41

2.4K 45 14
                                    

Chapter 41

"So, ayos na ang kalagayan ng pamangkin namin?"

"Yaz," sagot ko sa tanong ng kapatid kong si Samuel.

Ang laki ng pinagbago nilang lahat. Sa tagal ba namang hindi nagkita kaya hindi na dapat magulat pa. Pero sobrang na-miss ko silang lahat. Miss na miss ko ang pamilya kong makasama.

"Paano 'yung dalawang magnanakaw na pumasok sa bahay niyo? Nahuli na ba? Nai-report na ba sa mga pulis?" tanong ni Papa na seryoso.

"Yes, Tito. Ang mga pulis na po ang bahala doon," sagot ni Jadon ng tumingin ako sa kanila ni Shaun.

Magkatabi silang dalawa at magkahawak pa ng kamay. Tanggap na sila ni Papa? Alam ko kasi ay hindi tanggap ni Papa na bakla ang kapatid ko kaya nakakapagtaka lang na walang reaksyon si Papa sa kanilang dalawa. Noon kasi tutol siya. Si Mama naman ay walang problema dahil supportive siya.

Si Mama ang the best for me na Ima para sa akin!

"Sana makita nila ang dalawang magnanakaw na 'yun! Hindi nakakatuwa ang ginawa nilang pamamaril. Kung nagnakaw lang sila at hindi nanakit ay matatanggap ko pa pero ang pagbaril? Hindi!"

Naipaliwanag ko na din sa kanila ang kalagayan ng anak kong si Mara. Pati na din ang nangyari bago ma-ospital ang anak ko. Kaya nagagalit si Papa at hindi natutuwang makitang ganito ang kalagayan ng apo niya. Pati din si Mama. Hindi ko tuloy maiwasan sisihin ang sarili ko kung hindi dahil sa katangahan ko ay hindi mapupunta dito ang anak ko. Kaya ng dahil sa akin ay na-ospital siya.

"Anong buong pangalan niya, Ate?" tanong naman ni Steven na hanggang ngayon ay titig na titig siya kay Mara. Para bang natutuwa siyang pagmasdan ang anak ko at sabay titingin sa akin. "Ate, kamukha mo itong anak mong babae. Ang ganda."

Napairap ako. "Malamang ako ang Mama niyan kaya maganda."

Kaya natawa siya. Pero nagsasabi ako ng totoo. Kamukha ko ang anak ko ng kaunti pero mas lamang pa din talaga ang pagkakahawig niya sa Papa niya. Para bang 10% ay magkahawig kami ng anak kong si Mara pero ang 90% ay sa Papa niya.

"Mary Raione Dina Castor," pagbanggit ko sa buong pangalan ng anak kong si Mara.

Si Maeo naman ay nakakandong sa akin havang hinahaplos ko ang buhok niya. Nakatitig pa din sa kapatid niya pero paminsan-minsan ay napapatingin siya kina Mama. Sila Chloe ay umuwi muna para daw bigyan kami ng family time na makapag-usap-usap.

Wala dito si Dr. Laurent dahil hindi din siya pumasok sa loob at ayaw ko din siyang nandito dahil kinakabahan ako ng sobra. Natatakot ako sa hindi malamang dahilan.

"Wow! Ang ganda ng pangalan ng anak mo, Ate," sambit ni Samuel. Sabay lumapit sa akin para tignan ng maigi si Maeo. "Hello, Tito mo 'ko. Ako si Tito Samuel. Ikaw? Anong pangalan mo?"

Umiwas ang tingin ng anak ko dito na akala mo ay natatakot siya dito kaya natawa ako. Dahilan para tumingin sa akin ang anak ko.

I smiled at him. "Sige lang. Kausapin mo ang Tito mo, Maeo. Don't be afraid."

"H-Hi po, I-I'm Marvy Eony Vlana Castro po but they called me Maeo for short."

Kumunot ang noo ni Samuel at nagtaka. "Ate, bakit Castor ang apelyido nila? Bakit hindi Laurent?"

Natigilan ako sa tanong niya. Hindi pa nga pala nila alam na hiwalay na kami ni Dr. Laurent pero siya ang ama ng kambal kong anak. Napatingin ako kay Marvin ng umawang ang bibig nito ng marinig ang tanong ng kapatid ko.

10 Tips For Healing Your Broken Heart Where stories live. Discover now