02

2.9K 52 5
                                    

“Miss, si Marvin Laurent ang tinutukoy ko at hindi ‘yung kapatid niya,” saad ko. Alam ko kasing lalaki din ang kapatid ng boyfriend ko dahil sinabi na ‘yon ni Marvin sa akin dati.

“Ma’am, hindi po. Si Sir Marvin po ang tinutukoy ko at hindi po si Sir Martin. ‘Tsaka po wala na po dito si Sir Marvin kung siya po ang hinahanap niyo nakauwi na po siya kasama ang girlfriend niya po.”

Gusto kong matawa sa sinabi ng babae. Baka nagkakamali lang siya dahil ako ‘yung girlfriend ni Marvin. Kakabalik ko pa nga lang dito sa Pilipinas, eh. Kaya imposibleng pumunta ako dito ng isang araw.

At dahil sa sinabi ng babae ay nagkakaroon na ako ng pagdududa kay Marvin pero pilit kong inaalis sa isipan ko ‘yon. Baka naman binibiro ako nito? Hindi magagawa ‘yun ni Marvin sa akin. Hindi siya gano’n dahil mahal niya ako.

Mahal ako ng boyfriend ko.

Ngumiti ako sa babae. “Sige, aalis na ako. S-Salamat na lang.”

Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin ng babae dahil nagmamadali akong umalis. Pupuntahan ko na lang si Marvn sa condo niya tutal ay alam ko ‘yon. Habang tumatakbo ako ay hinahagilap ko ang aking cellphone. Nagbabakasali na nag-chat na sa akin si Marvin.

P*tek! Sa hindi ko malaman na kadahilanan ay bigla na lang tumulo ang aking luha. Sh*t! Don’t cry, Savvy! Nagkakamali lang ang babaeng ‘yon. ‘Tsaka hindi ka pa naman sigurado na totoo nga ba ang sinasabi no’n o hindi.

Tumango-tango ako naisip ko. Tama-tama! Nagkakamali lang ang babaeng ‘yon! Hindi magagawa sa akin ni Marvin ‘yon dahil mahal niya ako. Mahal na mahal!

Sa pagmamadali ko ay hindi ko napansin na may mabubunggo pala ako kaya sa lakas ng magkakabungguan namin ay napaupo ako sa sahig at kasabay no’n ay ang pagsabog ng mga papel sa sahig din. Nabitawan ko din ang cellphone ko dahilan para mabasag ‘yon.

“F*ck!” rinig kong mura ng nabunggo ko.

Boses pa lang ay alam kong lalaki ang nabunggo ko. “P-Pasensya na. H-Hindi ko sinasadya. N-Nagmamadali k-kasi ako.”

Tinulungan ko siyang pulutin ang mga papel na nagkalat sa sahig. Habang tumutulo ang mga luha ko sa aking mata. Lumalabo na din ang paningin ko. Dapat nga hindi ako umiiyak dahil hindi pa naman ako sigurado pero dahil sa sinabi ng babaeng iyon ay nasasaktan na ako.

Hindi ko alam kung trip niya lang ba ‘yon or talagang totoo?

“H-Heto, oh,” anas ko at inabot ang mga papel na napulot habang pinupunasan ang luha kong patuloy sa pag-agos. Huli kong pinulot ay ang aking cellphone.

Ang mga laman din ng shoulder bag ko ay nagkalat din sa sahig. Pinulot ko ‘yon ng mabilis at agad na tinalikuran ang lalaking naunggo ko dahil gusto kong pumunta agad sa condo ni Marvin at patunayan na hindi totoo ang sinasabi ng babaeng ‘yon. Dahil ako lang ang girlfriend ni Marvin at wala ng iba!

Nang makratinga ko sa building kung saan ang condo ni Marvin ay mabilis akong nagbayad. Kilala naman ako ng guard kaya pinapasok ako agad dahil dati pa man ay pumupunta na ako dito.

Mabigat ang dibdib ko habang pinindot ang 9th floor ng elevator. Hindi ko na mabuhay ang cellphone ko dahil nasira siya ng nabagsak. Mas lalong bumigat ang nararamdaman ko ng naglalakad na ako papunta sa pinaka unit ni Marvin.

Walang pinagbago dito dahil kung anong itsura ng umalis ako at ganon na ganon pa rin ang itsura. Maganda pa rin at haltang mga may kaya lang sa buhay ang mga nakatira dito. Napalunok ako ng dahan-dahan kong ilagay ang password ng unit niya para makapasok ako.

Nakahinga ako ng medyo ng mabuksan ko ang pinto. Hindi niya binago ang password niya. Dahan-dahan akong pumasok sa loob. May hawak akong isang box ng cake na binili ko bago ako umalis ng bahay kanina. Dahil ng anniversary namin ngayon ay bumili ako nito para i-celebrate naming dalawa.

10 Tips For Healing Your Broken Heart Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora