71 | Heroes

139 11 0
                                    

📖 THE CRIMSON HOST 📖

|| Heroes ||

'AUGUST'

Ikatlong araw ng isang linggong hospital arrest at halos magkagulo na ngayon sa room ko.

"Tangna! Palabasin niyo ako! Sabing palabasin niyo ako, eh!" sigaw ko at nagpupumilit na lumabas pero hindi nila ako pinahihintulutan.

"My goodness gracious! K-kumalma ka nga, August! Jusko ka, ayy!!" tili pa ni Rie na nasa likuran ni Pareng Bri kasama ang dalawang nurse nang ibalibag ko ang upuan sa harapan nila.

"August!" sita naman ni Pareng Bri na nagawang pigilan ang upuan gamit ang weirdness niya. Inalisan niya ng gravity.

"Ayaw niyo talaga ako paalisin?!" Lumapit ako sa hospital bed at ito na ang susunod na ibabalibag ko kapag 'di pa nila ako pinalabas.

Tumingin ako ulit sa kanila nang may isang humakbang para awatin na ako.

"August, please, huminahon ka," sabi ni Ate Micha Lofranco, isa sa teammates nila Aaron.

"I understand how you feel, hindi lang naman ikaw ang nababahala sa kalagayan ni Sebastian ngayon at wala rin namang mangyayari kung pumunta ka roon. You're under temporary detention and if you keep of persisting, it will only worsen your situation."

Kita ko ang halo-halong pagod, pag-aalala, at pagkabalisa sa mga mata niya. Nahuli ko pa siyang kumagat sa ibabang labi niya para pigilan ang sariling maluha sa nalaman na balita.

Kani-kanina lang, kagagaling ko lang sa cr ng room ko rito sa hospital nang pumasok siya kasama sina Rie at Pareng Bri para ibalita ang nangyayari ngayon kay Kuya Bastian.

Ibinalita sa akin ni Ate Micha na tumawag daw sa kaniya ang ibang teammates nilang nandoon sa Manila ngayon para kay Kuya Bastian na nag-flatline na ito at nag-aagaw-buhay na.

Nang marinig ko 'yun, para akong binuhusan ng tinunaw na yelo sa sobrang lamig. Ang tanging nasa isip ko na lang ay lumabas dito at puntahan si Kuya Bastian pero pinigilan nila ako.

"August, magdasal na lang tayo. 'Yun lang ang magagawa natin ngayon dito. Nandoon naman sila Agatha para magbalita sa atin," dagdag pa ni Ate Micha.

Lumapit siya sa 'kin at tinapik ang balikat ko. Hindi ko siya matignan. Nakayuko na lang ako sa sahig.

"Ginagawa na ng mga healers at doctor ang lahat doon para i-revive siya. Babalik si Sebastian sa atin. Magtiwala lang tayo sa Kaniya."

Maya-maya ay biglang bumukas ang pinto at pumasok ang taong hindi ko inaasahang may malay na ngayon. Hingal pa ito at halatang may iniinda pa pero nandito siya ngayon.

"Aaron!"

Tumakbo si Ate Micha para lapitan at alalayan siya. Ako, nanatili lang ako rito sa hospital bed, nakatitig lang sa kaniya habang kinakausap niya si Ate Micha.

Sa lahat ng na-admit dito kasama namin, siya ang pinakahuling nagkamalay kasunod ko kahapon. Pero kahit na kakabalik lang ng malay niya at kahit na mukhang hindi pa siya okay ay nandito siya ngayon para sumagap ng balita at isa pang masamang balita. 

Napatayo ako sa pagkakaupo sa hospital bed nang biglang siyang napasandal sa pader malapit sa pintuan. Dali-dali akong lumapit sa kaniya na inaalalayan na nila dahil mukhang nanghina ito sa nalaman.

The Crimson Host [ Weirdoverse ] [SLOW UPDATE]Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