40

2.3K 45 10
                                    

Smile ka na! Dalawa na ni-update ko. Comment ka, ha? Kapag ito hindi umabot ng 20 comments hindi ako mag-a-update sa next week! Hahaha

Chapter 40

Nang masalinan ng dugo ang anak ko ay sinabi sa akin ni Dr. Philips na okey na ang kalagayan ng buhay ng anak ko. Need na lang namin siyang hintayin na magising pero hindi ko pa din maiwasan mag-alala. Hindi talaga ako mapapanatag hangga't bindi ko nakikitang mulat ang mata ng anak kong babae.

Ayaw ko ng mawalan ulit. Nakakatakot. Nakaka-trauma. Ang hirap-hirap pang makapag-move on kapag ganun.

Syempre, anak ko ‘yun at buhay niya ay nanganganib. Kung talagang may nangyaring masama sa anak ko ay hindi ko alam ang gagawin ko. Baka ikamatay ko ‘yun. Hindi ko kayang mawalan ako ng anak. Kahit isang anak ay hindi ko makakaya.

Hinding-hindi ko din mapapatawad ang sarili ko.

“Here.”

Napaangat ako ng tingin ng may nag-aabot sa akin ng tubig. Hindi ko siya pinansin. Dahil kinakabahan ako. Gusto kong malaman kung ano ang iniisip niya ngayon.

Kung iniisip niya bang anak niya ang pinagbigyan niya ng libreng dugo. Kung iniisip niya bang angkinin na lang ang anak ko. Kung iniisip niya bang na sana ako na lang ang ama ng bata. Lahat-lahat gusto kong malaman pero natatakot ako. Natatakot akong magtanong sa kaniya. Natatakot akong makarinig ng masakit na salita.

“Sige na. Accept it," he said at siya na mismo ang naglagay ng tubig sa kamay ko ng wala akong balak na kunin ang tubig na inaalok niya sa akin.

Tumikhim ako. “Salamat pala.”

Hindi dahil sa tubig kundi sa dugo. Kung hindi siya nag-donate siguro ay malala ngayon ang kondisyon ng anak ko. Nang anak namin dahil sa pride ko.

“Walang anuman,” then he smiled at me. “Don't be sad na. Okey na anak mo.”

Anak natin nga kasi!

“I know and thank you for your blood," I said na may halong pagmamataray kaya natawa siya.

“You haven't really changed yet. The way you behaved when I met you is still the same to this day.”

Nagulat ako ng bigla niya akong yakapin. Nanlaki ang mata ko. Hindi ako makakilos dahil doon. Bakit niya ako niyayakap? Hindi ko naman ito hiniling, ah? Wala akong sinabing yakapin niya ako. Kaya bakit niyakap niya ako?

Kaya dahil doon sa yakap niya ramdam ko ang puso kong nagwawala na naman ng dahil sa kanya. Ayaw kumalma lagi na lang sa tuwing nasa paligid ko siya.

“Si Jason ba ang ama ng anak mo?” he asked as he let go of the embrace.

Eh? Hindi man lang ipaliwanag kung bakit niya ako niyakap? Basta na lang ako niyakap ng walang paliwanag.

“P-Paki mo!”

"Why isn't he here? Why isn't he by your side especially when your daughter's life is in danger?" sunod-sunod niyang tanong.

Eh, bakit naman siya pupunta dito? Hindi naman siya ang ama ng mga anak ko kundi ikaw!

"Paki mo ba?! Bakit ka ba nangingialam ng may buhay ng may buhay?" sigaw ko kaya napapatingin sa amin ang mga ibang tao.

Pero wala naman akong paki kahit mukha akong immature dahil sa kinikilos ko. Doctor ako pero mukha akong batang kumilos na ma-pride kapag siya ang kaharap ko.

"Hayst! Why did you marry a man who can't accompany you in complicated matters? Even now in a situation where you need him." His voice rose slightly.

10 Tips For Healing Your Broken Heart Where stories live. Discover now