07

2.4K 47 1
                                    

We spent almost 6 hours in the operating room. We operated on an old woman's brain. She is about 78 years old but she is still strong. That old lady has a brain aneurysm. Ayon sa search ko sa google ang brain aneurysm is a weak area in the blood vessel wall that occasionally ruptures and results in a subarachnoid hemorrhage. Ang subarachnoid hemorrhage ay mas kilalang SAH.

And according to this disease, women are more susceptible to it than men. Children under 18 years of age can also be affected by this disease, but it is rare for children to develop this disease. Kapag daw meron ang isang tao na ganito ay kailangan agad magpagamot para hindi na magpatuloy pang pagdurugo.

"You want?"

May nag-abot sa akin ng isang milk tea chocolate. Hindi ko na kailangan pang tingnan kung sino 'yon dahil boses at pabango pa lang ay alam na alam mo na kung sino.

"Kung ibibigay mo, eh. Why not? At kung may bayad. Huwag na lang." Pagtataray ko.

He chuckled. "Ipagpatuloy mo lang 'yan at talagang mahuhulog ako ng tuluyan sayo."

“Ha?”

“Ang sungit mo kasi kapag ako ang kaharap mo pero kapag ibang tao ang kaharap mo hindi ka naman ganito kasungit,” pagpupuna niya.

“So?”

“Wala lang, nakakapagtaka lang. Bakit ka masungit sa akin?”

Kailangan ba may dahilan kapag nagsusungit? “Bakit ba? Eh, sa gusto ko lang.”

“Baka naman… gusto mo na ako?”

“Kapal mo!”

Napairap ako sa kanya at kinuha ang milk tea. Bahala siya. Inalok niya ako. Kaya hindi ko ito babayaran. I didn't look at him because I was busy searching about what we did earlier in the operating room. I was curious about brain surgery. I also dream of becoming a doctor. After kong maging nurse. Kaso mas gusto kong focus ay sa puso pero dahil naiiengganyo ako sa parte ng utak ay baka 'yun na lang kunin ko if ever na mag-aral ako ulit.

"Sobra naman yata ang pagka-busy mo sa cellphone mo kaya maski kaunting atensyon mo ay hindi mo lang ako mabigyan."

Natigilan ako sa sinabi ni Dr. Laurent. Atensyon? Bakit sino ba siya para bigyan ko ng atensyon? Hindi kami close at kakakilala ko lang din sa kanya. Malay ko bang pakitang tao lang pala ang mabait niyang pinapakita sa akin.

"Anong sagot mo sa pinag-usapan natin ng isang araw?" tanong niya.

"Alin doon? 'Yung 10 tips ba?"

"Yes." Tumango-tango siya.

Binaba ko ang cellphone ko. Nilapag ko sa ibabaw ng lamesa at hinayaang naka-on 'yon at tinignan siya. "Effective ba 'yun? Nakakasiguro ka bang makakalimutan ko ang ex ko kapag pumayag ako sa sinasabi mo?"

He struggled. "How will we know if it's effective if we don't try it?"

Tama siya. Hindi ko malalaman kung effective ba 'yun kung hindi ko papatulan. But… let's say effective ang 10 tips then what happens next? Mapapa-fall ako sa kanya naman? Then what happened between me and his brother will repeat. Kaso sa kaniya naman? Huwag na lang… siguro? Pero gusto ko ng makalimutan siya.

"Then tell me if you don't have feelings for your ex," he added.

"At bakit?"

"Of course. So that I know it's effective." He sipped his milk tea. "And when you don't have feelings for your ex. Sana'y hayaan mo akong ligawan ka."

What?! Ligawan? "Kung gano'n ay hindi na lang ako papayag."

May kapalit pala ang pagtulong niyang 'yon. Tss!

10 Tips For Healing Your Broken Heart Where stories live. Discover now