14 | The New Idol •

454 36 26
                                    

📖 THE CRIMSON HOST 📖

|| The New Idol ||

'AUGUST'

Kasalukuyan akong nasa harapan ng salamin habang nag-aayos ng buhok nang biglang may kumatok sa pinto ng room ko, malalakas at mabibilis.

"Boss Agosto! Labas na or else sisipain ko itong pinto mo!" sigaw ni Lex.

Napailing na lang ako sabay dampot sa bag ko na nasa ibabaw ng kama.

Pagbukas ko ng pinto ay binato ko kaagad sa kanya ang bag ko.

"Anong sabi mo, Lex? Sisipain mo ang pinto ng room ko?" 

Ngingiti-ngiti naman kaagad ito at parang maamong tupa na ibinalik sa akin ang bag ko.

"Just kidding! Sinusubukan ko lang kasi baka kako nag-m-morning ritual ka pa," anito habang itinataas-baba ang isang kamay.

May kalakasang sapak ang kaagad na tumama sa braso niya mula sa akin bago kami nagtawanan.

"Kita mo ngang hindi ko pa mai-galaw itong kamay ko ng maayos eh. Three days na akong napapanis," sabi ko na tinawanan niya. Binatukan ko nga ulit.

"Dapat kasi parehong kamay ang sanay para just in case mangalay ang isa ay may reserba pang isa. Wala ka pala eh!"

Maya-maya ay kinuha niya ang kanang kamay ko na balot pa rin ng benda. Nakalabas lang ang dulo ng mga daliri ko na medyo nangingitim pa rin pero hindi na katulad noong mga nakaraan araw. Ngayon ay medyo nag-l-light na ito at bumabalik na sa dating kulay.

"Wala pa rin bang pakiramdam? Numb pa rin?" tanong niya matapos tignan ang kanang kamay ko.

Itinaas ko naman ito at dahan-dahang binukas-sara, medyo mabagal pa pero nagagalaw ko naman na ito.

"May pakiramdam naman na. Mamaya ang sched ng pagbalik ko sa infirmary para ipa-check kay Nurse Rebecca itong kamay ko," sagot ko habang pababa kami ng hagdan.

Nasa hallway pa lang kami papuntang cafeteria nang makita namin sila Rie at Angel kasama si Brione.

"Uy, si Pareng Brione oh! Akala ko nauna na 'yan?" Turo ni Lex kanila Brione na papasok na ng cafeteria.

Ilang beses kasi kaming kumatok sa room niya kanina kaya lang walang nagbukas kaya alam namin na nauna na siya.

"Aba'y gago! Nauna na nga, nakikita mo naman nakasunod tayo, 'di ba!?" pilosopong sagot ko rito. "Tara na nga, habulin natin."

Tumakbo kaming dalawa para makahabol sa kanila pero nakapasok na sila, roon na namin sila naabutan sa loob kaya diretso na lang kami sa table kung nasaan class namin.

Pansin ko kaagad ang tinginan ng lahat nang makapasok kami ng cafeteria. Napangiti naman agad ako saka lumakad ng taas noo.

"Hi, August!"

"Idol, good morning!"

"Boss August!"

Rinig kong bati at tawag ng mga nadadaanan namin. Ngingiti-ngiti lang ako habang naglalakad at paminsan-minsan ay bumabati rin pabalik lalo na sa mga magagandang chicks.

The Crimson Host [ Weirdoverse ] [SLOW UPDATE]Where stories live. Discover now