28

2K 29 0
                                    

Chapter 28

"O-Ouch!"

"Shut up!" I shouted. Kaya natahinik naman siya.

Masama ang tingin ko kay Dr. Laurent habang ginagamot ko siya. Ginagamot ko ang pasang gawa ng pag-aaway nila ni Jason. Si Jason naman ay ginagamot na ni Maxene at nandoon sila sa may clinic ni Dr. Matthew. Patulan ba naman ang mas bata sa kaniya. 

Umiinit ang ulo ko kapag naalala ko ang pag-aaway nila ni Jason. Kami naman ay nasa office na ni Dr. Laurent. Pinaghiwalay namin ang dalawa dahil nagkainitan sila. Si Jason kasi ang hilig mang-asar kaya napikon naman itong isa. Tapos itong si Dr. Laurent naman ay nagpadala sa mga pang-aasar ni Jason.

"Dapat kasi hindi mo na siya pinatulan pa!" Dagdag ko pa.

Kaya napayuko ito pinatingala ko din agad dahil diniinan ko ang bulak sa paggamot sa pasa niya sa mukha. Putok ang labi niya tuloy ngayon. Pero gwapo pa rin. Ang gwapo pa rin ng… Boyfriend ko. Walang pagbabago.

Kahit nga yata daan pa ng pison ang mukha niya ay ganun pa din yata ang magiging itsura niya. Gwapo pa din. Minsan talaga napapaisip ako kung tao pa ba ito o alien na nagkatawang tao lang.

Naramdaman kong pinulupot niya ang braso niya sa bewang ko na para bang naglalambing dahil alam niyang galit ako sa ginawa niya. Kaya nararamdaman ko na ang hininga niya sa may bandang tiyan ko. Para siyang naglalambing na bata dahil pinapagalitan ko siya. Mukha tuloy kaming magnanay dahil dito.

"Why are you scolding me? Bakit hindi 'yung Jason na 'yun?" tanong nito at nagsalubong ang kilay. "Siya ang nauna, ah. Hindi ako."

"Ah, so, kailangan pa ring gantihan dahil siya ang nauna?" Taas kilay kong anas at inirapan siya. "Ganun ba? Napakaisip bata mo naman kung ganyan."

Nawala ang pagkasalubong ng kilay niya. "Eh, because he was teasing me."

"I told you not to hit him, didn't I? Because what he says is not true. You know he was just teasing you, so why did you punch him?" Napamewang ako at tinigil na din ang paggamot sa kaniya. Dahil tapos na ako sa paggamot sa kaniya.

Inalis ko ang pagkakayakap niya sa akin para maayos ko ang mga pinaggamitan kong pinanggamot sa kanya para maibalik ko na. Binalik ko ang emergency kit sa dating nilalagyan nito sa office niya. Kung saan ko ito nakuha kanina.

"Aalis na ako. Marami pa akong gagawin," paalam ko at pagkatapos ay aalis na sana ako ng higitin ako nito. Kaya napaupo ako sa may hita niya.

Bahagya pang umawang ang aking labi dahil doon. Hindi naman ako galit, naiinis lang. Ang akin lang ay sana hindi na niya pinatulan pa. Dahil kahit na naaasar siya ay hindi pa rin tama ang manakit. Lalo na't mas matanda siya kaysa kay Jason. Magkasing edad lang kasi kami no'n.

Lalo na't si Jason ay ganon talaga 'yun pero mabait siya. Dati pa naman ay mapang-asar na talaga ang lalaking iyon. Pero kahit papaano ay naging kaibigan namin siya nina Maria noon ng nag-aaral pa kami. Sadyang maloko lang talaga pero maasahan ang lalaking iyon. Humingi ka lang ng tulong doon ay agad ka niyang tutulungan ng walang kapalit.

"Galit ka pa ba?" tanong nito.

Pero hindi ako nagsalita. Tinitigan ko lamang siya at pinagsaklop naman niya ang aming mga kamay habang nakaupo pa rin ako sa lap niya. Nakasandal pa sa kanya. Ginagawa niya akong baby.

"Sorry na. Promise, hindi na mauulit. Naasar lang talaga ako sa mga pinagsasabi niya," mahinang anas niya at naramdaman ko ang munti niyang paghalik sa akin.

Para bang sa pamamagitan no'n ay nilalambing niya ako at sinusuyo kahit hindi naman ako galit. Ang cute niya kapag ganito siya kalambing. Kinikilig ako.

10 Tips For Healing Your Broken Heart Where stories live. Discover now