46 | At Least •

197 20 14
                                    

📖 THE CRIMSON HOST 📖

|| At Least ||

'AUGUST'

"Sandali! Palabas na ako, mga p're!" sigaw ko nang bulabugin na ng mga barako ang pinto ng room ko.

"Let's go, Boss August! Ikaw na lang ang hinihintay!" sigaw naman pabalik galing sa labas, tingin ko si Kenneth iyon.

"P're, let's go! Mamaya na iyan kung ano mang ginagawa mo pag-uwi! Kahit buong magdamag ka pa walang pipigil sa'yo!" segunda naman ni Lex na sinundan ng malalakas nilang halakhakan.

'Tangna! Gago talagang bunganga nitong si Lex, wala talagang patawad.'

"Gago! Katatapos ko lang kanina, mga ulol!" Natatawa at naiiling na lang ako habang minamadali ang pagpapapogi sa harap ng salamin.

Jeans, black hoodie jacket at white rubber shoes lang naman ang suot ko, simpleng-simple lang pero talagang tumagal lang ako sa pag-aayos ng buhok ko.

Katulad ng lagi kong sinasabi, ayos lang na magsuot ako ng basahan basta maayos ang buhok ko kung paanong style ang gusto ko.

Patapos na ako sa pag-aayos nang bigla na nanamang kumalampag ang pinto ko. Sa lakas no'n napatalon ako sa gulat kaya hindi na naman ako nakapagpigil.

"TANGNA! 'DI MAKAPAGHINTAY AHH! PATAY KAYO SA AKIN KAPAG AKO NAKALABAS!"

Pagbukas ko ng pinto, wala ng tao sa labas pero nahuli ko pa sina Lex, Andrei, Djhor, Kenneth, at Jhon Michael na nagtutulakan papunta sa dulo ng hallway.

"TAKBO MGA GAGO! 'WAG KAYONG PAPAHULI SA AKIN. NGANGAT-NGATIN KO KAYO NG BUO!" Tumakbo na rin ako para habulin sila. Panay ang tawanan at tulakan nila, pati ako natatawa na rin.

Hindi rin naman sila nakatakas sa akin dahil sa lobby pa lang ng Camp nahuli ko na sila. Paanong hindi, eh nasa range ko pa sila kaya naabot pa sila ng weirdness ko.

"Ano?! Tatakas pa kayo? Isang maling hakbang lang mga gago kukunin ko lahat ng energy ninyo sa katawan!" ngising banta ko sa mga ito.

Wala. 'Di rin sila makapalag dahil may mga crimson mist nang nakabalot sa katawan nila. Hindi pa nga nila nararamdaman na nababawasan sila ng lakas pero kapag ginusto ko siguradong bagsak silang lima.

"Si Lex ang nag-utos sa akin, Boss August. Sabi niya, kalampagin ko raw kasi baka may ginagawa ka pang-"

"Heh! At kung meron nga, iistorbohin niyo ako, ha!? Mga gago kayo ah!"

Naudlot lang ang parusa sana na gagawin ko sa limang gago nang dumating si Pareng Bri kasama si Gideon. Kunot-noo pa ang dalawa habang pinagmamasdan sila Lex na mukhang nagmamaka-awa na sa kanilang dalawang tulungan sila.

"Ano pang ginagawa niyo? Are you just going to play here? If that was your plan, we should have just left you, dumbasses," ani Pareng Bri na as usual, poker face na naman.

Natawa naman ng bahagya si Gideon. "Kung ano man iyang ginagawa niyo ngayon, mamaya niyo na ituloy iyan. Let's go, guys, habang kaya pang pigilan nina Elixir at Laser si Rie."

Tinitigan ko na lang ng matalim ang limang gago bago ko in-undo ang Essence Theft ko. Nakagalaw at nakahinga lang sila ng maluwag nang ma-dissolve sa hangin ang mga crimson mist na nakapaligid sa katawan nila.

Umakbay ako kay Lex na tatawa-tawa pa. "Hoy! Akala niyo tapos na kayo? Ilibre niyo ako ng sapatos ngayon. Tara na!"

"Si Lexus na iyan, siya ang promotor!" Turo kaagad nila kay Lex na umangil kaagad sa kanila. Mabuti na nga lang nahawakan ko kaagad, baka maka-kagat pa.

The Crimson Host [ Weirdoverse ] [SLOW UPDATE]Where stories live. Discover now