Pano kung bigla din akong atakihin sa sama ng loob dahil sa pang iiwan mo?" naluluhang sabi ni Hera. Napabuntong hininga si Argel at talagang hindi na alam ang gagawin.

"May sakit ka ba talaga Hera? O ginagamit mo lang yan para makuha ang gusto mo? You see,once na may nagtangkang gawin yan kay Yuweh pero hindi nagtagumpay,mali ka ng kakalabanin,ngayon pa lang binabalaan na kita" matalim ang matang sabi ni Oreo kay Hera.

"What do you mean? Pinagbibintangan nyo bang nagpapanggap lang ako? How dare you!" galit na sabi ni Hera.

"Shin-sama nandito na kami" biglang dating ng apat,Usagi,Kakyuu,Aya at Maya.

"I have a mission para sa inyong apat,follow me,puntahan muna natin si Yuweh sa ospital" seryosong sabi ni Shin at umalis kasunod ng apat.

"Bro,punta lang kami sa ospital,if anything comes up,text or call us" ani Khai at tumalikod na rin.

"We will update you na lang bro,kailangan din naming makita mga labi ni Venn,sige una na kami" sabi naman ni Oreo at umalis na din.

Ngayon nagsisisi ng husto si Argel sa mga nagawa nya,sana kung mas naging mautak sya ay hindi sana sya aabot sa ganito,ang masukol,ang ma black mail at higit sa lahat,ang mapikot.

Parang recorday na nagpaulit ulit sa utak nya ang mga sinabi ni Jafu bago umalis.

'Oo patay na si Venn,at maaaring sumunod na si Yuweh kung hindi namin maaagapan,'

'Im sorry Argel,pinakawalan mo na sya,kaya hindi mo na sya mababawi'

'Oo patay na si Venn,at maaaring sumunod na si Yuweh kung hindi namin maaagapan,'

'Im sorry Argel,pinakawalan mo na sya,kaya hindi mo na sya mababawi'

'Oo patay na si Venn,at maaaring sumunod na si Yuweh kung hindi namin maaagapan,'

'Im sorry Argel,pinakawalan mo na sya,kaya hindi mo na sya mababawi'

Frustrated na napasabunot si Argel sa sarili at yumuko sa mesa.

CHANCES (Inlove with you Book 3) ~COMPLETED~Where stories live. Discover now