45

2.7K 36 4
                                    

Chapter 45

Nagising ako na wala na ang mga anak ko sa kwartong natulugan ko. Nakatulog kasi ako sa kwarto ni Dr. Laurent dahil dinala niya ang mga bata dito kanina at niyaya niyang maglaro. Hindi naman tumanggi ang mga bata dahil gustong-gusto sa mga laro. Nagpakita ba naman ng mga laruan kaya sino ang hindi tatanggi doon?

Syempre, wala. Inuto niya anak niya, eh. Ako naman ay hinila ng mga anak ko kaya napasunod ako sa kanila. Wala na akong nagawa ng hilain nila ako. Pero nagising na lang akong wala na sila dito. Hindi ko din namalayan na nakatulog pala ako sa kama niya. Kung saan may nangyari sa amin… noon ng ipakilala niya ako sa magulang niya… dati.

Napatingin ako sa bintana at natanaw kong gabi na. Kaya pala madilim na. Ang haba naman yata ng tulog ko kung ganun. Bumangon na ako sa kama 'tsaka inayos iyon. Lumabas na ako para hanapin ang mga anak ko.

Kumunot lang ang noo ko ng mapansing ang tahimik na ng bahay. Bakit anong oras na ba? Bakit parang mga tulog na ang mga taong nandito?

"Ahm, miss," tawag ko sa isang katulong na nakita ko habang pababa ako ng hagdan. "Nakita mo ba 'yung mga bata? 'Yung mga anak ko."

Agad itong umiling. "Naku po, Ma'am. Hindi po."

Tumango ako. "Ganun ba? Sige, salamat."

Hindi ko na hinintay pang magsalita ito at nagdiretso na ako ulit sa paglalakad. Nasaan naman kaya sila? Bakit ba kasi hindi nila ako ginising? At bakit din kasi ako nakatulog?

Pumunta ako sa kusina dahil nagbabakasakali akong nandoon sila pero bigo ako. Wala sila sa sala at kusina kaya nasaan sila? Wala akong ibang mapagtanungan dahil wala akong makitang naglilibot na katulong. Pinakiramdaman ko ang sarili ko.

Hindi naman ako kinakabahan kaya panatag akong hindi niya ilalayo ang mga bata sa akin. Subukan niya lang ilayo sa akin at mayayari siya sa akin. Ako ang naghirap ng siyam na buwan tapos ilalayo niya sa akin? Hindi ako doon makakapayag. Alukin pa niya ako ng malaking halagang pera ay hindi ako papayag. 'Tsaka maayos naman ang pag-uusap namin ng Mama niya kaya panatag talaga ako.

Hindi ko ipagpapalit ang mahal ko sa buhay ng pera. For me, family is more important than money.

Palabas na sana ako sa bahay ng marinig ko ang pagsigaw ng anak kong lalaki na para bang hinahanap ako at natataranta.

"Mama! Mama! Mama!"

"M-Maoe," anas ko. Nang makita niya ako ay agad niyang hinawakan ang kamay ko at hinihila ako palabas ng bahay.

"M-Mama, l-let's go po," anas niya.

"Nasaan ang kapatid mo? Nasaan si Mara?" tanong ko dahil hindi ko makita ang anak kong babae. Hindi niya kasama.

"S-Si Mara po Mama nahulog sa s-swimming pool! H-Hinahanap ko po si Papa k-kaso hi—"

Hindi ko na narinig pa ang sumunod na sinabi ng anak kong lalaki dahil agad akong tumakbo palabas ng bahay. Grabe ang kabang nararamdaman ko ngayon dahil sa sinabi ng anak ko. Kapag may nangyaring masama kay Mara ay hindi ko mapapatawad ang sarili ko.

Kasalanan ko. Nakatulog kasi ako at hindi binantayan ang mga bata.

"M-Mar—"

Pero hindi natapos ang sasabihin ko at natigilan ako. Umawang ang aking bibig. Hindi ko alam kung para sa akin ba iyong nakikita ko ngayon o hindi? Ayaw kong mag-assume.

Sa likod ng bahay nila ako dumiretso dahil nandito ang swimming pool at ililigtas ko sana ang anak ko kaso iba naman ang nakita ko. Dahil isang proposal ang nakita ko dito at hindi ang anak ko. Ang simple lang niya pero for me ay nagustuhan ko ng sobra kung ako ang tatanungin. Because I like simple things.

10 Tips For Healing Your Broken Heart Where stories live. Discover now