kawaii 46 ~ Pain in my heart

5.7K 164 4
                                    

Yuweh's POV

Habang lumilipas ang araw madami akong napapansin na pagbabago. Pero dahil nga hindi naman ako palakibo ay kinikimkim ko na lang ito sa aking sarili.

1 week na din ang nakakalipas mula ng iconfine si Venn,umuwi na ulit dito ang parents nya,they were really shocked ng makita si Venn. Ako naman pag may time ay hindi pwedeng hindi sya puntahan sa ospital. Tulad ng usapan walang alam si Argel at ang tropa patungkol sa kalagayan ni Venn.

Mula ng tumawag si Hera kay Argel nagiging madalas na lalo ang pagsasama nila hindi bilang magkaklase lamang. Ayaw ko man magselos pero yun ang nararamdaman ko.

Pag sa school ay halos hindi na kami magkita,sa bahay naman ay minsan lang sya matulog,at pag may mahaba naman syang time para mas makasama sana ako ay umaalis naman sya. Dahil mahal na mahal ko sya,at maunawain akong asawa,hindi ako nagtanong, malay natin sa kanila sya pumupunta para alagaan ang triplets. Ayaw ko talaga sana mag conclude ng kung anu-ano pero hindi ko maiwasan.

Araw ng Biyernes,nagpasya akong puntahan sya sa klase nya,pero dahil nahihiya nga ako magpunta mag isa dun ay naghanap ako ng makakasama.

Pero sa malas,wala yung tatlo! (Umi,Zee,Aiyan). San kaya nagpunta mga yon? Palabas nko ng Department namin at itetext sana sina Usagi at Kakyuu para sila na lang ang sasama sa akin ng makita ko si Jafu.

"Jafu!" agad kong tawag,lumapit naman sya na nakangiti.

"San punta Yuweh? May 1hour break tayo" sabi nya.

"Yun na nga eh,magpapasama sana ako sa tatlo kaso hindi ko sila makita,nakita mo ba sila?"

"Hindi din,hinahanap ko nga din sila,san ka ba magpapasama? Ako na lang sasama"

"Sigurado ka? Baka maabala ka?"

"Oo naman noh,saka kahit kailan hindi ka naging abala sa akin" nakangiti pang sabi ni Jafu.

"Ows? O sya tara,samahan mo ako sa EE Department!" sabi ko at hinila sya.

Hindi pa kame nakakalapit sa room dahil pagdaan namin sa may CR sa tabi ng hagdan may nadinig kaming nag uusap na sadyang ikinakuha ng atensyon ko.

"Bro nasan si Argel?" alam kong boses yon ng pinsan ko,si Shin. Nagtago kami ni Jafu sa isang gilid . Alam ko nagtataka na tong si Jafu sa ikinikilos ko.

"Nakina Hera eh" boses ni Khai ang sumagot.

"Anong ginagawa nya kina Hera?" si Shin ulit yun. Si Jafu naman ay nagtatakang napatingin sa kanya.

"Nag start ang lahat sa pagsabi ni Hera sa Dad nya na may partner sya sa dadating na Acquaintance,boyfriend daw nya,at si Argel daw yon,hindi naman makatanggi ang kaibigan natin kasi bawal ma stress at dissapoint si Hera,may sakit daw sa puso,kaya ayun, mag boyfriend girlfriend na sila at pinakilala na ni Hera si Argel sa Dad nya kahapon" sabi ni Khai

"Ano? Tang ina naman! Pano ang pinsan ko pag nalaman nya yan? Anong kagaguhan ba pumasok sa isip ni Argel?" bulyaw ni Shin sa mga kausap.

"Hindi ko alam dude! Huwag ka sakin magalit!! Wala na tayo magagawa,ang gusto pa ng Dad ni Hera eh sila na magkatuluyan at lagi dapat daw sila magkasama para mabantayan si Hera" sagot ni Khai.

"Shit naman!" usal ni Shin.

"Ooopps kalma lang kayong dalawa, huwag kayo mag sigawan dito baka may makarinig" awat ni Oreo sa mga ito.

"Pano si Yuweh? Hihiwalayan nya para kay Hera?" dinig ko pang sabi ni Shin.

Nanginig ako,nanlambot,at parang kumikirot na naman ang dibdib ko kaya napaupo ako. Hindi ko kinaya mga narinig ko. Niloloko lang ba ako ni Argel? Akala ko ba mahal nya ako? Ang sakit sobra,bakit ngayon pa?

Hindi ko na napigilan ang pag iyak ko kaya lalo naninikip at kumirot ang dibdib ko.

"Yuweh? God! Okay ka lang? Nasan ang gamot mo?!" tarantang sabi ni Jafu habang nakasandal ako sa kanya at ipinapaypay nya ang kamay sa akin na para bang makakaginhawa iyon sa nararamdaman ko. May mga nagsilapitan na ding mga estudyante.

"Dadalhin kita sa clinic" agad akong binuhat ni Jafu,nakita ko pang lumabas ng CR sina Shin,Khai at Oreo,alam kong napansin nila kami ni Jafu.

Malalaki ang hakbang ni Jafu habang buhat ako,nagtitinginan na ang bawat makasalubong namin pati ang mga estudyante sa paligid.

"Oh my God! Jafu! Inatake na naman sya?!" napatingin ako,si Umi pala kasama si Zee at Aiyan.

"Oo,please,get his medicine,dadalhin ko na sya sa clinic" sagot ni Jafu at patuloy na naglakad habang buhat pa din ako. Pakiramdam ko parang iniipit ang mga ugat sa puso ko,sobrang sakit talaga. Pero mas masakit pa din ang katotohanang may iba pala ang asawa ko. Masyado ako naging kampante sa relasyon namin,nakalimutan kong may mga ganitong pagkakataon ang darating. Na sa babae pa din ang bagsak nya.

"Meron akong gamot nya" pagkuway sagot ni Umi. Nadala nila ako sa clinic. Pinainom sa akin ang gamot,at pagkatapos nun nakaramdam ako ng pagod at antok kaya pumikit muna ako.

Sana pag gising ko,wala na yung sakit. Literally and emotionally. Kaya lang pagkagising ko,ganun pa din ang mangyayari. Kung nakapag desisyon na si Argel without informing me,magdedisisyon na din siguro ako.

Kaysa naman patagalin ko pa,pareho lang kaming mahihirapan at in the end ay baka magkasakitan pa.

AN ~ Musta po? Maikli? May writers block ako eh xD Bawi ako sa mga susunod na UD.

Try ko din maglagay ng pics ng mga new characters :)

CHANCES (Inlove with you Book 3) ~COMPLETED~Where stories live. Discover now