12

2K 34 0
                                    

Chapter 12

Napabuntong-hininga na lamang ako. Dahil hanggang ngayong umaga ay hindi pa rin nagkakaroon ng malay si Dr. Laurent. Pero nagamot ko naman na siya. Buti na lang meron akong emergency kit.

Sh*t! Hindi naman niya kasi sinabing may allergy pala siya sa chicken. Kung sinabi niya ay baka hindi ko na siya pina-order ng ganong pagkain. Nawala na ang pantal niyang nasa leeg niya or sa buong katawan.

"Ate, kamusta pakiramdam ni Kuya?" tanong ni Steven ng makababa siya. Nakabihis na ito ng pangpasok sa school.

"He's still unconscious," I said. "Do you still have money?"

"Meron pa, Ate," sagot nito. "Buti na lang at nagkasya ang damit ko sa kaniya, Ate."

Siya lang kasi ang medyo maayos na katawan. Si Steven na swak din sa katawan ni Dr. Laurent. Si Shaun kasi ay payat 'yon kaya hindi magkakasya ang damit no'n dito. Kay Samuel naman ay masyadong malaki ang mga damit no'n dahil medyo chubby siya ang kapatid kong 'yon.

"Ate, ako wala na. Naubos na," singit naman ni Samuel nakakababa lang.

Sina Mama at Papa ay maagang umalis dahil may pupuntahan daw sila. Hindi nila sinabi kung saan. Pero baka daw bukas na sila makauwi.

"Ako rin, Ate. Wala na," natatawang anas ni Shaun.

"Ul*l! You already have a salary, right?"

"I'm just joking, Ate. Ito naman." Tumingin siya kay Dr. Laurent. "Hindi pa rin gising si doc?"

"Ano ba nakikita mo?"

"Sungit! Halikan mo, Ate. Para magising at mamuhay kayo ng happy and ever after." Pagbibiro niya na ginatungan naman ng dalawa kong kapatid na lalaki.

"Oo nga, Ate! Baka sakaling magising 'yan."

"Manahimik nga kayo! Kumain na kayo doon sa kusina dahil nagluto na ako ng agahan para makapasok na kayong tatlo," anas ko at sinamahan ko sila pumuntang kusina.

Pinaghanda ko na din sila ng mga plato at mga kutsara, tinidor, at baso. Nakalagay naman na sa ibabaw ng lamesa ng niluto at magsasandok na lang sila. Nagsandok na din ako ng para sa akin dahil hindi pa din ako kumakain. Sabay bumalik ako ulit sa sala namin kung saan nakahiga si Dr. Laurent.

Hindi ko kasi siya mabuhat dahil mabigat siya. Kahit nga sina Sameul ay hindi din nila mabuhat kahit nagtulong-tulungan na sila nina Shaun at Steven. Grabeng bigat. Ilang kilo ba siya? Ako kasi ay nasa 45 lang at mukha akong medyo chubby. But I love my body no matter what I look. I don't care about their opinion if I looked chubby or more than that.

Napatingin ako sa oranasan namin. Mga 8:30 na ng umaga pero hindi pa rin siya nagigising. Mamaya lang ay may duty na ako. Mga 10 AM ang oras ng duty ko.

"Ate, alis na kami," pagpapaalam ni Steven.

"Sige! Take care."

"Kami dapat ang nagsabi niyan, sis!" Singit ng bading kong kapatid si Shaun. "Ingatan mo si doktor na pogi. Baka gapangin mo at pikitin kung magkatain man."

"G*ga ka! I'm not that kind of girl," I said bluntly, making him laugh.

"Baka lang naman kasi, sis!"

Inirapan ko na lang siya at kumaway sa kanila. Tinignan ko pa sila hanggang sa makalayo sa bahay namin at makasakay sa jeep. Pagkalaunan ay pumasok ako ulit ng bahay at sinara ang pinto. At dahil wala naman akong ginagawa ay binuhay ko ang music habang plano kong maglinis ng bahay.

"Ang dating saya, ngayon ay malungkot na. Ang dating saya, ngayon ay hindi na madama. Ang dating saya, na kahit wala siya. Ang dating saya, na walang katumbas. Maibabalik pa ba?"

10 Tips For Healing Your Broken Heart Where stories live. Discover now