25

2K 39 0
                                    

Chapter 25

WARNING | SPG | R18

"Why does Dr. Laurent seem stressed?"

Napatingin ako may Maxene ng bigla niya 'yon maitanong at sa akin pa siya nakatingin. Na para bang alam ko ang dahilan ng pagka-stress ni Dr. Laurent. Well, alam ko naman talaga.

"W-Why are you looking at me?" I asked.

Napatingin din sa amin sina Sophia at Christian. Yes, complete kami dito ngayon. Pero may kaniya-kaniya kaming ginagawa.

"Syempre, kayo na ni Dr. Laurent kaya sayo ko itatanong," anas niya.

My eyes widened because of that. How did she know? I have not yet asked how she knew but she showed me her cell phone and there was a post on Facebook by Dr. Laurent na in a relationship na kami at naka-tag pa sa akin.

Dahil doon ay kinuha ko kaagad ang cellphone ko. Kaya pala panay ang tunog ng phone ko dahil doon sa p*steng post niyang iyon. Nang makita ko ang post ay maraming nagco-congrats sa amin dahil kami na daw. Pati mga kamag-anak ko ay pinupuri ako dahil daw sa tagal kong single ay sa wakas ay meron na daw akong boyfriend.

Kung dati lang ay ayaw na ayaw nilang magkaroon ako ng karelasyon kasi bata pa daw ako tapos ngayon ay halos ipagtulakan na nila ako sa kakilala nilang mga single na kasing kaedaran ko lang..

"Kayo na pala ni Dr. Laurent. Hindi mo man lang sinasabi sa amin," nagtatampong sambit ni Sophia. "Kailan pa?"

I coughed. There is no reason for me not to answer her question truthfully because they already know. It's not that I want to hide our relationship but parang gusto kong kami-kami lang nakakaalam ng pamilya namin. Pero hindi ko naman alam na ibo-broadcast ng boyfriend ko.

"Kakasagot ko pa lang sa kanya ng nakaraang araw," sagot ko. Kaya nagtilian sila.

"Nurse, baka naman may single kang kaibigan or si Dr. Laurent or kapatid mo na lang," sambit ni Sophia kaya natawa ako.

"Wala, 'tsaka puro bata pa ang mga kapatid ko."

Napasimangot ang dalawa. "Ay, ano ba iyan. Gusto ko na din kasi maging taken. Ang tagal ko ng single, eh."

"Then just wait for the person for you. You know," I looked at Christian na nakatingin sa amin ngayon. "Malay mo… Nandyan lang sa tabi-tabi ang para sayo."

Pero napangiwi ito ng makita kung sino ang tinitignan ko kaya natawa kami pareho ni Maxene sa naging reaksyon ni Sophia. I smell something fishy between the two of them.

I just shook my head and we went back to what we were doing. Because we need to finish what we are doing. Dr. Laurent left immediately after he took the records of the patients of Dr. Grey.

Kaya malaya akong nakakagawa ang trabaho ko ng maayos. Dahil kung nandito siya ay paniguradong lalandiin niya lang ako ng lalandiin. May ganon pala siyang ugali at ako naman ay nagpapalandi naman. Abala kaming lahat sa work ng biglang may kumatok kaya napatingin kaming lahat don sa ma pumasok. Isang nurse din na lalaki ito ng makita namin.

And he immediately looked at me when he entered our room. "You're Nurse Castor, right?"

I slowly nodded "Yes, why?"

“Someone wants to talk to you," anas nito at muli na namang bumukas ang pinto kaya napatingin ako doon. Hindi ko na naitatanong kung sino dahil parang nabitin sa ere ang aking labi ng makita kung sino ‘yon.

“W-What are you doing here?” Nagsalubong ang kilay ko.

Rinig ko ang pagsinghap nina Sophia at Maxene. Mukhang gulat na gulat sila at maski ako din ay gulat na gulat din. Hindi ko naman kasi siya inaasahan na makikita dito at pupunta dito para makipag-usap sa akin.

10 Tips For Healing Your Broken Heart Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt