38

2.1K 42 21
                                    

Chapter 38

"Paano na 'yan ngayon, Rana? What will you do? They want to meet their Papa."

Napahilot tuloy ako sa aking sintido. Sumasakit ang ulo ko at hindi alam ang gagawin. Ni hindi ko pa nga siya napapatawad. Ni hindi pa ako ready.

"I don't know," sagot ko.

"Kung patawarin mo na lang kaya siya? Tutal sabi naman niya sayo 'di ba na hindi ka daw niya iniwan sa ere? Nagpahinga lang siya para makapag-isip-isip ka?" tanong ni Samira.

“Hindi ko alam,” umiling-iling ako at napapikit ng mariin lalo.

“Paanong hindi mo alam, Ate? Dapat ngayon pa lang ay nag-iisip ka na,” sambit ng kapatid ko na kakalabas lang sa kwarto namin. Pinatulog niya yata ang mga anak ko dahil hapon naman.

Inaya niya kasi ang mga anak kong matulog lalo na’t hindi ko alam ang isasagot ko sa sinabi ni Maeo. Buti na nga lang at nauto niya ang mga bata. Mana sa Mama nilang utouto din.

Napamulat ako kahit naman gusto kong makapag-isip ay wala din namang pumapasok sa isip ko. Mas lalo lang sumasakit ang ulo ko dahil pakiramdam ko ay nipe-pressure nila ako. Sana nga ganon na lang kadaling makapag-isip ng gagawin. Kaso hindi, eh. Ang hirap.

Nahihirapan nga akong makalimutan siya. Ang makapag-isip pa kaya?

“Tama ‘yung kapatid mo, Rana,” sang-ayon ni Maria.

“I don't know what to do! I can't think!” I said disgustedly and got up to go to the kitchen and get a San Miguel flavored apple beer.

Ito lang din kasi ang available sa bahay ko. Kaya no choice ako kundi ito na lang ang inumin ko. Tamang-tama at may iniisip ako. Isa din ito sa mga comfort zoned ko ang alak. Kahit alam kong hindi siya healthy.

“Iinom ka ng ganitong oras? Seryoso ka ba?” tanong ni Danilyn.

“Oo, bakit? Masama ba?”

“Eh, ‘di mas lalo ka niyang hindi makakapag-isip kasi maglalasing ka,” saad ni Samira.

“Teka lang, guys! Wala akong balak na maglasing, okay? Kung naiinggit kayo. Eh, ‘di kumuha din kay sa ref ko. Gusto ko lang mag-inom para makapag-isip-isip ako,” mahabang sagot ko sa kanila.

Naramdaman kong tumayo sila isa-isa para kumuha din dahil naririnig ko ang mga yabag ng mga paa nila. Pumukit kasi muna ako ng makaupo ako sa sofa. Napamulat ang ako ng makaramdam ako ng yakap.

“Ate, makakaya mo din ‘yang pinagdadaanan mo. Malakas ka, ‘di ba? At huwag mong kakalimutan na lagi akong nandito,” anas ng kapatid ko. “Lagi kitang dadamayan sa lahat ng problemang pinagdadaanan mo. Hindi kita iiwan.”

“Shaun, stop! Pinapaiyak mo ko,” natatawang anas ko.

May tumaik sa balikat ko at si Jadon ‘yon. “Tama ang kapatid mo. Lagi kaming nandito para sayo. Kaya huwag kang mahihiyang humingi ng tulong sa amin if ever na hindi mo na talaga kaya.”

May hawak na din itong dalawang beer. Binigay niya kay Shaun ang isa. Talaga ngang dadamayan nila ako. Napangiti ako ng kusa dahil doon.

“Shaun, kumusta na sila Papa?” tanong ko bigla.

Sobrang tagal na din kasi. Nami-miss ko na sila pero hindi ko sila mapuntahan dahil sobrang busy koong tao. Nami-miss din ba nila ako?

“Ayos naman sina Papa. Kaso tinatanong ka nila sa akin,” sagot nito.

“Ginagamit naman nila ‘yung perang pinapadala ko, ‘di ba?” Kahit hindi kasi kalakihan na pera ang natatanggap kong sweldo ay nagbibigay pa din ako kina Mama. Syempre magulang ko sila at hindi ko sila pwedeng pabayaan.

10 Tips For Healing Your Broken Heart Where stories live. Discover now