24

2.2K 47 2
                                    

Chapter 24

"Bakit ka absent kahapon?"

Mapanuring tanong kaibigan kong si Samira. Kanina pa sila ganyan na makatingin sa akin pero ni isa ay hindi ko sinagot. Dahil hindi ko din naman ang dapat kong sabihin. Breaktime namin at isang himala na nagkasabay-sabay kami ng free time namin.

"Hindi ba't sinabi ko naman sa inyo na masama ang pakiramdam ko?" anas ko. Hindi ko alam kung ilang beses ko ng sinabi 'yon sa kanila pero panay pa rin sila tanong.

"Masama ang pakiramdam? Bakit?" tanong naman ni Alora.

Napa-face palm na lamang ako dahil sa mga binabato nilang tanong. Hinila ba nila ako dito para lang batuhin ng mga tanong nilang para bang may laman at ibig sabihin na hindi ko matukoy kung ano.

"Dapat ba may dahilan kapag sumama ang pakiramdam ng isang tao?" tanong ko sa kanila at sabay-sabay naman silang tumango sa akin.

Oh my teh! Ano ba ang pinupunto nila? Pumasok lang talaga ako sa work koo dahil ayaw ko ng maging dalawa ang absent ko at hindi din kasi ako sanay na lumiban kapag may pasok. Na sanay ako na kapag may pasok ay talagang papasok ako at wala akong pakialam kung masama amn ang pakiramdam ko na papasok ako. Kahapoon lang talaga ako hidni nakapasok dahil sobrang sama ang pakiramdam ko.

Ngayon lang bumuti ang kalagayan ko. Mabuti na lang talaga at medyo maayos na ang paglalakad ko. Akala ko talaga ay hindi na ako makakapaglakad pa dahil sobrang sakit ng pagitan ko. Ayaw pa din akong papasukin ni Dr. Laurent pero dahil matigas ang ulo ko ay hindi ako nakinig.

“Oo, kaya bakit? Kasi sabi naman ni Tita ay maayos ka naman daw ng umalis ka sa bahay niyo ng isang araw pero ng maghapon daw kayo gumala ni Dr. Laurent at hindi umuwi ay kinabukasan may sakit ka na,” anas ni Kinzley.

“A-Ano kasi…” Napakamot ako sa aking ulo.

Bakit pakiramdam ko ay meron silang alam? Pero ayaw lang nila sabihin ng diretso dahil gusto nila ay manggaling talaga sa akin. Dapat ko bang sabihin? Or dapat kong i-secret na lang? Tutal ay bastos ‘yon at hindi na dapat pang isalaysay.

“Kasiii?” tanong ni Chloe.

Napangisi ako ng naalala kong nahulog kami sa pool. Tamang-tama at ‘yon ang topic ng kabilang lamesa. “Kasi nahulog kami sa pool kagabi ni Dr. Laurent ng inaagaw niya ang cellphone ko.”

“Bakit niya inaagaw ang cellphone mo sayo?” Tumaas ang kilay ni Danilyn.

“Kasi vini-video-han ko siya kaso ayaw niyang kuhaan ko siya no’n kaya inaagaw niya ang cellphone ko.” Napatango-tango sila pero halatang hindi pa rin sang-ayon.

“At bukod sa pinakilala ka niya sa parents niya. Ano pang nangyari?” Si Maria naman ngayon ang nagtanong.

“Ano akala ko nung una hindi ako gusto ng Mommy ni Dr. Laurent dahil ang sungit nito sa akin. Pero ng tikman nito ang pinaluto sa aking spicy kaldereta ay biglang naging mabait at sinabi na pwede ko na daw asawahin ang anak nila,” nakangising anas ko.

Hanggang ngayon sa tuwing iniisip ko ang sinasabi ni Tita ay kinikilig ako. Unang compliment na natanggap ko sa magulang ng boyfriend ko.

“Pero hindi nila alam na may nakaraan kayo ng bunso nilang anak?” Umiling ako sa tanong ni Kinzley. “Paano kung malaman nila? Anong gagawin mo?”

Doon ako natigilan. Ano nga ba ang gagawin ko? Hindi ko din alam. Hindi ko alam.

“So, ‘yun na nga? Pagkatapos no’n? Ano pang nangyari?”

“W-Wala na.”

Naningkit ang tingin sa akin ni Alora. “Wala na? Bakit nauutal ka? Bakit pakiramdam namin ay meron pa?”

10 Tips For Healing Your Broken Heart | EDITINGDonde viven las historias. Descúbrelo ahora