33

1.9K 37 1
                                    

Chapter 33

"Anong oras ka makakauwi?"

"I don't know," sagot ko kay Kinzley.

Kakatingin ko lang sa cellphone ko dahil tinignan ko ang schedule ko pero kaagad ko ding pinatay dahil sumakit ang mata ko sa dami kong gagawin. Like the h*ck! Parang gusto ko na lang ulit matulog na lang dahil kulang tulog ko.

At kasalanan iyon ng lalaki kahapon! Bw*sit 'yun! Bakit kasi pinakilala pa sa akin ni Dr. Lens? At bakit ba siya nandito? Bakit sa dinami-dami ng magiging visitors namin dito ay isa pa siya doon?

"Sungit mo, meron ka 'no?"

Inirapan ko siya. Walang panahon na sabayan ang mga kalokohan niya dahil naiinis ako na ewan.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko. May parte sa akin na natutuwang makita siya pero may parte sa akin na para bang hindi natutuwang nandito siya at nakikita ko.

Hindi ko na talaga alam. Ang gulo-gulo. Sobra.

"Ayos ka lang?" tanong pa nito.

"I don't know," maikling sagot ko.

"Wala ka na bang ibang isasagot sa mga anak ko mundi puro sa I don't know?" Tinignan ako nito na para bang nababanas.

"Eh, what do you want me to answer to your question if I'm okay? Even if it's not and I don't understand myself, okay?"

"Why?"

Nagsalubong lalo ang kilay ko sa tanong niya. Kailangan ba may dahilan? Ano 'to interview?

"I don't know," I said.

"I don't know about you either!" she shouted so we stole the attention of other people.

Kasama ko si Kinzley sa gagawin kong operasyon ngayon kaya magkasama kami ngayong dalawa. Hindi ko nga lang maintindihan ang topic naming dalawa.

"But what can you say to our visitors? What do you think of them?"

Hindi ko pinansin ang tanong ni Kinzley matapos ang ipakilala sa amin lahat na mga doctors at nurses sa ni Dr. Lens ang mga visitors niya dito sa ospital niya. Basta ang nasa isip ko ay ang pinag-meeting-an namin kahapon sa school ng mga anak ko.

Ang pinaka-main topic kasi namin ay about sa family day. Gustong pumunta ng mga anak ko kaso kulang naman kami. Wala silang Papa, Mama lang ang meron.

Pero habang pinapakilala ni Dr. Lens ang mga visitors niya dito ay hindi ko maiwasan na mapakali kanina lalo na't nang-aasar ang mga tingin ni Kinzley sa akin. Sinusundot-sundot pa nga nito ang tagiliran ko. Hindi ko naman alam na kasama pala siya sa mga magiging visitors namin dito sa ospital na ito.

Halos wala namang nagbago sa kaniya simula ng huli ko siyang makita. Hindi ko nga din alam na nakabalik na pala siya dito sa Manila.

"Hoy!"

"H-Ha?" Naagaw ni Kinzley ang atensyon ko dahil sa pagsigaw niya.

"I'm asking you but it's like I'm talking to the wind," she said and tormented me.

"Hey, what's your question? Sorry, huh? I'm thinking about the family day that my children want to experience because they didn't experience it last year."

Nagsalubong ang kilay ni Kinzley dahil sa sinabi ko at tiningnan ako na para bang maliit lang ang problemang iniisip ko. Pero dahil single mom ako ay isang malaking problema 'yon para sa akin.

"Just that?"

"Yes," I answered.

"Eh, then your problem is solved."

10 Tips For Healing Your Broken Heart Where stories live. Discover now