kawaii 39 ~ Friends and Foe?

6.5K 171 6
                                    

Yuweh's POV

1 week na din ang nakakalipas since first day of school,nakakatuwa nga na close na kaming lahat magkaka klase,walang exemption. Maliban sa Jafu na yan! Araw araw na ginawa ng Diyos lagi kami nagbabangayan! Akala nya siguro porket sirena ako eh tatantanan ko sya! Duh?! Matapang na ako ngayon. I guess? Sinong hindi tatapang at lalakas sa dami ng pinagdaanan ko diba?

Nagkaroon ako ng tropa sa loob ng room,sila mga kasama ko pag hindi ko kasama ang grupo nina Argel kung may time na hindi nagtutugma ang schedule namin ng sinasadya.

Sila ay sina Zeejau Jauhari na kalahi ko. Naramdaman ko yon nung 2nd day of class,parang lukso ng dugo? Haha! We always called him Zee :)

Si Aiyan Termulo,gwapo,mabait,musically inclined ang loko,maganda ang boses,naaalala ko sa kanya si Kymn :/

And last si Umi Montalban,maganda,sophisticated ang dating,pero kwela,itanong nyo sa kulay marine blue nyang buhok! Ewan sa gagang yan,anime fanatic,cosplayer din, may lahi din ata japanese,hindi nakakapagtaka sa buhok nya haha!

Silang tatlo ang mga new found friends ko. Naintroduce ko na sila kina Argel,Shin,khai at Oreo at nagkapalagayan naman sila ng loob ^_^

"Tara na teh! Baka naghihintay na Prinsipe mo sa canteen" aya ni Zee sa akin matapos ko ayusin gamit ko.

"Bakit ba parang nagmamadali ka naman? Makakapag intay naman yon si Argel sa akin" sagot ko.

"Eh kasi naman Yuweh,type nya si Argel mo" singit ni Umi saka tumawa.

O_O

"Hoy bruha! Hindi totoo yan! Baliw ka! Tapyasin ko anit mo eh!" agad na react ni Zee,na ikinatawa ko din.

"Joke lang^o^V" - Umi

"Kayo talaga,tara na nga" nakangiting yaya sa amin ni Aiyan at lumabas na kami ng room, kasabay pala namin ang monster na si Jafu sa paglalakad.

"Psh! Prinsipe! Korny" mahinang sabi ni Jafu pero sapat na para marinig namin. Pinalampas ko na lng muna dahil medyo nasasanay na din ako sa kakaganyan nya. Malay nyo pag nagtagal wala na din epekto sa akin ang pang iinis nya diba?

"Jellyfish ka na naman" sabi ni Zee dito. Jellyfish? Sabagay mukhang jellyfish si Jafu pwahaha ^___^

"Sus,hindi na oy!" sagot ni Jafu at inunahan kami sa paglalakad.

Problema nun?

"Zee tama ka,mukha syang jellyfish" naka ngiti kong sabi sa kanila.

"Gaga! Hindi iyon ibig kong sabihin! Shunga neto" sagot sa akin ni Zee.

"Ha? Eh ano?" natanga kong sabi. Ang labo naman neto ni Zee.

Tawa lang ang isinagot nilang tatlo sakin. Mga impakto lang talaga.

Pagkapasok sa canteen ay kita agad namin sina Argel at ang saya nilang apat na nagtatawanan.

Teka? Sino yung katabi ni Argel na magandang babae? Na kung makatawa eh may pahampas hampas pa sa braso ni Argel? Eh kung sya kaya hampasin ko? Pero wag,kase hindi ko yon kaya. Mabaet kaya ako :)

Agad muna kaming pumila para makabili ng pagkain. Ng makabili ay lumapit na kami sa pwesto nina Argel.

"Oh,nandito na pala kayo" pansing bati samin ni Shin. Dahil yung babae ang katabi ni Argel ay sa tabi kami ni Aiyan nina Shin at Oreo umupo,bale kaharap namin si Argel,Khai,Zee,Umi at pati yung babae.

"Guys, sya nga pala si Hera Tuazon,ang newly elected muse ng class namin, Hera meet our friends Yuweh,Zee,Umi and Aiyan,magkakaklase sila,HRM students" pakilala samin ni Oreo.

CHANCES (Inlove with you Book 3) ~COMPLETED~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon