53 | Inside the Dome •

174 20 15
                                    

📖 THE CRIMSON HOST 📖

|| Inside the Dome ||

'AUGUST'

Ang kauna-unang pagdiriwang ng birthday ko na kasama ang mga bagong kaibigan ang pinakamasaya na yatang unang araw ng August para sa akin. Ayos na eh, normal lang ang lahat, masaya lang ang lahat pero sa isang iglap lang, lahat kami ngayon ay napunta sa isang sitwasyon na hindi namin inaasahan.

Mula sa central downtown ng North kung nasaan ang NMAS at ang Sierra, isa't kalahating oras mahigit ang kailangang lakbayin para makarating dito sa district 13 kung nasaan ang Morfé Grande na naging venue ng surprise birthday party ng buong klase para sa akin.

Pero ngayon nga, ang buong district 13 ay nakakulong sa napakalaking dark dome at hindi namin alam kung paano kami makakalabas.

Hanggang ngayon, hindi pa namin alam kung sino ang may kagagawan nito at kung nasaan sila. Isang malaking katanungan din sa lahat kung paanong sa isang iglap lang ay halos naging abandonado ang buong district 13 at ang mga naiwan na lang ay kaming mga weirdos at ilang mga Communis na na-trap din kasama namin.

Pero hindi lang pala kaming mga na-trap dito sa loob ng dome ang nandito ngayon, dahil ayon na rin kay Kuya Bastian, ang buong district ay pinamumugaran na ngayon ng mga halimaw na hindi niya pa raw nakikita sa tanang buhay niya, bagay na malaking misteryo pa rin sa amin.

Gano'n pa man, kahit walang sapat na impormasyon, napagpasyahan naming tumulong na sa pagsaklolo sa mga taong nagkalat sa district 13 ngayon.

Pero dahil mga estudyante pa lang kami, isang malaking sugal itong gagawin namin dahil paglabag ito sa batas ng Magical Law Enforcement kaya para magawa naming tumulong, napilitan si Kuya Bastian na bigyan kami ng permiso na tumulong gamit ang pangalan niya.

Wala rin naman siyang choice dahil bukod sa hindi namin alam kung hanggang kailan ito tatagal at kung kailan makakarating ang backup, silang dalawa lang ni Aaron ngayon ang tanging mga agents na nandito. Kailangan nila ng tulong.

Ngayon, ang top priority namin ay mailikas ang mga naiwan at ilikas sila sa Morfé Grande na magiging safe zone naming mga nandito sa loob ng dome habang hindi pa nahahanap ang mga responsable sa nangyayari ngayon.

At ito nga ang plano na nabuo kanina.

***

"Since I am the one who gave permission to all of you, this means that I am responsible for all of you. Itong gagawin ko ay malaking issue na sa pangalan ko so please don't give me more serious problems," sabi ni Kuya Bastian na parang maluha-luha pa.

Pangalan niya kasi ang nakataya rito pero wala na rin naman siyang choice dahil kailangan din nila ni Aaron ng tulong.

Matapos kaming bigyan ng permiso ni Kuya Bastian kanina, pinulong niya kami sa lobby ng hotel nila Lex para bumuo ng plano.

Syempre, kahit ako ang Boss, binigay ko na kay Kuya Bastian ang bagay na ito dahil siya naman ang expert.

"We're already sorry for giving you such a heavy decision, Sir Sebastian, but we will try to lighten your burden," sabi naman ni Joy na sinang-ayunan ng lahat.

"Yeah yeah. Wala na rin naman akong magagawa, nandito na tayo eh," aniya bago huminga ng malalim.

Umayos na rin ito ng tayo at nagseryoso na.

"Okay. Para maging maayos ang gagawin natin, we need a plan but before everything else, gusto ko munang malaman ang weirdness ninyo. From there, I can form a better team-up."

The Crimson Host [ Weirdoverse ] [SLOW UPDATE]Where stories live. Discover now