44

2.6K 43 5
                                    

Chapter 44

“Mara, Maeo, tara na maliligo na kayo.”

“Mamaya na po, Mama,” sagot nila at bumalik ang kanilang mata sa tv upang manood ng cartoons.

“Mara, Maeo, baka nakakalimutan niyong may pupuntahan pa tayo.”

Nasa Manila na kami ngayon at nasa bahay nina Mama at Papa ko kung saan ako dati nakatira ng lumayas ako. Kagabi pa kami nakarating kaya dito na muna kami tumuloy. Dito na din kami natulog kagabi. Hindi ko nga alam kung paano ang mangyayari dahil kasama din namin sa kwarto ko dati ang Papa nila.

Dahil wala pa naman kaming relasyon no’n. Maayos lang ang pakikitungo namin sa isa’t isa dahil sa mga bata at bukod doon ay wala na. Malaki naman ng kaunti ang kama ko kaya nagkasya kaming apat.

Lumapit ako sa kanilang dalawa at hinawakan ang kamay para tumayo na pero nagmatigas pa din sila. Pinipilit kong patayuin sila pero talo ako.

Huminga ako ng malalim. “Isa! Napanood niyo naman na iyan, ah?” Napakamot ako sa ulo ko dahil hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. “Talagang magagalit ako sa inyo kapag hindi pa kayo d’yan tatayo.”

Akala ko tatayo na sila dahil sa pagbabanta koo pero mukhang wala lang silang narinig. Kanina pa silang umaga nakaharap sa may tv at nanonood ng cartoons. Nagkapag-agahan naman na sila kaya inaaya ko na silang maligo dahil ang sabi ng Papa nila ay maaga daw kaming pupunta sa bahay ng magulang niya para doon na magtanghalian. Pero dahil sa katigasan ng ulo ng anak niya ay ayaw makinig sa akin.

“Dalawa!” sigaw ko ulit. “Huwag niyong hintayin na umabot ito sa tatlo dahil mapapalo ko talaga kayo!”

“Pero Mama,” ngumuso sila.

Tinignan ko sila ng masama. Akmang magsasalita na sana ako ulit ng may humawak sa bewang ko. Pabango pa lang ay kilalang-kilala ko na. Hinalikan ako nito sa pisngi na agad kong tinulak siya papalayo sa akin. Masama ko din siyang tinignan.

“Isa ka pa!” Simula ng nalaman niyang siya ang Ama ng mga anak ko ay todo kiss na niya sa akin.

“Ang aga-aga, love. Ang sungit mo agad? Wala man lang bang good morning kiss d’yan?”

“Kung sapakin kita dyan?”

Natawa naman siya at muli niya akong hinila papalapit sa kaniya. Hinalikan niya ako ulit sa may pisngi ko. Sa tuwing ginagawa niya iyon ay syempre kinikilig ako pero hindi ko pinapahalata. Ayaw kong malaman niyang kinikilig ako sa simpleng sweet niyang galawan na ganun.

“Hayaan mo na muna silang manood. Pwede ko namang sabihin kina Mom at Dad na mamayang gabi na lang tayong pumunta doon,” sambit niya.

“What if tamarin ako?”

“Eh, ‘di cancel ngayon. Pwede naman bukas na lang ulit.” Nakangisi niyang saad na para bang hindi naiinis dahil sinusungitan ko siya. Para bang sanay na sanay na siya sa akin. “Bukas na lang ba? Tinatamad din akong umalis, eh. Dito na lang muna tayo sa pamilya mo para magkaroon tayo ng family bonding.”

Maka-family bonding naman siya. Bakit family na ba kami? Ang alam ko ay hindi pa. Pero hindi ko ba alam kung anong nangyari at hanggang ngayon ay tanggap pa din siya ng pamilya ko kahit alam naman na nila kung ano ang buong nangyari. Hindi sila nagalit. Siguro sumama lang ang loob nila sa kapatid ni Dr. Laurent pero hindi naman to the point na itinakwil nila.

“Oo nga, anak. Dito na muna kayo. Bukas na lang kayong pumunta sa bahay ng asawa mo,” saad ni Mama.

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Asawa ko? Sino? Itong katabi ko? Yuck! Kung papayag ako. Doon ko pa lang siya magiging asawa at kapag kinasal na kami.

10 Tips For Healing Your Broken Heart Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon