Prologue

3 0 0
                                    

Nanatili siyang nakasandal sa pader at sinuri ng tingin ang hawak niyang baril. Nakakakilabot ang blangkong ekspresyon ng mapanlinlang niyang mukha.

"Sinungaling! Hindi mo ako maloloko!" Bulyaw ko sa kanya. Nanginginig sa galit ang nakuyom kong mga kamay. Kanina pa ako nanggigigil na sapakin siya. Pilit kong inaalis ang kadenang nakagapos sa kamay ko pero masyado itong mahigpit at wala akong sapat na lakas para tanggalin ito.

Naninigas na rin ang mga binti kong nakalapat sa sahig dahil sa lamig ng cemento.

Hindi ako naniniwala sa mga sinasabi niya. Nag-iimbento lamang siya ng kwento. Isa pa nagkatugma-tugma lahat ng sinasabi ni Fiona sa mga ebidensya na nahanap ko.

Malinaw na tinuturo ng ebidensya, na siya ang pumatay sa kuya ko!

"Bakit? Sa tingin mo ba katotohan lahat ng sinasabi niya sayo?"

"At sinisiraan mo talaga ang sarili mong kapatid."

"Hindi ko siya kapatid!!" Naistatwa ako ng marinig ang nakakatakot niyang sigaw.

Dahan-dahan siyang humakbang papalapit sa akin. Pumwesto siya sa harap ko at umupo sa sahig para magpantay ang aming paningin.

"Bwesit ka! Murderer!" gigil kong bulyaw sa kanya. Matapang ko parin siyang hinarap kahit ramdam ko ang malamig na pawis na dumadaloy sa gilid ng noo ko.

Parang gusto ko na lang matunaw sa harapan niya.

"Dalawa lang tayo dito, hindi ka ba natatakot sa possible kong gawin sayo?" lumakas ang tibok ng puso ko. Pwersa niyang inangat ang ilalim ng baba ko gamit ang dulo ng hawak niyang baril.

Umurong ang dila ko ng masilayan ang malademonyo niyang ngiti. Ramdam ko ang pamumutla ko habang tinititigan niya ako ng agresibo niyang tingin.

"Kinakabahan ka ba?" nakakaakit niyang tanong pero nanginginig parin ako sa takot. "Ang cute mo. Hindi ko tuloy mapigilan ang sarili ko." Sinubukan niya pang bigyan ako ng matamis na ngiti.

Ibinaba niya sa sahig ang hawak niyang baril.

Palihim akong gumalaw para abutin ito pero natigilan ako ng sinakop ng mainit niyang palad ang pisngi ko. Kagat-labi siyang tumitig sa akin ng may malagkit at puno ng pagnanasa na mga tingin.

Hindi ko maiwasang mapalunok hanggang hindi ko na natanggihan ang pagsakop ng malambot niyang labi sa bibig ko.

Napapikit ako ng matikman ang lambot ng labi niya.

Umakyat ang init sa buong katawan ko habang papusok ng papusok ang halik na binibigay niya sa akin.

Bumilis ang kabog ng puso ko. Hindi ko alam kong kinakabahan pa ba ako o hindi na.

Gusto ko siyang itulak, sampalin at patayin pero bakit hindi ko maiwasang tumugon sa halik niya?

Marahan niyang kinakagat at nilalaro ang dila at labi ko. Palalim ng palalim at parang nasasabik na ako sa halik niya.

Hindi pwede to! Kailangan kong pigilan ang sarili ko!

Siya ang pumatay sa kuya ko!

Tumigil siya ng biglang dinistansya ko ang mukha ko sa kanya.

"Maikli lang ang pasensya ko. Pasalamat ka at nakontrol ko pa ang sarili ko. But next time, hindi na kita palalampasin." marahan niyang hinawi ang buhok na nakaharang sa mukha ko.
"Don't make me pissed, okey?" malumanay niyang sambit. Nagulat ako ng bigla niya akong hinalikan sa noo.

Dinampot niya ang baril bago tumayo. Binigyan niya ako ng matamis na ngiti bago siya umalis ng silid.

Napahawak na lang ako sa dibdib ko at kinalma ang sarili ko. Hindi ako makapaniwala sa nangyari.

Bakit hindi ako lumaban?

Bakit hinayaan ko siyang gawin 'yon!?

City Renegades (Revenge)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant