42

2.6K 37 18
                                    

Chapter 42

“Here, kumain ka na.”

Masama ang tingin kong tinignan siya ng nag-abot siya ng pagkain sa akin. Halos gusto ko siyang sampalin dahil hindi ko pa din makalimutan ng pag-tricks niya sa akin. Isa din kasi akong t4ng4! Nabulag ako ng kaba at takot ko kaya nadulas ako at nasabi koo ang totoo.

Kaya ngayon ay nandito siya ulit sa loob ng kwarto kung nasaan ang anak ko. Pagkatapos niya sa operating room ay dito ulit siya dumiretso at para bang ginagawa niyang tambayan ang kwarto ng pasyente. Mula ng nalaman niyang anak niya ang mga anak ko ay halos ayaw na niyang umalis dito.

Baita ko din ay maaga siyang nag-out sa pagka-duty niya kahit hindi pa naman niya time. Para lang pumunta dito at tumambay. Para tuloy gusto ko na lang lamunin ng lupa dahil nandito ang mga pamilya ko tapos ganito siya kung kumilos. Halos gulat na gulat sila at nalilito at the same time dahil ang sabi ko ay wala na kami ni Dr. Laurent pero ngayon ay nandito siya at kumikilos na para bang isang responsableng Ama.

“Hindi ako gutom,” sambit ko at inirapan siya. Lumapit ako kay Maeo nang nakita kong nahihirapan siyang kainin ang manok kaya naghugas muna ako ng kamay bago himayin iyon.

“Mama, gusto ko po din iyan,” sabi naman ni Mara habang nakatingin sa manok kong hinihimay na ulam ng kapatid niya.

“Pero hindi pwede sayo ito.” Kumuha ako ng shanghai. “Ito na lang kainin mo, anak.”

Dala ito nina Mama ang mga pagkaing kinakain ng mga anak ko. Kaya pala sila natagalan ay pinagluto pa nila kami bago sila pumunta dito. Kaso hindi naman na sila kumpleto katulad ng kanina. Wala na dito si Shaira at ang asawa niya.

Ngumuso ang anak ko. Halatang nagtatampo dahil hindi niya makain ang gusto niyang pagkain.

“Bakit hindi pwede?” tanong naman ng nasa likuran namin kaya napairap ako.

“Kasi bawal!” inis kong sambit at mas lalo akong nainis ng makitang may hawak siyang manok din. Kinuha ko iyon mula sa kaniya at nilayo. “At bawal din sayo ito! Kakain ka na naman. Ang tigas talaga ng ulo mo ‘no!”

Napatigil lang ako ng may biglang tumikhim. Doon ko lang napansin na nandito pala ang pamilya ko at mga anak ko pero sa harapan pa talaga nila kami nag-aaway. Ay ako lang pala dahil ako lang naman ang nagbubunganga.

“Ano ba talaga ang relasyon niyo?” tanong ni Papa.

“Oo nga, Ate.” Napakamot na si Steven sa ulo niya at tila ay nalilito na din. “Ang sabi mo sa amin ay wala na kayo ni Kuya Martin. Eh, ano iyang ginagawa niyo?”

Relasyon? Bakit naman kami ngayon napunta sa relasyon? Ano ba talagang nangyayari ngayon at napupunta kami sa mga topic na hindi ko inaasahan na marinig? Hindi ko din alam kung paano ko sasagutin. Hindi akoo ready.

Hindi ko din naman kasi inaasahan na mangyayari ito. Kaya hindi ko napaghandaan.

“B-Basta po wala kaming relasyon,” sagot ko. Dahilan para mas lalo lang silang maguluhan.

Kahit ako naman ay naguguluhan din. Hindi ko alam kung anong status talaga namin ngayon. Dahil ang sinasabi naman niya ay babawiin daw niya kami. Kaya paanong babawiin? Hindi ko gets.

“Ang gulo mo, Ate,” sambit ni Samuel.

“Basta! Huwag na lang kasi kayong magtanong kung ayaw niyong maguluhan!” sabi ko. “Basta! Akala niyo lang merong KAMI pero wala po TALAGA. Walang KAMI—”

“Pero ngayon meron na,” pinutol ni Dr. Laurent ang sinasabi ko at nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko. “Ulit.”

Ulit? Ano daw?

10 Tips For Healing Your Broken Heart Where stories live. Discover now