27

2K 32 0
                                    

Chapter 27

"Payag ka ba?"

Hindi ko alam ang isasagot ko sa tanong niya. Nang umuwi kasi ako dito ay handa na akong magpatali kay Marvin. Handa na akong magpakasal kaso ng nangyari ‘iyon ay para bang umatras ang pagiging handa kong maging isang Ina at maging asawa.

“I-I don't know," I said weakly.

“Why?”

Napayuko ako at umiwas ng tingin sa kanya. “Mahihintay mo ba ako kung sasabihin kong hindi pa ako handa? Alam mo naman siguro ang nangyari sa amin ng kapatid mo, ‘di ba? Akala ko kasi pag-uwi ko dito ay magpo-propose na siya sa akin at maikakasal na kami pero lahat ng nasa isip kong iyon ay biglang naglaho dahil nagloko siya.”

“I'm not like my brother," he said.

Umiling ako. Hindi ko alam. Natatakot na ako. Natatakot na akong sumugal kahit may relasyon na kaming dalawa. Ang red flag ko yatang tingnan dahil sa nangyaring trauma sa akin.

Nang dahil sa kapatid niya ay hindi ko magawang magmahal ulit ng buo. Dahil may pag-aalinlangan ng halo ang pagmamahal ko.

“Huwag ka muna magsalita ng hindi tapos. Baka—”

“Baka magloko ako? Ganon ba?” seryoso niyang tanong dahilan para matigilan ako. Hinawakan niya ang kamay ko. "Love, ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi ako tutulad sa kapatid ko. Alam ko kung anong trauma ang dinulot niya sayo kaya wala akong balak na gawin iyon sayo dahil mahal kita."

"Iyan din ang sinabi niya—"

"But I'm not him!" sigaw niya kaya natigilan ako. Huminga siya ng malalim. "I'm sorry. Hindi ko intensyon na sigawan ka. Naiinis kasi ako. Naiinid ako dahil kinukompara mo ako sa kapatid ko. Naiinis ako kasi tinutulad mo ako sa kapatid ko kahit na hindi naman ako ganung tao!"

Hindi ako umimik at natahimik lang. Kinain ako ng pagka-guilty ko.

Hinawakan niya ang pisngi ko kabilaan at dahan-dahan niya 'yun inangat sabay hinalikan ako. "I'm not mad. Nang sinabi kong mahal kita... Totoo 'yun at walang halong biro... At wala din halong kalokohan... Lahat no'n ay totoo at seryoso ako...sayo. Mahal na mahal kita, Rana... At wala akong balak na lokohin ka dahil mahal kita. At ayaw kong mawala ka sa buhay ko kaya wala akong gagawin na dahilan para mawala ka sa akin."

Naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko magawang pagkatiwalaan siya ng buo at mahalin siya ng buo puno ng what if ang isip ko.

"Mahal na mahal kita. Kaya sana paniwalaan mo 'ko. Pagkatiwalaan mo 'ko. Iyan lang ang hinihiling ko, love."

Masisi niya ba ako kung ganito ang nararamdaman ko? “I’m sorry.”

Namayani ang katahimikan sa hapagkainan dahil hindi na siya nagsalita pa at kumain na lamang siya. Kaya naman ay hindi ako makakain ng maayos dahil tumahimik siya. Alam kong nasasaktan siya. Ang tahimik niyang iyon ay may hatid sa aking kaba.

At hindi ko maiwasang dapuan ng kaba at takot dahil doon. At pumasok sa isip ko na paano kung kakahintay din niya sa akin ay maghanap siya ng iba? Sa kakahintay niya sa akin ay magsawa siya? Sa kakahintay niya sa akin ay baka hindi na siya ang maging dulo ko, ang endgame ko, ang forever ko, ang love ko.

I'm sorry kung nasasaktan kita. I'm sorry sa pagiging ganito ko.

Wala sa sariling hinawakan ko ang kamay niya kaya napatingin siya sa akin. “Love, please? Don't be mad at me. Bigyan mo lang ako ng konting panahon, ng konting oras para makapag-isip.”

He took a deep breath. "I'm not mad."

Hindi nga pero bakit pakiramdam ko ay oo? Sinasabi niya lang sa akin na hindi pero nararamdaman ko iyon. Kahit baliktad ang sinasabi niya. Kahit baliktad ang sagot niya sa tanong ko ay ramdam ko.

10 Tips For Healing Your Broken Heart Where stories live. Discover now