5 | August's Angel •

602 43 42
                                    

📖 THE CRIMSON HOST 📖

|| August's Angel ||

'AUGUST'

Tumayo sa harap si Angel matapos siyang sabihan ni Prof Ayumu na magpakilala. Abang na abang ako sa kanya at hindi ko maibaba ang labi ko sa pagkakangiti habang pinagmamasdan siya.

Mukha talaga s'yang anghel kaya Angel na ang itatawag ko sa kanya mula ngayon.

"Hoy! P're!"

Pitik sa tenga ang sandaling pumutol sa pagtitig ko kay Angel. Nilingon ko naman ng nakangiti si Lexus na alam kong pumitik sa akin.

Nang makita niya na nakangiti ay para itong malalaglag sa kanyang kinauupuan. Ang OA pa ng paglayo n'ya na para s'yang nakakita ng gwapong multo.

'Ano problema nito?'

"W-What the heck, P're! N'yare sa'yo? Nayari na." Hindi makapaniwala niyang sabi.

Tumango-tango naman ako bago muling tumingin kay Angel.

"Yayariin ko talaga." Wala sa sariling sabi ko. Natauhan lang ako nang sapakin ako ni Lexus sa braso.

"Kamanyakan mo, P're paki-kontrol. 'Wag dito 'yan, i-lugar mo naman." Natatawang sabi n'ya.

"Gago! Ang ibig kong sabihin yayariin ko ang mang-i-istorbo pa sa akin. Ano? Kukulitin mo pa ako?" Banta ko sa kanya. Agad-agad naman n'yang itinaas ang dalawang kamay n'ya sabay iling.

"Good."

Bumalik ulit kay Angel ang tingin ko nang magsimula na s'yang magpakilala.

"G-good morning, everyone. I'm Ehaan Runes, 18. Nice meeting you all." Nahihiya nitong pakilala.

Mukhang hindi nakontento sa pagpapakilala n'ya ang iba dahil halos lahat sila ay sabay-sabay na nagtaas ng kamay.

"Yes, you." Turo ni Prof Ayumu kay pink wool jacket. Tumayo naman s'ya sa kinauupuan niya at tumingin kay Angel.

'Ehaan pangalan n'ya, gago! Hindi ka ba nakikinig?'

'Ehaan, oo narinig ko pero mas gusto ko Angel.'

"Your Weirdness please? We really want to know what your Weirdness is. You belong to the special class so that only means na may rare at fabulousness kang Weirdness, right guys?" arap niya sa buong class.

Natawa kami dahil sa tono ng pananalita niya pero sumang-ayon din naman sa mga sinabi n'ya.

"U-uhmm… My– my Weirdness is… is Runes. Runic Magic. That– that's my Weirdness."

Tumikhim si Prof Ayumu nang magsimulang magkagulo sa pagtataka ang lahat. Lumapit siya kay Angel na nakayuko na lang sa sahig. Hinaplos niya ang likod nito saka niya nginitian para alisin ang discomfort na nararamdaman nito.

'Prof! Pwedeng ako na lang mag-comfort sa kanya? Mahusay ako d'yan!'

"Weird man pakinggan but Ehaan here who's surname is Runes has the Weirdness of Rune Casting or Runic Magic. Actually, I also have no idea about his Weirdness but the Headmaster who enrolled Ehaan here himself told me that he is a special Weirdo with the ability to bend the purest of Arcane magic in the form of Runes. I haven't heard any of that information and I'm currently learning more about it." Paliwanag ni Prof Ayumu para kay Ehaan.

Amazed na amazed naman kami lalo na ako dahil hindi lang pala mala-anghel na mukha ang meron siya kundi sobrang rare Weirdness at to think na ang mismong Headmaster pa ang nag-enroll sa kanya rito sa Sierra.

The Crimson Host [ Weirdoverse ] [SLOW UPDATE]Where stories live. Discover now