09

2.3K 46 3
                                    

Chapter 9

"Do you want anything else?"

Napatingin ako sa bibilhin naming pagkain. Ang dami na nga tapos magtatanong pa siya. Palibhasa kasi barya lang sa kanila kung umabot man ang kanilang binili ng mga 1k plus pero kasi sa aming mahihirap ay namamahalan na kapag gano'n tapos iisipin mo pa kapag kinapos ka sa pera. Paano na?

"It's okay. Huwag ka ng kumuha pa ng iba!" I widened my eyes at him.

Kalalaking tao pero napakagastos niya. Tinalo pa niya ako. Hindi pa kami umuuwing dalawa. Dahil medyo maaga pa naman daw sabi niya. Pagkatapos naming pumunta sa may bangin ay dito kami dumiretso ni Dr. Laurent sa maliit na market. Nagutom daw kasi siya bigla kaya nang-ayang pumunta rito.

"That's delicious too," he snorted when he saw a gummy worm.

I laughed a little. He is like a child. Everything we used to eat when we were little was what he wanted to eat. "That will ruin your teeth so don't even try to take that."

"I will try no matter how many times you ruin me," he said.

I-reject? Ni-reject ko na ba siya? Hindi ba't hindi pa? Wala pa nga akong sagot sa mga pampakilig moves niya. Walang talab sa akin dahil lunod pa rin ako sa kapatid niya. Mahal ko pa rin kahit iba na ang mahal niya.

At anong connect no'n sa candy? Gutom pa ba ito or nasisiraan na talaga siya ng bait?

"Do you want us to try it?" I asked him seriously so the smile on his lips disappeared.

"Hey! I'm just kidding. Huwag mo sanang totohanin."

"Okay, thank you for giving me the idea to do that," I said with a smile. I turned my back on him to pay for the food he bought. Namin pala. Pero mas marami ang kaniya.

Hindi naman halatang food lover siya 'no?

"Fuck!" Rinig kong mura niya. "Uy, nagbibiro lang ako!"

Hindi ko na lang pinansin ang pagsigaw niya kahit na nakakuha 'yon ng naraming atensyon. Kailangan talagang sumigaw? Ilang taon na siya pero isip bata pa rin. Nakakaloka!

Hindi naman ganyan noon si ex. Siguro oo? Pero kapag naglalambing lang naman. Napabuntong-hininga ako ng maalala na naman ang kanina. Bakit ko pa ba kasi iniisip 'yun?

Akala ko ba desperada ana akong kalimutan siya? Pero bakit inaalala ko pa? Paano ako nito makaka-move on kung ikukumpara ko si Dr. Laurent lagi sa kapatid niya? Marami silang differences na dalawa lalo na sa ugali, kilos, pananamit, at mga hilig.

Ang pinag-similar lang naman nila ay ang itsura dahil medyo hawig ni ex si Dr. Laurent na hindi ko kaagad napansin. Mas malaki ang katawan ni Dr. Laurent kaysa kay ex. Mas matangkad din si Dr. Laurent.

"Ma'am, nasa 890 po ang lahat," sambit ng cashier. Kaya tinapik ko ang katabi ko na si Dr. Laurent.

"Doc, bayaran mo na. Nasa 890 daw lahat-lahat," sambit ko.

"Doc?" He asked.

I nodded. "Yes, why?"

"You're so formal," sabay lahad ng perang isang libo at inabot doon sa babaeng cashier na halos hindi na maalis ang paningin nito sa katabi ko.

Gwapong-gwapo naman ito sa kasama ko. Kulang na lang ay tumulo ang laway niya.

"Ate, you will be fooled by that good looks. Manloloko 'yan," bulong ko na narinig naman ni ate pero natawa lang siya.

Kapag ikaw umiyak bahala ka! Nagpapaalala na nga ako. Ayaw pa makinig.

"Yah! I'm not a cheater." sigaw niya kahit wala naman akong sinabing pangalan. So, ibig sabihin ay tinamaan siya. So, manloloko siya.

10 Tips For Healing Your Broken Heart | EDITINGWhere stories live. Discover now