kawaii o3 ~ Lola??!!

10.9K 270 26
                                    

Yuweh's POV

Isang araw ng sabado,ako ang nautusan ni Inay mamalengke,habang tinutulungan naman sya ni kuya Pogi sa pagtitinda.

Pauwi na ako nun at ang dami ko pinamili. Kailangan ko pa tumawid sa kabilang kalsada para makasakay ng jeep papunta sa amin. Pinagpapawisan na ako at ang init init talaga! Ayoko po naman ng pinagpapawisan! Ang lagkit sa pakiramdam!

"Lola,tulungan ko na po kayo" sabi ng boses ng isang lalake.

0_0

ANO DAW? LOLA? Mukha na ba akong matanda? Nag init ang ulo ko at dahan dahan nilingon ang lapastangang tumawag sa akin ng lola.

Pag lingon ko parang nabigla pa sya at natulala. Nakatitig lang sa akin.

Okay! I get it! Its because of my hair >_

Ate BEBEKA!!! Bukas na bukas magpapaitim ako ng buhok at magpapagupit! Pramis yan!!!

Pero parang abno tong lalaking tumawag sa akin ng lola,talagang hindi maalis ang pagkakatingin sa akin. Problema nya?

"Excuse me?" sabi ko na nakataas ang kanang kilay at saka naman sya parang natauhan. Napano ba sya? Para syang na engkanto ah?

"FYI hindi ako LOLA at hindi ako babae! Mukha na ba akong matanda?!" sabi kong ganyan sa kanya saka nag walk out dahil sakto nag red na ang traffic light,pwede ng tumawid.

Ng makatawid ako,nandun pa din sya nakatingin sa akin. Hala? Wala akong ginagawa sa kanya ah? Wala akong kasalanan,wala akong alam!

Ng makasakay na ako ng jeep ay naisip ko ulit yung lalaki. Infairness gwapo sya,at parang ka edad ko. Pero parang nakita ko na sya before? Pamilyar sa akin ang mukha nya.

Pagdating sa amin ay hapong hapo ang katawan ko. Grabe! Hindi ko pinangarap magdala ng ganito kabibigat na bagay. Baka tubuan ako ng muscles!

Buti na lang at napansin ako ni kuya Pogi at sinalubong ako sya na nagbitbit ng dala ko. Wow! Napaka gentleman. I wonder,may girlfriend kaya tong naiwan?

Tinanong ko si Inay kung kailangan pa nya ng tulong ko. Pero hindi na daw. Edi okay, ang ginawa ko ay pumasok sa napakalaki kong silid! Hahaha :D

Nahiga at kinuha ang phone ko, I opened my application Opera Mini then tinayp sa url box ang planetos.wapka.mobi . Isa yung wapsites na pwede ka makipag chat sa kapwa member, magdownload ng mga appz na libre pati mga mp3. Syempre libre net ko sa phone noh? How? Ask the author hihi :'>

Chat lang ako maghapon,masyado ako nalibang at hindi ko na namalayan ang oras. Ang pagsurf din kasi sa net ang libangan ko pag may time. Good thing natuto ako maglagay ng libreng internet sa phone,hindi ko na kailangang pumunta sa computershop at gumastos para makapag internet lang.

(AN: Existing site po yon,try nyo mag register,nandun ako haha!)

Gabi na pala,kaya bumangon na ako para maghanda ng makakain namin. Sakto nagliligpit na si Inay at kuya Pogi. Mukhang ubos ang paninda namin.

"Nako anak ang swerte natin dito kay Pogi! Ang laki ng benta natin ng dumating sya,laging ubos paninda natin" masayang sabi ni Inay ng makapasok sila sa bahay.

"Eh kasi Nay ginawa mo naman ata waiter si Kuya,malamang mga babae at bakla costumer nyo no?" sabi ko habang inilalapag ang mga plato sa mesa. Mukhang OT si Itay ah? Ipagtatabi na lang namin sya.

