kawaii 38 ~ Jafu d' Monster!

5.9K 176 5
                                    

Yuweh's POV

JAFU?! Ang panget naman ng pangalan nya! Bagay sa kanya! Kasing panget ng ugali nya! èé.)

Magsasalita na dapat ako ng pumasok ang kauna unahang prof namin. Nako save by the bell pa tong Jafu na to!

Tiningnan ko ang prof namin,may edad na,siguro nasa 40 na edad,mataba,mukhang masungit. In short nakakatakot.

"Okay class,I will be your prof in physics" masungit na sabi nito. Napalunok ako ng laway,nakalimutan ko na tuloy ang inis ko sa katabi ko. Tumalikod ang prof at nagsulat sa white board.

Miss Prudencia B. Magaan

MAGAAN? Wow ha? Hindi halata sa katawan nya? Nadinig kong naghagikgikan ang iba sa mga classmates ko,ng biglang humarap si Ms.Magaan na nanlilisik ang mga mata natigilan sila.

Jusme! Dapat hindi nag prof to eh! Nakakatakot >_

"Ayoko ng tamad,lousy at maingay sa klase ko okay?! Now get a 1/4 sheet of paper,write your fullname,address,birthday and section and pass it forward! Double time!" singhal nito samin. Lahat kami nataranta at nagmamadaling ginawa ang pinapagawa nya.

Ng lahat makapag pasa na ay inisa isa nya ang pag roll call para magpakilala daw sa harap. Usually sanay naman ako sa ganun,pero knowing na habang nagpapakilala ka ay tinitingnan ka ng prof na to talaga nenerbyusin ka. Ang iba pa nga naming classmate nauutal pa,ganon sya nakakatakot. Parang leon na bigla ka na lang dadambahin at lalapain >_

"Jan Faustine Isidro" sabi nito. Agad tumayo ang katabi ko na parang hindi mo mababakasan ng pagkatakot. Ang mga babae ko namang classmates parang kinikilig pa at nagkikislapan ang mga matang sinundan ng tingin ang impakto habang papunta sa harapan.

"Im Jan Faustine Isidro, 18 years old,you can call me Jafu for short,thats all" sabi nito at agad na bumalik sa tabi ko.

Pano nya nagawang hindi nerbyusin? Nako,baka kamag anak nya si Ms.Mabigat este Ms.Magaan kaya kampante sya? Hmmm pwede rin.

"Yue Tomoe" shiteng malagkit! Thats me! Ako yon! Waahh!

Nanginginig ang kalamnang tumayo ako at pumunta sa harapan,ang mga classmates ko titig na titig sa akin.

What? Ngayon lang ba sila nakakita ng half half? Half pinoy,half japanese?

"Good morning maam,classmates,Im Yue Tomoe,17 years old,uhm tawagin nyo na lang po akong Yuweh,thats all,arigato gusaimasu" sabi ko then nag bow. Aalis na sana ako ng pigilan ako ni Maam.

"Bakit po?" takot kong sabi. Tae,may nasabi ba akong mali? Pakiramdam ko nagbubuo buo na mga pawis ko sa noo. Ayaw ko talaga ng ganito na parang ineinterogate. Nakakailang kaya!

"Hindi ka naman siguro related sa Prime Minister ng Japan hindi ba?" mataray nitong sabi. Anong sasabihin ko? Ayaw ko naman magsinungaling,balak ko pa naman magpaka low profile dito tulad ng hindi ko pa nalalaman na apo ako ng Prime Minister.

"Uhm,actually po Maam,isa po ako sa dalawang apo ng Prime Minister, at yung isa ay pinsan ko na si Shinyuri Natsume na isang EE student rin dito" magalang at kinakabahan kong sagot.

Nagbulungan naman mga classmates ko. Ba? Parang wala ako dito kung makapag palitan sila ng kuro kuro nila ah? =__=

"O-okay,you may take your sit" sabi ni Maam,at para akong nabunutan ng tinik at bumalik sa upuan ko. Titig na titig naman sa akin ang mokong na si Jafu.

"Tinitingin tingin mo dyan? Dont you know its rude staring at others?" mataray kong sabi ng makaupo habang si Maam ay patuloy sa pag ro-roll call.

"Im just wondering,pano natanggap ng Prime Minister ng Japan na may apo syang bading?" nakangisi at nang uuyam pa nitong sagot sa akin na talagang nagpakulo ng dugo ko!

Aaarrrgggghhh! Bwiseeet!

Sa sobrang inis at dahil wala din akong masabi ay hinampas ko ng malakas ang likod nya!

"Aray!!" pasigaw nyang sabi "Masakit yon ah? Gusto mong saktan din kita?" galit na sabi nito.

"Kulang pa yan! Impakto ka!!" inis kong sabi. Nakakagigil talaga! Mamaya din lilipat na ako ng upuan!

"Tomoe,Isidro! Anong kaguluhan yan?" sabi ni Maam.

Pareho naman kaming sumagot ng "Wala po".

Nagpatuloy pa ang araw,panay pakilala lang naman ang mga prof at kami. Sana magbreak na,gusto ko na makita si Argel ^_^ na stress talaga ako sa demonyitong Jafu na to!

Nag mag ring na ang bell na hudyat na ng break ay inayos ko muna ang gamit ko,ng lumapit si Jafu.

"Hindi pa tayo tapos multong bakla" banta nya sa akin saka lumabas, sinundan naman sya ng mga kaklase kong babae.

Ano daw? Multong bakla? The nerve!

Maya maya nakarinig ako ng tilian sa labas ng class room,paglingon ko,sina Argel pala.

Wow ah? Instant heartrob ang apat XD

Agad na akong lumabas para lapitan sila. Tae tong mga classmates ko talagang pinaplibutan ang apat,hindi tuloy ako makalapit.

"Mahal ko!" sigaw ni Argel >_

Agad syang lumapit sa akin,hinalikan ako sa lips sabay akbay.

Automatic na lumanding sa akin ang tingin ng lahat.

"Tara na,gutom na ako" yaya ni Oreo at naglakad na nga kami pababa sa building. Nadaanan pa namin si Jafu na pinagkakaguluhan din ng mga girls,ang apat na kasama ko naman ay pinagtitingan.

Kelan kaya ako makakatakas sa mga ganito? Baka manganib na naman buhay ko dahil dito,

AN ~ Pasensya na po,medyo natagalan, may ubo at sipon kase ako T.T

Thanks po sa Likes,Votes and Comments! God Bless you all =)

CHANCES (Inlove with you Book 3) ~COMPLETED~Where stories live. Discover now