48 | The First Day of the Eighth Month •

190 20 9
                                    

📖 THE CRIMSON HOST 📖

|| The First Day of the Eighth Month ||

'AUGUST'

Suot ang manipis na boxer shorts, nakatayo lang ako sa harapan ng whole body mirror dito sa room ko.

Mataas na ang sikat ng araw nang magising ako kanina at ang kaagad kong ginawa pagkabangon ko ay ito— tumayo sa harapan ng salamin at pagmasdan ang buong repleksyon ko.

Kung sa ibang araw siguro, malamang para na naman akong body builder na pumoporma sa harap ng salamin para iyabang ang magandang hubog ng katawan ko pero iba ang araw na ito ngayon.

Hindi ko alam kung bakit halos dalawang oras na akong nakatayo rito at pinagmamasdan ang repleksyon ko sa salamin, pero nang magising kasi ako kanina ito kaagad ang ginawa ng katawan ko.

Gumising akong hindi maganda ang mood at hindi ko naman matandaan kung bakit. Nagiging ganito lang naman ang gising ko kapag binangungot ako o 'di kaya ay hindi maganda ang naging panaginip ko. Pero hindi ko naman maalala kung binangungot nga ba ako kagabi.

Wala. Kahit pilit kong alalahanin kung anong napanaginipan ko ay wala naman akong nahahanap sa ulo ko liban na lang sa pakiramdam na kailangan kong humarap sa salamin.

"Tangna. Ano bang nangyayari sa akin? Kanina pa ako rito pero hindi ko naman alam kung bakit."

Iginalaw-galaw ko ang ulo ko, ang mga kamay ko at maging ang katawan ko. Maigi kong pinagmasdan ang buo kong katawan kung may mali ba at bakit naging weirdo ang pakiramdam ko nang makita ko ang salamin kanina.

"Wala namang kakaiba. Gwapo pa rin, mas naging macho at... malaki pa rin naman," dagdag ko sabay sapo sa kayamanan kong tinatapakan lang ng manipis na boxer shorts.

"Hmm! All in all, masarap pa rin naman! Wala namang kakaiba."

Napailing na lang ako ng wala sa oras. "Tangnang kawerduhan ito! Argh! Makaligo na nga lang!"

Pinili ko na lang na itapon sa sulok ng utak ko kung anong kawerduhan ang nararamdaman ko ngayon.

Hindi ako iyong tipo ng gwapong lalaki na nagpapakalunod sa pag-iisip ng kung ano-ano na hindi ko naman maunawaan. Kesa gawin ko iyon, mabuti pang maligo na lang at nang makakain na sa baba dahil kanina pa ako nagugutom.

Matapos maligo at gawin ang mga bagay na dapat gawin ng isang gwapong lalaki, lumabas na rin ako ng room ko bitbit ang phone ko. May balak akong tawagan ngayong araw pero mamaya na kapag tapos kumain.

Paglabas, natural na gawain ko na ang lapitan ang pinto ng room ni Angel. Pinihit ko ang doorknob pero naka-lock pa rin kaya hindi na ako kumatok.

"Kapag bukas wala ka pa, sinasabi ko sa'yo, hindi mo na magagamit talaga itong room mo dahil doon ka na sa room ko matutulog," nakangisi kong sabi, ang titig ay nasa pinto lang.

Maya-maya ay napabuntunghininga na lang ako.

"Sa totoo lang, 'di ako naniniwala sa birthday wishes, pero kung pagbalik mo ang katuparan, hihipan ko lahat ng kandila ngayong araw bumalik ka lang."

Bumitaw na ako sa doorknob matapos haplusin ang pinto.

'Sana sa susunod pisngi mo naman ang hahaplusin ko, Angel.'

Lumakad na ako palayo para bumaba sa cafeteria, nagwawala na rin kasi ang mga alaga ko sa sikmura ko kaya kailangan ko na talagang bumaba para kumain. Late na nga kasi ako ng gising, siguro ten na ng umaga pero ayos lang naman dahil linggo naman ngayon.

The Crimson Host [ Weirdoverse ] [SLOW UPDATE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon