05

2.6K 47 2
                                    

"Anong ginagawa mo dito?"

Hindi ako makapaniwala na tumingin sa kanya ng makita ko na naman ang lalaking ito. Bakit ba sa tuwing may pupuntahan akong lugar ay lagi ko siyang nakikita?

Lumawak ang ngiti niya sa kanyang labi. "Ikaw nga ang dapat na tinatanong ko niyan, Miss."

Napataas ang kilay ko. "Malamang mag-a-apply ako dito! Kaya nandito ako. Eh, ikaw? Bakit!?"

"Oh? Really?”

“Yes! Kaya pwede ba? Alis! Peste ka sa buhay ko!”

Natawa siya. “Me? Peste o baka naman swerte sa buhay mo?”

Ako naman ang natawa ng sarkastika. Ang lakas talaga ng loob niyang magganyan sa akin kahit hindi naman kami close na dalawa.

“Ang kapal ng mukha mo!”

“Why? Nagsasabi lang naman ako ng fact.”

“Fact you!”

Napailing siya at talaga namang aliw na aliw sa itsura kong naiirita sa kanya. Bakit ba ako inis sa lalaking ito?

“Ang sabi mo ay mamamasukan ka rito kaya dapat ngayon pa lang ay matututo ka ng gumalang sa boss mo.”

“Magalang akong tao pero sa PILING tao lang,” saad ko.

“So, paano kita iha-hired if ganyan ka?”

“Wala kang paki kung ganito ako sayo, okay? ‘Tsaka ikaw ba ang boss dito para galang—”

Natigilan ako sa pagsisigaw sa kanya ng mapatingin ako sa ibabaw ng lamesa. Shit! Siya ang may-ari nitong ospital? At ang nakakagulat pa ay ang apelyido niya. Ka-apelyido niya ang ex ko.

Dr. Martin Eon Vladimir A. Laurent

Laurent? Isa rin siyang Laurent? Kaano-ano niya si Marvin kung ganon?

"May problema ba doon, Miss?" Nakangiting tanong niya at para bang sayang-saya dahil ngayon ko lang napagtanto na siya ang may-ari nitong ospital at isa rin pala siyang doktor. "Miss, Savvy Rainy Luna Castor-Laurent."

Kumunot ang noo ko ng dugtungan niya ang apelyido ko ng apelyido niya. What the heck?! Ang pangit! Hindi bagay! Nakakasuka ang apelyido na 'yan! Hindi ko nga alam kung bakit dati ay pumasok sa isip ko na balang araw ay magiging isang Laurent din ako. Ang Laurent na apelyido ang maninira ng puso ko!

"Ang ganda naman ng name ng future wife ko." Kinindatan niya ako ulit. "Bagay na bagay ang apelyido ko sayo. Palitan na ba natin?”

"Ayaw ko sa apelyido mo, may sumpa." Pangbabara ko. "At isa pa Castor lang ang magiging apelyido ko. Castor lang ang magandang apelyido ko at wala ng iba. Kahit kailanman ay hindi ako magiging isang Laurent!"

"Opsss, hindi mo sure," sambit niya. Nakangiti pa rin siya kaya nakabalandra ang dimple niya. As if na nagpapa-cute siya sa akin. "Malay mo balang araw ay magiging kabilang ka rin na maging isang Laurent at dahil iyon sa akin."

"Ayaw ko sa apelyido mo," irap ko sa kanya. "'Tsaka hindi mo pa ako sinasagot—"

"Eh, 'di sinasagot na kita." Putol niya sa akin.

Ano bang kinakain niya? At parang kumukulo lang lalo ang dugo ko sa kaniya? Hindi ko alam pero sa tuwing nakikita ko siya ay kumukulo ang dugo ko sa hindi malaman na dahilan. Parang sa kanya ko nilalabas ang galit ko. Dahil siguro ay isa siyang Laurent. Ka-apelyido siya ng ex ko.

“Pwede ba? Huwag kang assuming! May itatanong ako,” sabi ko. “May kilala kang Marvin? Marvin Laurent? Kaano-ano mo siya?”

Natawa siya ng tingnan ko siya ng masama. "Relax ka lang, Aien. Kalma lang. So, dapat kitang sayawan ng baby kalma para kumalma ka?”

10 Tips For Healing Your Broken Heart Where stories live. Discover now