39

2.3K 43 0
                                    

Yieee! Ngingiti na iyan kasi may update na si gurlxmilo hshshhs

Chapter 39

From: Dr. Laurent

Good morning! Papasok ka na?

From: Dr. Laurent

Bakit nga pala hindi ka pumasok kahapon? Day off mo?

Kumunot ang noo ko ng pagkagising ko ay mga text niya ang bumungad. Bakit may pag-good morning? May pagtanong?

Kasalanan talaga ito ni Alora, eh! Kainis talaga!

Tinignan ko ang oras at mga 5 am pa lang naman ng umaga ngayon. Buti na lang at kusa akong nagising at naunahan ko pa ang alarm clock kong tumunog. Hindi ko pinansin ang pag-text niya. Bakit ko naman sasagutin 'yon? Nag-text lang naman kami dahil sa kaibigan ko. Dahil pakana nilang lahat 'to!

Bumangon na ako sa higaan at tulog pa ang mga anak ko. Napangiti ako dahil kahit tulog sila ay sobrang cute pa din nila. Sarap nilang pagmasdan habang natutulog. Ang aamo ba naman ng mga mukha nila pero kapag nagising sila ay ang titigas ng ulo!

Palibhasa kasi nagmana sa kanilang Papa na matigas din ang ulo! Kahit pinagsasabihan dati ay papasok sa isang tainga at lalabas sa kabila. Kaya useless ang mga payo kung hindi naman susundin.

Kinuha ko ang suklay sa may lamesa ng kwarto namin para ayusin ang buhok kong straight pero sobrang gulo. Tulog mantika din kasi ako kaya nagugulo ang buhok ko. Sa akin yata nagmana ang mga anak kong tulog mantika kung matulog sila. Aba dapat lang! Dapat lang na may manahin sila sa akin.

Dahil ako ang nagdala sa kanila ng 9 na buwan. Ako ang naghirap habang wala siya sa buhay namin. 

Tinali ko ang buhok kong pa-ponytail. Minsan na lang akong magtali ng ganito dahil tinatamad ako. 'Tsaka wala naman akong pinapagandahan kaya no need ng mag-ayos.

"O need ko pa ding magpaganda?" tanong ko sa sarili ko. "Pero para kanino naman?"

Napangiwi ako sa sariling tanong ko. Bakit need pa ng dahilan para magpaganda ako? At bakit ko naman siya papagandahan? Duh! Walang kami kaya bakit? Hindi ba pwedeng magpaganda ka na lang Rana para sa sarili mo? At walang para kanino? 

Bakit ko ba kasi iniisip 'to?

Napanguso ako. "Maganda pa din ba ako sa mga mata niya?"

Ang sarap sapukin ng sarili ko, kaasar! Akala ko ba wala na akong feelings? Bakit nag-o-overthink pa din ako? Bakit iniisip ko ang mga bagay na 'to? Paki ko ba kung hindi na siya nagagandahan sa akin? At bakit hindi na!

"Paki ko ba kung sa iba na siya nagagandahan at hindi ako?"

Sa sobrang inis ko ay denelete ko ang number ni Dr. Laurent sa phone ko. Bahala siya! Ka-bw*sit! Nakakainis!

Kapal ng mukha niya! Ako lang daw mahal? Mahal niya mukha niya!

Huminga ako ng malalim at pinapakalma ko ang sarili. Sh3t! Naiinis na naman ako. Nang nararamdaman kong kumalma na ako ay kinuha ko ang cellphone ko para tingnan ang schedule ko. Hindi ako pumasok kahapon kasi wala naman akong gagawin sa ospital.

Kung meron man ay pinautos ko na lang dahil ang totoong dahilan ay ayaw ko munang makita siya. Nagpaalam naman ako sa head namin na a-absent ako. Wala lang. Ayaw ko lang siyang makita. Lalo pa't sa mga sinabi niya. Hindi ko alam kung dapat ko nga bang paniwalaan o hindi.

Pero papasok ba ako? Oo o hindi?

Syempre….

Hindi!

10 Tips For Healing Your Broken Heart | EDITINGWhere stories live. Discover now