11

2K 42 0
                                    

“WHAT'S up and you became a makata?"

"Why? Don't you want it? Hindi ba bagay?" He asked.

Kaya umiling ako at napataas ng kilay ng maalala na hindi nga pala siya pumasok ngayon. Ngayon lang kasi ako nakarinig ng makatang doktor.

Ang isang Dr. Laurent?

Ano pa ba ang kayang gawin ng isang lalaking ito?

Naging makata? Hindi ko inaasahan 'yun, ah? Hindi ko alam na marunong pala siya no'n. Ang akala ko ang mga lalaki sa panahon ngayon ay maruno lang mambola ng mga babae. Kaya nga ako na bola ng kapatid niya at nasaktan.

Nasaktan ng isang Laurent at ngayon ay masasaktan ako nito kung hindi ako titigil. Kung hindi ko siya papatigilin sa pangungulit niya. Ilang beses ko naman siyang sinungitan para tigilan ako ngunit parang balewala lang sa kaniya.

Inirapan ko siya. "You didn't go to work today. Saan ka galing?"

"Yieee! Concern siya sa akin. Na-miss niya ako," pang-aasar niya habang pinagbubuksan niya ako ng pinto. "Miss mo 'ko 'no?"

Hindi ko sinagot ang tanong niya. Kahit nakadalawang beses na niya itong inulit. Sumakay na ako sa loob ng sasakyan niya. Pagod ako kaya hindi na ako tatanggi pa sa alok niyang ihahatid niya ako sa amin.

"Kumain ka na ba?"

Umiling ako at doon ko lang naramdaman ang gutom ko. Dahil biglang tumunog ang tiyan ko.

"I guess, hindi ka pa kumain?"

"Paki mo ba?" Pagmamataray ko. Pero natawa lang siya. Sayang-saya siya kapag nagsusungit ako 'no? Hindi naman halatang ganon, 'di ba? "Ikaw ba?"

"Not yet. Where do you want to eat?" he asked while looking at something on his cellphone. I just shook my head.

"Stop your car before you use your cell phone," I said flatly. "I don't want to die early. I still want to live peacefully without thinking about problems."

"Eh, 'di sa akin ka na lang," nakangising anas niya.

“Ayaw ko nga. Dagdag ka pa sa problema ko.”

“Grabe, ganyan mo ba ako ka-miss?”

Tinignan ko siya na para bang hindi makapaniwala sa sinabi niya. Seryoso ba siya? Joke? Anong akala niya sa feelings? Laruan? Games? Na kapag na patay ay pwede ulit mag-play ng panibago?

"Nakakatawa 'yarn?"

"I'm not. Do I look like I'm joking?" he asked and stopped using his cellphone. He put it down and placed it on the middle seat between the two of us.

Napamaang ako ng makitang mamahalin din ang cellphone niyang gamit. Lahat mamahalin ang gamit niya, ah. Lahat ng gamit niya ay nakakahiyang hawakan dahil sobrang mahal.

"Do I look like a joker?"

"Bakit hindi ba?"

Muli ko siyang inirapan at binuksan ang cellphone ko para tumingin ng pwedeng kainin sa ganitong oras. Kapag kasi mga 9 na ay mga alinganin na ang mga kainan. Mga fast food na lang ang bukas? Kaso gusto ko lang kumain ng ice cream.

"Sungit mo!"

"Wala kang paki!"

“Araw-araw ka ba may regla?”

“Ang ingay mo, alam mo ba ‘yun?”

“Eh, ‘di patahimikin mo ang bibig ko,” ngumisi siya. Bahagya pa siyang ngumuso na para bang sinasabi niya na halikan ko siya para manahimik.

“Gusto mong halikan ng kamao ko iyang labi ko?”

“Bayolente ka talaga.”

“Talaga! Mas magiging bayolente ako kapag ikaw ang kaharap ko.”

10 Tips For Healing Your Broken Heart Where stories live. Discover now