kawaii 10 ~ Catch Me

9.3K 236 11
                                    

Yuweh's POV

Mga 7pm ay bihis na ako. Excited na talaga ako,first time kong gumimik,buti na lang at friday. Nakapag paalam na din ako kina Itay at Inay. Wala naman sila magawa dahil tumawag mismo si Shin sa kanila para ipaalam ako.

Maya maya may narinig na kaming busina ng kotse. Sila na siguro yon.

Si Itay ang nagbukas ng pinto at sinalubong si Shin kasama si... Argel?

Pinatuloy sila ni Itay,nagkamustahan sa salitang nihonggo samantalang si Argel ay ipinakilala ko kay Inay.

"Napaka gwapong binata, kaklase ka ba nitong ni Yuweh namin?" masayang sabi ni Inay.

"Ay hindi po,pero fourth year na din ako, malapit lang talaga sa akin si Yuweh tita" magalang na sagot ni Argel.

Wow ha? Makapag malaki naman ito kay Inay na malapit kami eh ganun ganon na lang? Hindi ba nya alam ang salitang hiya? XD

"Ay ganon ba? Alam mo parang may kamukha ka!" sabi ni Inay.

"Wow! Sino naman po?" maligalig na tanong ni Argel. Ewan lang ah? Pero parang ganadong ganado sya,napansin ko lang naman.

"Yung kinupkop namin na nagka amne---" hindi na naituloy ni Inay dahil lumapit na si Itay.

"Konbanwa Oji-kun" ani Argel at nag bow.

Anong nakain nito? At marunong na din mag hapon ah?

"Oji-kun ito po bestfriend ko si Argel,friend din ni Yuweh" singit ni Shin sa usapan.

"Nice to meet you Argel,you dont need to bow and to talk in Japanese son,Nakakapagtagalog naman ako" nakangiting sabi ni Itay kay Argel. Nahihiyang napakapit sa batok ang mokong,ang kyuut na lalo dun ^_^

"Pano po,we have to go,our friends is waiting waiting for us" sabi ni Shin.

"Nay,Tay alis na po kami" paalam ko na din,nagpaalam at nagpasalamat naman si Argel.

"Mag ingat,wag nyo lalasingin ang ang maganda kong only son" pahabol na biro ni Itay na tinawanan lang namin.

Nang makasakay na kami sa kotse ay si Shin ang nag drive,ewan pero till now wala ako maitawag sa kanya kahit na tinatawag nya akong Itoko-chan. Maybe pwede na ang Shin-san, tae ang panget :/

"Nasan na nga pala ang iba?" basag ko sa katahimikan. Si Argel ang sumagot.

"Nandun na yong dalawang itlog kasama si Mich at Amara" sabay lapit nya sa akin. Hindi ako nagpahalata na napansin ko yung pagdikit nya sa akin. Grabe yung kabog ng dibdib ko,alam mo yung feeling na may mali kang nagawa? Ganun ang kabog nya tas ang bilis.

"Okay ang suot mo ah? Simple pero malakas ang dating,ganyan ang gusto ko" naka ngiting sabi ni Argel.

"Salamat,wala naman kasi ako hilig sa mga porma at kaartehan,basta kumportable akong isuot ay susuotin ko" sabi ko saka nilingon sya at binigyan ng ngiti. Pero nagulat ako ng nakatitig sya sa akin na parang natulala.

Ano ba tong lalaking to? Second time na nya nagkaganyan, na engkanto na naman ba sya? Basta wala ako alam dyan ah?! Wala talaga!

"Aish,natimang na naman" sabi ni Shin na tinitingnan kami sa rearview mirror.

"Ano.. Ahm.. Argel, okay ka lang?" at pinoke ko pa sya sa dibdib na parang dun lang sya natauhan. Bigla sya namula at nag iwas ng tingin. Rinig kong humagikgik pa si Shin.

Sinasapian kaya si Argel?

Ng makarating kami sa sinasabing gigimikan ay namangha naman ako ng severe at nakaramdam ng pag aalinlangan.

CHANCES (Inlove with you Book 3) ~COMPLETED~Where stories live. Discover now