67 | No One's Victor •

173 9 13
                                    

📖 THE CRIMSON HOST 📖

|| No One's Victor ||

'AUGUST'

Wala na ang ingay ng mga pagsabog. Wala na rin ang mga panaka-nakang pagyanig. Tuluyan nang tumahimik ang buong district 13 matapos mabasag ang Veil na ilang oras ding nagkulong sa amin sa tangnang kaguluhan at bangungot na ito.

Paika-ika ang lakad ko pabalik sa hotel hawak ang kaliwa kong braso. Kanina ko pa pinipigilan pero sa tuwing nakikita ko ang iniwang pinsala ng nangyaring kaguluhan ay napapamura na lang talaga ako.

Tangna nila! Mga gago sila!

Napakaganda ng araw kanina, normal lang ang daloy ng buhay sa lugar na ito at masaya kaming magkakaklase na sine-celebrate ang 19th birthday ko pero binulabog ng mga gagong hayop na 'yun!

Ang dami nilang sinira. Kitang-kita ang lala ng damages dahil sa labanan. Hindi ko rin alam kung ilan ang mga sugatan at kung may mga... namatay.

Wala nga silang napala. Sa gagong Kincaid na rin na 'yun nanggaling na ako ang pakay nila kaya sila nandito.

Gusto nila akong kunin at isama sa kanila dahil nasa loob ko ang isang mahalagang bagay para sa kanila pero hindi sila nagtagumpay.

Wala silang napala dahil hindi nila ako naisama sa pag-alis nila. Pero tangna lang talaga! Kahit na hindi sila nagtagumpay, wala rin akong maramdaman na galak dahil sa iniwan nila!

Walang nagwagi sa labanan na ito! Pare-pareho kaming walang napala dahil naka-alis din sila ng hindi man lang napagbabayaran ang ginawa nila.

Bangungot! Bangungot talaga ang inabot ng lahat dahil sa mga tangnang Evokers na 'yun!

Isinusumpa ko, uubusin ko ang life force ang mga demonyong 'yun hanggang sa mamatay sila sa oras na magkaharap-harap kami ulit.

Kanina noong nakataas pa ang Veil, walang marinig na ingay galing sa labas at wala ring buhay ang kulay ng paligid. Pero nang mabasag na ang Veil ay parang bigla kaming bumalik sa tunay na mundo. Parang nawala kami sa mundo ng ilang buwan sa sobrang dami ng mga nangyari pero ang totoo'y isang buong maghapon lang itong nangyari lahat.

Sa malayo ay rinig ko na ang ingay ng mga sasakyan, wangwang ng mga ambulansya at ingay ng mga helicopters. Sigurado na papunta na ang lahat ngayon dito.

Sa gitna ng paglalakad ko, nakarinig ako ng mga yabag na palapit sa akin. Nang lingunin ko ay nakita ko si Pareng Bri kasama sina Andrei, Djhor, Avon, at Kenneth.

"Boss!" "August!" sigaw ng mga ito. Isang malaking tipak ng bigat ang naalis sa dibdib ko nang makita ko sila.

'Buti naman ayos lang sila. Pero ang iba kaya? Sina Aaron at Kuya Bastian!'

"Boss! Thank God you're okay!" ani Kenneth nang makalapit sila sa akin. Gusto nila akong hawakan pero 'di nila ginawa.

"August, what happened? Pinuntahan ka namin dito dahil sabi ni Andrei ay nararamdaman niyang unstable ang weirdness mo kanina at may isa pang presence siyang naramdaman. Napalaban ka sa Villain?" tanong ni Avon na pinapasadahan ng tingin ang buo kong katawan.

Ayos lang naman ako. Medyo marumi lang ang suot dahil sa kanina pero ayos din ang protection ng masking ng Abyssal Heart, talagang naprotektahan ako. Masakit lang ang buo kong katawan at medyo nanghihina na rin.

Ang mga kamay ko—

Bumaba ang tingin ko sa mga kamay ko. Medyo nangingitim ang mga ito pero kumpara kanina, mas maayos na ito.

The Crimson Host [ Weirdoverse ] [SLOW UPDATE]Where stories live. Discover now