51 | Surge •

140 17 10
                                    

📖 THE CRIMSON HOST 📖

|| Surge ||

'AUGUST'

Nagpatuloy ang surprise party na hinanda ng buong klase para sa akin. Kitang-kita sa mukha ng lahat na nag-e-enjoy sila at magsisinungaling naman ako kung sasabihin kong hindi ko na-e-enjoy ang party na ito.

'Gago ako pero 'di ako sinungaling, nakakabawas ng kagwapuhan iyon.'

Halos palubog na rin ang araw at sobrang normal lang ng lahat. Tuloy-tuloy lang ang tawanan at kulitan, talagang ipinaparamdam nila sa akin na special talaga ang araw na ito kahit na hindi nila alam ang buong kwento ng August na kilala nila ngayon.

Sa mga ilang buwan pa lang na nagdaan mula nang magkasama-sama kami, ang bilis lang na nabuo ng bond naming lahat.

Mukha mang alam na namin ang kwento ng bawat isa pero marami pa sa kanila ang hindi ko lubos na kilala at siguradong gano'n din naman sila sa akin.

Habang pinagmamasdan ko sila, napapaisip ako kung magbabago ba ang ngiti at pakikitungo nila sa akin kapag nalaman na nila ang buong kwento ko? Kapag nalaman kaya nila ang lahat ng pinagdaanan ko ay hahayaan pa rin nila akong dumikit sa kanila?

Marami pa silang hindi alam sa akin. Ako rin naman, marami pa akong hindi alam sa sarili ko kaya hanggang ngayon, nahihirapan pa rin akong ibahagi ang sarili ko sa kanila.

'Siguro soon pero 'di pa ngayon.'

Sa paglipas pa ng mga oras, nagpaalam na rin ang mga teammates ni Aaron. May duty pa raw kasi ang mga ito at half-day lang sila. Pero sina Kupal at Kuya Bastian ay day-off kaya naiwan silang dalawa rito kasama ang buong klase.

May mga natanggap din akong mga regalo mula sa mga mahihinang nilalang pati na sa mga kapitbahay namin doon sa bahay na nirerentahan ni Aaron lalo na kay Mrs Grayson.

Malapit sa amin ni Aaron ang ginang na iyon at siya ang palaging gumagawa ng cake ko noon. Meron ding pinadala sina Ike Lunaria, Sir Koshi, at Prof Ayumu. Wala nga lang sila rito dahil mga abala pero ayos lang dahil sapat naman na ang lahat nang nakikita ko ngayon.

At ngayon nga, busy ang mga loko sa palaro na hino-host ng naka-cross dress nga naming class president.

Ang gulo-gulo nila, parang mga batang nakalaya sa bahay ang mga gago pero masaya naman.

Riot!

"Okay, children! Next game na tayo! Again, no using of weirdness tayo para fair game lang, okay?"

Hawak ang mic na hindi ko alam kung saan niya kinuha, rumampa si Rie sa buong hallway hanggang sa sulok ng party hall. Pinanood lang namin siya hanggang sa may hatak-hatak na siyang malaking box.

"Oh? Ano naman iyang box na iyan, class pres?" tanong ni Elixir. Lahat ay pinapanood lang siya habang hirap na hirap itong hinihila ang box.

"Ito ba? Wala naman, mga props lang ito na gagamitin natin sa mga games! Hiningi ko ang mga ito sa mga staff ng hotel nila Lexus," sagot ni Rie.

"Medyo mabigat nga lang siya. Marami-rami kasi ito eh, oo."

"Ay mabigat, class pres?" pigil-tawang tanong ni Kenneth.

Halos maihi naman na kakapigil ng tawa ang mga babae, halatang pinagkakaisahan na naman si Rie.

"Hurry up, Rie! Ano bang mechanics ng game na sinasabi mo? Sabihin mo na para alam na namin habang binubuhat mo iyan," dagdag pa ng gagong si Lexus. Pulang-pula na ang mukha ni gago kakapigil ng tawa.

The Crimson Host [ Weirdoverse ] [SLOW UPDATE]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن