35

2.1K 32 1
                                    

Chapter 35

"Ate?"

Napatingin ako kay sa may likuran ko ng may tumawag sa aking ate. Kumunot ang noo ko ng makitang nandito pa ang kapatid ko. Akala ko ay nakaalis na siya? Siya kasi ang nagbabantay sa dalawa kong anak habang wala ako. Buti nga ay nandyan siya.

"Oh, you're still here? I thought you left already?" I asked and leaned against the terrace of the house again.

"Nakaidlip kasi ako kaya nandito pa ako hanggang ngayon," sagot nito kaya tumango ako. "Is there a problem, ate?"

Umiling ako sa tanong niya. Ako? May problema? Wala naman. May iniisip lang. Napabuntong-hininga ako.

"Wala? Eh, bakit ka umiinom ngayon?" Sabay turo niya sa iniinom kong san mig.

"Umiinom lang may problema na agad? Hindi ba pwedeng gusto ko lang?"

Inirapan ako nito. "Ate, kilala kita. Are you going to fool me? You only have two reasons every time you drink alcohol. Una may bonding kayo ng mga kaibigan mo or kaming pamilya mo at pangalawa may iniisip kang problema. Alin ba doon sa dalawa, ate?"

Natawa ako sa sinabi ng kapatid kong si Shaun. Kilalang-kilala nga niya ako at tama siya. Hindi naman ako iinom kung hindi 'yon ang dahilan.

"May problema ka 'no? Pwede ka naman magsabi sa akin, ate. Makikinig ako," sabi niya at hinila ako palapit sa kaniya kaya ngayon ay nakasandal na ako sa may balikat niya at siya naman ay akbay ako.

Sa lahat ng kapatid ko. Siya ang kasundo ko. Kasi nandyan siya para sayo kapag may problema ka. Hindi ka niya iiwan kahit na pagod na pagod ka na sa buhay ipapalakas pa niya ang loob mo at hindi niya hahayaan na lukubin ka ng kahinaan mo.

"He's here," I said weakly.

"Ha? Sino?"

"He," I repeated.

"Sige, ate. Magkakaintindihan tayo niyan. How will I know who he is if you don't tell me?" He even hit me so I laughed.

"Eh, kasi. Why are we talking about my life? Why not yours? Why are you still here? I know you too, Shaun. Padahilan mong nakaidlip ka dito? Ul*l mo!" sigaw ko dito.

Nang umiwas siya ng tingin sa akin ay doon ko na talaga nalaman na meron nga. Magkapatid nga kami. Parehong may problema, eh. Hindi naman nawawalan. Mas lalo pang nadadagdagan. Hindi nababawasan. Ang sakit sa ulo.

"Bakit naman napunta sa akin, ate? Eh, nasayo dapat, 'di ba? Sino muna ang tinutukoy mong siya?"

"Sino ba ang tinutukoy kong siya?" Balik ko dito ng tanong.

"Eh, sino nga ba siya?" Nakangusing tanong nito.

Alam kong may ideya na siya kung sino pero gusto niyang manggaling sa akin. Manggagaling mismo sa bibig ko. sasabihin ko mismo. Kung hindi ko lang siya kapatid ay kanina ko pa siya pinaalis sa bahay ko.

"S-Si Mav," mahinang anas ko.

"Mav?"

Sinamaan ko ng tingin ang kapatid ko pero tumawa lang siya. Halatang hindi natatakot sa akin. Nice!

"Basta si Mav Laurent! Ano? Happy?"

Natatawa siyang napatango-tango. Inaasar nga ako ng g*ga! Sabunutan ko kaya 'to?

"Ahh… 'yung ex mong pangalawang Laurent din na hindi ka maka-move on?"

"Parang ang sarap manapak ng kapatid?"

Mas lalo siyang natawa sa sinabi ko. Kung hindi ko lang talaga ito kapatid ay baka nasapak ko na siya. Pasalamat talaga siya. Pero totoo naman. Hindi pa talaga ako nakakapag-move on pero parang siya oo. Balewala din naman pala 'yung tios na sinasabi niyang healing kung iiwan niya akong lugmok sa nakaraan namin.

10 Tips For Healing Your Broken Heart Where stories live. Discover now