"Tama ka anak! Oh pogi napagod ka ba? Pasensya na ha?" sabi naman ni Inay at naupo na kami.

"Ayos lang ho yon.Nakakahiya naman kung wala ako gagawin eh nakikitira na nga lang ako" naka ngiting sagot naman nito. Napatingin ako sa kanya. Yung mukha nya parang may kahawig? Ay ewan! Hindi ko maalala.

"Pwede ho ba akong umalis mamaya? Pupunta lang ako sa park pero babalik din ako Tita Vangie" magalang nitong paalam kay Inay sa kalagitnaan ng pagkain namin.

"Aba oo naman,para hindi ka naman ma bored dito sa bahay,may extra pa kaming susi,yon ang gamitin mo pag uwi mamaya,hindi naman namin pwedeng hindi ilock ang pinto" pagpayag ni Inay dito. Nakikinig lang ako. Ayoko maki singit sa usapan nila.

Argel's POV :]

Until now hindi pa din mawala sa isip ko yung mukha nya. Grabe napaka ganda nya. Akala ko talaga matanda sya kasi nga nakatalikod sya sa akin at nagmumura ang halos kulay puti nyang buhok. Talagang nauuso na yong kakaibang kulay no? Magpakulay kaya ako ng kulay Blue? Haha! Di! Ayoko.

Ano kaya pangalan nya at san sya nakatira? Medyo nagulat lang din ako kanina. Kasi pag harap talaga nya natulala ako. Alam nyo yong salitang nabatobalani? Ganun! Nabato balani ako sa ganda nya. Kaso nagulat ako nung nagsalita. Hindi pala babae. Pero ayos na din,maganda boses nya,masarap pakinggan.

Waaahhhh! Anong nangyayari sa akin? Mukhang naengkanto ako ng isang yon ah? Naku! Hindi pwede yon! Baka mapatay ako nina Mom at Dad! Ako na lang ang pag asa nilang magpadami ng lahing Fuentebella!

"May problema ka ba Argel?" pukaw sa akin ni Dad,kaya napalingon ako sa kanya.

"Po? Wala po" magalang kong sagot.

"Kanina ka pa nakatulala at hindi mo pa nagagalaw ang pagkain mo" sabi ni Dad. Napatingin ako sa plato. Oo nga! Ano ba nangyayari sa akin?

"Oh baka may nabuntis Dad" singit ni Mom. Literal na nanlaki ang mata ko at sumagot ako.

"Hindi po! Wala pa yan sa isip ko!"

"Hahaha! Im just joking honey, ituloy mo na ang pagkain" sabi ni Mom at nakitawa lang si Dad.

Hindi ko alam kung bakit may sometimes din minsan parents ko, pero masaya ako na ganyan sila kakwela. Kahit papano bumabalik na kami sa dati. Mula kasi ng mamatay si kuya Gelo parang pati kami namatay.

Ng matapos kumain ay umakyat na ako sa room ko. Naalala ko si Kuya,namimiss ko na sya. Ganon ba yon talaga? Pag mabaet kinukuha agad? Napaka mapagmahal pa naman ni kuya kaya mahal ko din yon eh. Wala na ako kaasaran at kalaro ng Xbox. Hayst kuya kasi eh,bakit ang aga mo kami iniwan?

Pati si Kuya Yuri iniwan mo din. Kaya lang,hindi ka nya maalala,maging kami din hindi nya maalala.

Sayang yung love story nyo kuya.

Out of the blue ay bigla pumasok sa isip ko yung mukha nung tinawag kong lola.

Waaaaahhhh! Grabe! Nastakap na sya sa isip ko! >_

AN ~ Try ko ulit mag Update maya :) wala naman ako masyadong ginagawa eh =)

CHANCES (Inlove with you Book 3) ~COMPLETED~Kde žijí příběhy. Začni objevovat